Chapter 14

4.3K 98 1
                                    

"So ano ng plano mo nyan Anj?" tanong ng mommy ni Dmitri. Nasa dining kami ngayon at kasalukuyang nagdi-dinner.

Kanina nakita nya ko, sobrang higpit na yakap ang binigay nya sakin. Napaluha pa nga sya dahil daw miss na miss na nya ko. Sa nakaraang taon kasi, si mommy ang madalas na pumunta ng Manila.

"Magrereview po ako for board exam sa june. Then pagkakuha ko po siguro ng registration ko, baka po mag a-apply ako dito sa General Hospital. Dito na po muna siguro para may kasama si mommy at matulungan ko na rin po kayo sa business."

Tumango tango lang sya at si mommy habang si Dmitri naman ay nakatingin lang sakin. Hindi ko alam kung anong expression nya dahil hindi ko sya matingnan. Wala naman kasi syang alam sa mga decisions ko.

"Ok lang ba sayo yun Angelo?" napahigpit ang hawak ko sa mga kubyertos sa tanong ni mommy sa kanya. Bakit hindi naman magiging ok kay Dmitri? Mahigit isang taon na kaming hiwalay kaya wala na syang karapatan sa mga desisyon ko.

"Kung ano po ang desisyon ni Angela, susuportahan ko po." really now? Nung nasa Manila kami, wala naman syang pakialam sa nangyayari sa buhay ko at alam yon ng parents namin.

Nagpatuloy lang sila sa kwentuhan at nasasali lang ako pag tinatanong ako. Hindi ko alam kung ano talaga ang nadarama ko sa mga oras na to. Sa lumipas na panahon, lahat ng sakit tinago ko para lang hindi mag alala si mommy. Pinakita ko sa kanila na ok na ko. Na naka move on nako. Pero ang totoo, parang kahapon lang nangyari ang lahat.

--

"Angela." paanas na sabi ni Dmitri. Akala ko tulog na sya. Nakatira na kasi ako sa bahay nya after naming nagkaayos ay nilipat ko na ang mga gamit ko. Reluctant pa si mommy nung una pero wala na rin syang magagawa dahil asawa ko na sya.

"Gising ka pa?"

"Mhhh... One more round?" dinikit nya lalo ang gitnang bahagi ng katawan nya sa may likod ko. Pinaikot ko nalang ang mga mata ko kahit na hindi naman nya nakikita ang mukha ko.

"Akala ko ba pagod ka na? Di ba nag practice pa kayo kanina?"

"Para maalis ang pagod ko. Sige na. Isa nalang tas tulog na tayo?" bakit Patanong? Ibig sabihin may balak pa sya pagkatapos?

Iniharap nya ko sa kanya at sinimulang halikan. His kisses are different this time. They're slow, parang ninanamnam ang bawat halik. Gentle, parang isa akong babasaging kristal na takot na mabasag. Devouring, parang isang chocolate na sa bawat kagat ay hinahayaan matunaw sa labi para ma enjoy ito.

Bumaba ang halik nya sa may leeg ko at nagtagal doon ang mga labi nya. Napapaliyad nalang ako sa bawat sayad ng labi nya sa balat ko. Bawat halik at haplos ng mga kamay nya sa katawan ko ay naghahatid ng kilabot, kiliti sa kaibuturan ko.

Something has changed. Hindi ko pa alam kung ano but i can feel that our relationship has changed, for better.

--

Lumipas ang ilang mga araw at naging mas sweet at attentive sa akin si Dmitri. Lagi nya kong dine-date. Minsan out of the blue, magyayaya nalang syang mamasyal. O kumain sa labas. O mag movie marathon sa kwarto namin.

"Hey..." kasalukuyan akong nagtu-toothbrush at nagpe-prepare para matulog na ng bigla nya kong yakapin mula sa likod at idikit ang katawan sa akin. Sininop din nya ang buhok ko sa isang side at hinalikan ang leeg ko.

Napapabuntong hininga nalang ako na nagpatuloy sa pagtoothbrush. Nag gargle na rin ako ng mouthwash at nag floss pero hindi na nya ko tinantanan. Hindi lang mga labi nya ang nagdadama sa balat ko kundi pati mga kamay nya.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon