Chapter 10

4.2K 118 0
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Ramdam ko ang hininga ni Dmitri na tumatama sa may batok ko at ang higpit ng yakap nya.

Hindi ko namalayan na napasarap pala ako ng tulog. Binalak ko pa man din na gumising ng madaling araw para sya naman.

"Morning.." bati nya sa namamaos na tinig at hinalikan ako sa gilid ng leeg ko. Binalingan ko lang sya at ngumiti.

"Anong oras na? Baka hinahanap na tayo." kahit na naiilang ako sa posisyon namin at knowing na hubad ako sa ilalim ng comforter, nag wo worry pa rin ako na baka malaman to ng mga nanay namin.

"Bihis na tayo then let's have breakfast down stairs." suhuwesyon nya sabay tayo na sya para magbihis.

Binalot ko nalang ang sarili ko sa comforter at isa isang dinampot ang mga damit ko.

"Ummmhh... Dmitri? Nakita mo ba yung... Yung ano... Ahmmm..." kanina ko pa kasi hinahanap ang panty ko pero hindi ko naman sya madiretso dahil nahihiya ako lalo nat tuwing naaalala ko ang ginawa nya kagabi di ko mapigilang hindi mag blush.

"This?" sabi nya sabay wagayway pa sa panty ko. Alam ko naman na nagiging playful sya at kahit na subukan kong kunin hindi naman nya ibibgay kaya humalikipkip nalang ako at nilahad ang kamay ko at saka sya tinitigan.

"Tsk! No fun." nagmamaktol nyang sabi.

Lumapit nalang sya sa akin at bigla nalang lumuhod. Gosh! Gusto nya sya ang magpa suot non sa akin!

Pinamulahan ulit ako at sinuot nalang para makauwi na kami. Ng kalagitnaan na bigla nalang nyang inalis ang comforter kaya nalantad ang katawan ko sa kanya.

"Dmitri!!" nanghihilakbot kong sigaw.

"ano?! Nakain ko na nga yan kagabi eh." nahampas ko nalang sya at lalo pang namula. Grabe to! Napakabulgar ng bibig.

Pero masya ako dahil alam ko na nagmamahalan kami. Atleast hindi pala nabalewala ang mga efforts ko. Kailangan lang palang itodo.

"Saan kayo nanggaling?!" yun ang bungad ni mama sa amin pagkahatid nya sa akin. Nandito rin pala si tita na masamang nakatingin kay Dmitri. Sinugod nya pa nga ito ng mga pingot.

"ikaw na bata ka!!! Di ba sinabi ko na maghintay ka hanggang mag 18 si Deanne?! Dalawang buwan nalang di mo pa nahintay!! Kuuuu!!!" nanggigigil na sabi ni tita sa kanya. Ayokong mag assume pero parang pinapalabas ni tita na may balak talaga sa akin si Dmitri. At kung ano man yon ay di ko pa sigurado.

"Ma naman eh! Aray! Aray! 2 months na nga lang di ba?! You said it yourself!" tiningnan ko si mommy. Nakatanga din pala sya sa dalawa.

"Wag mo kong ma ingles ingles! Palibhasa mana ka sa tatay mo! Napakamainipin!" nanggagaliiti pa rin si tita pero tumigil na sa paghampas sa kanya.

"Mom!"

"Wag mo kong ma mom mom!" napabuntong hiningan hinarap ni tita si mommy pagkatapos pagalitan si Dmitri. "Pag uusapan na ba natin mare?"

"Si-sigurado ka?" ano bang pag uusapan nila. Sa tingin ko kanina pa sila magkasama bakit ngayon lang mag uusap?

"Oo. Tatawag lang ako sa bahay ipapadala ko ung pinaluto ko."

"Ok. Papahanda ko lang ang mesa."

Di ako makasunod sa usapan nalang kaya kinibit balikat ko nalang at tiningnan si Dmitri. Kanina pa pala sya nakatingin sa akin kaya kinunot ko ang noo ko. Umiling iling lang sya at nilapitan ako saka inakbayan.

"I love you." napangiti nalang ako sa binulong nya kaya hinarap ko sya at pinulupot ang mga kamay sa bewang nya.

Nasa dining room ng pareho sila mommy kaya malaya akong nakapaglalambing sa kanya. Nahihiya pa kasi ako sa kanila kahit na pagdating sa school pinangangalandakan ko ang pagkagusto ko sa kanya.

Buong dinner, walang naging topic kung hindi ang hindi namin pag uwi. Mas settled na si tita at nag bibiruan na sila ni Dmitri kaya pati kami ni mommy nakikisama na rin.

I am happy dahil it turned out na okay sa mga magulang namin. Akala ko nga hindi matutuwa si mommy dahil napakabata pa namin.

"Happy?" tumango lang ako na ngiting ngiti sa tanong ni Dmitri. Nasa sala na kami habang nagkakape sila mommy. Kami ni Dmitri nasa two seater lounge lang.

"So??.. " napatingin kami kay tita ng bigla syang mag salita at tumingin sa amin. "Napag usapan na namin ni kumare na sa birthday mismo ni Deanne ang kasal."

"A-ano...? Ba-ba...kit?" nakanganga nalang ako dahil bigla nalang nag shut down ang utak ko sa sinabi ni tita. Ano to? Bakit may kasal. Mage-18 palang ako ah. Akala ko ba ok sa kanila?

Hindi pa ko ready dito. And besides, bago palang ang relsyon namin. What if di mag work out? Ang mahal kaya ng annulment. Ok, i know masyadong adavnce ang isip ko pero, kasal?

"m-mom...?" helpless akong napatingin kay mommy. Kahit sya nakita ko na nalilito rin sya.

"Mare, alam ko babae ang akin pero baka naman mapag usapan pa natin to? I mean, mga bata pa sila. Bakit di natin hintayin na matapos muna sila ng pag aaral di ba?" way to go mom. Pero parang baliktad? Bakit parang si ako ang na-shot gun dito?

"Mare naman. Sabi mo nga babae ang sayo. Naagrabyado di ba?" pinanlakihan naman ni tita ng mga mata ang katabi ko.

Helpless naman akong tumingin kay Dmitri pero para rin akong binagsakan ng langit ng makita ang helpless din nyang mukha.

Ano ba tong napasok namin? Hindi naman makaluma ang mga magulang namin pero kung makaasta parang nawalan nako ng puri. Ni wala ngang nakakaalam na kami na eh. Sila palang.

"No that's final! Planuhin na natin ang kasal!" kahit si mommy wala ng nagawa sa sinabi ni tita. Mas malakas kasi ang personality ni tita sa kanya.

Naiiyak nalang akong tumingin kay Dmitri. Pero nagulat ako sa galit na nakikita ko sa mga mata. I'm sure pati sya ayaw nya kaya sya nagagalit at wala rin syang magawa sa desisyon ng mommy nya.

Pumunta ako ng garden para mapag isa muna. Hindi pa kasi kaya ng isip ko na ikakasal na ko.

Lahat ng emosyon nararamdaman ko pwera lang yung saya. Dapat nga maging masaya ako dahil ikakasal ako sa lalaking mahal ko pero hindi pa kasi ito ang tamang oras.

Gusto kong umiyak, maghinagpis pero walang luha naman na gustong bumagsak sa mga mata ko. Sa tindi ng emosyong nararamdaman ko ngayon parang natuyuan ako ng mga luha.

"Kung ayaw mo palang maikasal sa akin, just say so. Akala ko pa naman mahal mo ko. Tsk! Pinaasa mo lang pala ako." na shock ako sa sinabi ni Dmitri kaya hindi ko na sya napigilan ng dumeretso sya sa sasakyan nya at umalis nalang.

Ano ba tong napasok ko? This is suppose to be my happiest day.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon