Chapter 2

5.8K 133 1
                                    

"Well... That was... Marvelous... Wife..."

Hindi pa ko agad naka react sa sinabi nya. Para kasi akong lumutang sa alapaap sa halik na binigay nya sa akin. O binigay ko? Na tinugon nya?

Pinamulahan tuloy ako at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kung kanina mga tuhod ko lang ang nanginginig sa nerbyos, ngayon buong katawan ko na.

Napasinghap ako ng maramdaman Kong hinapit nya ko sa may likod kaya naman sobrang dikit na namin sa isat isa. Napahawak tuloy ako sa matitigas nyang mga dibdib. At alam ko na may isa pang naninigas sa gitnang bahagi ng katawan nya. Dahil ramdam na ramdam ko ito!

"Fuck! Why did you do that for? Alam mo namang basta halik mo nawawalan ako ng kontrol." Alam ko na titig na titig sya sa akin pero Hindi ko masalubong ang mga Mata nya.

"You look more beautiful when you blush." Gosh! Alam ko naman na nagba-blush na ko. But complimenting me with it, para tuloy lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko.

Itinulak ko sya pero Hindi pa rin sapat ang lakas ko para pakawalan nya ko.

"Ummggghh..." Ungol lang nya ng higpitan pa nya ang pagkakayakap sa akin imbes na pakawalan ako.

"Let's dance!" Yaya nya sakin saka ako hinila papunta sa dance floor. Nagkataon namang napalitan ang kanta sa mabagal na tempo. Parang nananadya pa ang DJ!

Dinala nya ko sa may gitna ng dance floor at sinimulang mag sway. Nakayakap pa rin sya sa may likod ko Kaya wala na Kong nagawa kundi ipagsiklop ang mga kamay sa may batok nya.

"So...??? What was that stunt for? Care to tell me?" Tanong nya sakin. Sapat lang ang tono ng boses nya para marinig ko sya.

"It's...it's just a dare OK? Wag kang OA!" Naiirita Kong sabi sabay irap pa para pagtakpan ang pagkapahiyang nararamdaman ko.

"Uh huh... Or is that an excuse para mahalikan mo ko? You don't have to, you know? Just ask me nicely and I'll oblige." Nakangisi nyang pahayag sa akin. Alam ko naman na pagbibigyan nya ko. After all, like what he said, he's my husband.

"You know me better than that!" Naiirita ko pa ring sabi sa kanya. Matalim ko na ngayon syang tinitignan habang sya, may pag uuyam ang mga titig at may naglalarong mga ngiti sa mga Mata at labi.

"Oh yes! If my memory serves me right, sobrang patay na patay ka sa akin to the point of throwing yourself to me." I know he was mocking me. Walang panunumbat sa tono nya kundi amusement lang.

"Shut up!" I hissed while blushing profusely.

"Dmitri!!! I love youuuuu!!! Sagutin mo na koooo!!!"

"Whooooo!!! Sagutin na yan!!!!"

Nasa gitna ng field sina Dmitri at nagpapractice ng soccer. Varsity sya kasi sa school namin at ka batch ko rin.

Graduating na kami this year at magkaklase pa kami.

Simula palang ng fourth year high school, pinaalam ko na sa mga kaklase ko at mga kaibigan na gusto ko sya.

Suportado naman nila ako kaya pag sinusumpong ako ng kakapalan ng mukha, tulad ngayon, nakikisigaw din sila.

Pero kahit nasa kalayuan sya, nakita ko syang sumimangot sa direksyon ko at inambang na susuntukin ang isa naming kaklase na ka team din nya na sumigaw.

Nagtawanan lang ang mga to na lalong ikinasimangot ni Dmitri. Ang iba namang mga estudyante ay nagtataka lang na tumingin sa direksyon ko.

"Ibang klase ka talaga girl! Kapal din ng fes mo te!" Maarteng sabi ng kaibigan Kong bakla na si Gian.

"Watch me." Determinado Kong sabi saka ako nag martsa papunta kina Dmitri na ngayon ay nakaupo sa ilalim ng puno. Nag break muna kasi sila sa practice nila.

Di naman kalayuan ang bleachers at halos 5pm na rin kaya di na gaanong mainit.

Dahil nakatalikod sya sa akin kaya di nya alam na papunta ako sa pwesto nila. Ngumuso lang ang mga ka team nya sa direksyon ko.

Pagbaling palang ng mukha nya sakin, nakasimangot na agad sya. Gusto ko rin tuloy sumimangot dahil sa pinapakita nya. Para ba Kong isang malaking sagabal sa buhay nya. Pero pinanatili ko lang ang malapad Kong ngiti.

"Hi DA!" Masigla Kong bati sa kanya. At lalo pa syang sumimangot.

Bumaling ulit sya sa mga kaibigan nya ng di man ako in an acknowledge. Gusto ko tuloy syang batukan.

Kung di ko lang sya mahal, nunca akong magpapakatanga ng ganito.

"Hi guys!" Nag-hi naman ang iba, yung iba kumaway lang at ngumiti.

"Here!" Inabutan ko sila isa isa ng malamig na tubig. Binili ko pa ang mga to kanina sa canteen at pina freezer.

"Wow! You're the best talaga, Deanne!" Ngiting ngiti pang inabot ni Nicko na pinaka close ni Dmitri.

Nakita Kong sinuntok pa sya ni Dmitri pero nagkibit balikat lang sya at saka ininom na ang binigay Kong tubig.

"Asan ang Kay Dmitri?" Nagtatakang tanong ng isa pa nyang ka team na Hindi ko alam ang pangalan, although nakakangitian ko.

"Aahhmmm... Naubusan na kasi ng tubig eh. Kaya... Yun... Anyway, enjoy your ICE COLD WATER guys!" Bigay diin ko pa. Alam ko na mas magagalit sya sa ginawa ko pero alam ko namang Hindi nya kukunin kung bibigyan ko man sya.

Ilang beses na kasi nyang di tinanggap ang pang pagkaing binibigay ko sa kanya. Kaya imbes na ideretso ko sa kanya, sa mga ka team nalang nya dahil alam Kong kakainin ng mga yon.

"Tsk! Para tubig lang!" Narinig Kong komento nya bago pa ko nakatalikod pabalik sa bleachers. Hindi na ko lumingon para tingnan ang reaksyon ng mga kasama nya dahil baka mas lalo lang sumama ang loob ko pag nakita ko ang awa nila sakin.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon