Chapter 15

4K 95 0
                                    

"I will be home soon ok? I missed you." kulang kulang isang oras na kaming nag uusap sa Skype ni Dmitri. Kasalukuyan syang nasa France ngayon para tulungan ang dad nya sa negosyo nila.

Umuwi na sya last Christmas kasama ako pero pinabalik sya ngayong second sem na ng third year namin dahil nagka emergency sa isa sa mga businesses ng daddy nya. Na meet ko na sya last years at yung mga kapatid din nya. Pinasyal nya rin ako sa mga tourist spots doon.

"Ok. Makakauwi ka ba before Christmas?" nag aalalang tanong ko. Noong October pa kasi sya dun at ngayon dalawang linggo nalang at pasko na pero hindi pa rin nya nasasabi kung makakauwi ba sya ng pasko. Kinailangan din nyang huminto ng isang sem para dito. Sasama na nga sana ako pero ayaw naman akong matigil ni mommy sa pag aaral kaya eto kami ngayon, LDR.

"Hindi pa. Magulo pa kasi dito. Kahit si daddy di na mapakali. But I'll make sure that I will, soon." kahit nalungkot ako sa sinabi nya, tumango nalang ako dahil wala rin naman akong magagawa.

Nagpaalam na rin sya saglit sakin at nag ayos na ko para matulog. Nandito ako sa condo unit nya ngayon. Mag isa ko lang pero secured naman ang area kaya panatag sila mommy at Dmitri.

Bukas aakyat na ko ng Baguio para sa Christmas Vacation. Magba bus lang ako dahil nga wala si Dmitri.

"Oh god!" napatutop ako sa bibig ko at dumeretso na ng CR. Pagdilat palang kasi ng mga mata ko, parang binabaliktad na ang sikmura ko.

Alam ko kung ano ang cause nito. Hindi to food poisoning.

Nanghihina akong napaupo sa sahig at napahawak sa puson ko. Two months nakong delayed at hindi ko pa yon nasasabi kay Dmitri. Hindi pa rin ako nagpe pregnancy test dahil natatakot pa ko.

This thing is inevitable. Ng bago sya umalis, hindi na sya gumagamit ng protection. Dati naman nagwi-withdraw sya kaya alam ko kung gaano sya nag iingat.

Naligo na rin ako para maibsan ang sama ng pakiramdam ko at nag ready na para pumunta sa bus station. Pwede naman lakaran lang pero nagtaxi na ko dahil ayaw kong mapagod lalo na at alam kong may dinadala ako. Hindi ko pa talaga confirm pero ramdam ko na.

Halos umabot ng walong oras ang byahe dahil sa traffic at ang daming stop over kaya pagod na pagod ako pag uwi. Kahit na seven na ng umaga na ko umalis halos dapit hapon na ng makarating ako sa bahay.

Tulad dati, kay mommy muna ako titira habang wala si Dmitri. Nakatulog lang ako pagdating ko sa dati kong kwarto.

Nagising ulit ako kinabukasan na tutop ang bibig ko at tumuloy ng banyo. Mabuti na lamang at may sariling banyo ang kwarto ko.

Naligo na ko pagkatapos at binuksan ang laptop ko. Hindi nga ako nagkakamali dahil ang daming kong missed calls mula kay Dmitri.

Nakita kong online sya kaya naman tinawagan ko sya. Hindi ko alam kung anong oras na doon pero sinubukan ko pa rin. 6:09 am ng tingnan ko ang digital clock ko.

"Hey, love. How are you?" ito ang bungad agad sakin ni Dmitri. Nakaupo sya sa may kama nya at nakasandal sa headboard ng kama. Malamlam lang ang ilaw sa kwarto nya kaya kalahati lang ng katawan at mukha nya ang nasisinagan nito.

"Hey.. Anong oras na dyan? Naiistorbo ba kita?"

"Nope! It's 11 pm here. Ang aga mong nagising?" nakita ko syang humikab. Baka napagod din sya maghapon kaya mukhang pagod na.

"Bakit gising ka pa? Nakatulog ako pag uwi ko kahapon kaya di kita natawagan. I'm sorry."

"No need to say sorry. I understand. And I called mom kaya alam kong nakauwi kang safe."

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon