Chapter 11

4K 114 1
                                    

"I now pronounce you, man and wife. You may now kiss the bride." buong ceremony, para ako wala sa sarili ko. Ni hindi ko nga alam kung paano lumipas ang dalawang buwan. Lahat ng preparations sa kasal sila mommy ang nag decide. Ultimo motif at design ng gown ko sila din ang pumili.

Ng magkaharap na kami ni Dmitri wala akong makitang kahit anong emosyon sa kanya. Naging malamig narin ang pakikitungo nya sa akin. For two months, kakausapin lang nya ko pag may inuutos sa kanya ang mommy nya. Kahit ngayong araw mismo ng kasal namin hindi nya ko inimikan.

Simple lang ang naging kasal. Ni wala ngang alam ang mga kaibigan namin. Ang secretary pa ng judge ang naging witness namin kaya kaming apat lang nila mommy ang nandito.

Matagal muna nya kong tinitigan. Kahit di ko na makaya ang malamig nyang mga titig hindi ko pa rin inalis ang mga tingin ko sa kanya. Mahal ko pa rin sya sa kabila ng mga ginawa nya.

"I'm gonna go." sabi lang nya bago tumalikod at umalis na ng office ng judge. Bigla nalang akong namanhid sa kahihiyan.

"I'm sorry Angela. Kakausapin ko sya." yun lang nasabi ni tita bago sya tumalikod at sinundan si Dmitri.

Si mommy naman pilit akong inaalo at nahihiyang nagpaalam sa judge. Kahit naman siguro ako ang nasa posisyon ni mommy talagang mahihiya rin ako. Maganda na rin siguro na wala kaming mga kaibigan dito at hindi na nadagdagan pa ang kahihiyang nararanasan ko.

"Huy girl! Napapansin ko ilang buwan ka ng di nagpapapansin kay papa Dmitri." kanina pa ko kinukulit ni Gian about dito. Two months bago ang kasal, hindi na kami muling nag usap pa ni Dmitri. Hindi ko na rin sya masyadong pinapansin sa school. Wala na rin kaming communication para i-confirm kung kami pa ba o hindi na. Although natuloy din ang kasal namin, pero wala naman nangyari. Parang ikinasal lang tapos, tapos na.

"Nakakapagod din kasi. Saka narealise kong ako ang babae, ako dapat ang sinusuyo, hinahabol.. Yun." malungkot kong sabi kay Gian at lumabi pa.

"Aba! Himala yata?! Pero sabagay, tama yan. Magpaka demure ka naman kahit minsan." hindi nalang ako umimik sa sinabi nya.

Ganun pa rin kami pagkatapos ng ilang linggo. Sa bahay pa rin ako nakatira at sya, sa kanila.

Ilang linggo na nga lang malapit ng mag christmas vacation. And the supposedly na kasal/birthday ko na syang magiging pinakamasayang araw ko e parang naging kalbaryo.

--
"Ano ba kasing ginawa mo?" kanina pa paulit ulit na tanong ni Nicko. Hindi na rin kasi ako nakatiis na di magsabi ng problema sa kanya. Close kasi sa kanya si Dmitri kaya baka nag o-open ng sya ng problema dito.

"Di ko nga alam eh. Kaya nga nagtatanong ako sayo baka may alam ka." nakasimangot kong sabi sa kanya. Gusto ko na nga ring umiyak dahil sa frustration at sama ng loob pero nahihiya ako sa kanya.

"Baka ayaw nya na napikot mo sya?" kunot noong tanong nya sa akin. So he knew? Sinabi siguro sa kanya ni Dmitri.

"Parents naman namin ang mapilit eh. Kung napilitan lang pala sya sana sinabi nya di ba? Hindi yung ok kami tapos bigla nalang syang nagalit. Sana pinag usapan nalang di ba?" naluluha ko ng sabi sa kanya. Ang sakit kaya no! Yung feeling na nire-reject ka ng taong mahal mo.

"Tsk! Lika nga!" kinabig nya ko papunta sa kanya kaya tuloy di ko na napigilan na mapaiyak.

"Ok lang yan. Bigyan mo lang ng time. Tahan na." pag aalo nya pa sa akin kahit na alam kong hindi ok.

--

"Can we talk?" di na ko nakatiis na hindi sya kausapin. Hindi rin kasi healthy sa isang relasyon ang ganito.

"What for? Tch!" pagkatapos nyang isintas ang sapatos nya saka sya tumakbo papunta sa field.

Ako na nga tong lumalapit para magkaayos kami pero ang tigas pa rin nya.

Nababaliw na ko sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari. Isang kisapmata lang kasi, nagkaganito na kami.

Hinintay ko silang matapos sa practice nila katulad ng dati. Pero naging tahimik lang ako sa panonood ko ng practice nila.

Lagi nga syang pinapagalitan ng coach nila dahil daw ang pangit ng laro nya. Dahil ba sa akin yon? Dapat ba umalis nalang ako?

Ng tapos na ang practice nila, diretso lang sya ng locker room nila para magbihis. Naghintay nalang ulit ako sa labas ng locker room.

"Oh, andito kapa?" malungkot lang akong tumango sa tanong ni Nicko. Buti pa ang isang to, kahit papano pinapansin pako. Yung ibang team mates nya, nginingitian at tinatanguan ako.

"Wag ka ng malungkot, palabas na yon." hinawakan nya lang ako sa balikat bilang pagkokonsola. Ngumiti nalang ako ng pilit para naman malaman nya na naa-appreciate ko ang mga ginagawa nya.

"Pare, asawa ko yan. Lika na." nagulat ako ng bigla nalang sumulpot si Dmitri sa harapan ko at hilain ang kamay ko.

Dahil sa pagkabigla, halos magkanda dapa-dapa ako sa pagsunod sa kanya.

"Wait lang, D! Madadapa ako."

"Tsk!" huminto sya at hinarap ako pero hawak parin ang kamay ko. "Tangna naman Angela! Asawa na kita! Sya pa rin ba?!"

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo dyan?" luminga linga muna sya dahil pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante na nasa school pa. Hinila nya ulit ako papunta sa kotse nya.

"Tangna naman oh!" pagpasok na pagpasok namin sa kotse, hinampas nya agad ang manibela at mura ng mura.

"Ano bang problema mo ha? Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon?! Bwiset ka!" nahampas ko ang braso nya sa sobrang frustration at sa kinikimkim kong sama ng loob.

"What are you doing with Nicko?" mababa na ang boses nya kumpara sa sigaw nya kanina pero mababakas pa rin ang galit. "Are you still planning to seduce him?"

"Ano?! Seriously?! Ikaw ang asawa ko bakit ko sya ise-seduce?! Ugh!" nakakainis na talaga sya!

"Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon?! Eh kitang kita naman na nag-e-enjoy kang kausap sya?! And you're right! I am your husband! Bakit nakikipag flirt kapa sa kanya?!"

Natulala ako sa sinabi nya. Is he seriously calling me a flirt? Kung lamandi man ako, sa kanya lang.

"You know what? This is a mistake. Hindi dapat kita pinilit na pakasalan ako. Malaya kana from now on. I'll let mom and tita know." yun lang at dali dali nakong lumabas ng kotse nya.

Gustung gusto ko ng humagulgol pero pinigilan ko hanggang sa makauwi ako. Hindi pa man kami nag uumpisa, natapos na nga agad.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon