Chapter 3

5.7K 152 2
                                    

"Bakla! Tama na nga yang pangangarap mo dyan Kay fafa Dmitri! Mukha ka ng tanga sa totoo lang." Panira talaga tong Gian na to! Every afternoon kasi hinihila ko sya after ng class para manood ng practice nila.

Kahit naman kasi kapitbahay ko si Dmitri, lagi naman syang wala at late na umuwi kahit pa tumambay ako sa kanila at magpaturo kuno na mag bake Kay tita Marcy.

Mag best friends ang mga nanay namin kaya parehong DA ang initials namin. Dmitri Angelo, Deanne Angela. Oh di ba? May something in common kami? Kaya naniniwala ako na meant to be kami. Sya lang naman tong suplado. Noon naman magkalaro pa kami. Pero Simula nung mag high school at nasali sya sa soccer team, bigla nalang syang di namansin. Then recently nga, naisip ko na it's about time na Gawan ko ng aksyon ang pagsintang pururot ko sa kanya.

"Wag ka ngang magulo." Saway ko sa kanya at hinampas pa ang braso nya. "Panira ka ng moment eh."

"Tch! Mas bakla ka pa sakin sa totoo lang. Grabe ka kung umibig! Nakakaloka!"

"Ganun talaga, kasi true love to." Nangalumbaba pa ko at tinitigan ng husto si Dmitri. Kung may telepathy lang siguro ako...

"True love, true love ka dyan! Hoy, ineng! Ilang taon ka na ba? Kung maka true love ka Kala mo pang forever na yan! Aba! Baka puppy love lang yan! Pero more like puppy crush!"

"Wag ka ngang nega!" Tiningnan ko sya ng masama dahil nakaka bad vibes na sya.

"Seduce mo nalang kaya sya eh no?"

Parang may bombilyang umilaw sa itaas ng ulo ko sa sinabi nya.

"You know what? That's a good idea! Ang genius mo talaga, friend!" Nae-excite Kong sabi sa kanya sabay yakap pa sa braso nya.

"Excited much? Ang tanong, marunong ka ba naman? Pano mo sya ise-seduce?" Nakalabi nyang sabi sa akin at parang nandidiring inalis ang pagkakayapos ko sa kanya.

"Eh ano pang silbi ni Mr. Google di ba? He knows everything!" Exaggerated Kong sabi sa kanya.

"Tch! Na try mo na bang mag search? Baka magulat ka sa mga mababasa mo. Kaya mo na bang maki jugjug? O pahipo hipo? O magdamit ng mga revealing na pang may boobs lang? Wala kang hinaharap teh! Figuratively and literally speaking!"

"Ang harsh mo talaga! Nakakasakit ka ng damdamin." Lumabi ako at nagtatampong umisod palayo sa kanya.

"Nagsasabi lang totoo friend. True friend mo kasi ako kaya ngayon palang ginigising na kita sa katotohanan bago ka pa masaktan."

"Ilang taon ka na ba? Kala mo naman ang dami ng experience." Pero na appreciate ko ang concern nya.

"Para saan pa ang mga movies at teleserye kung wala ka namang mapupulot sa mga yon?"

Di na ko umimik pero niyapos ko ulit sya sa may braso at sinandal ko pa ang ulo ko. Di na rin sya nagsalita at hinayaan nalang ako.

"As far as I know, bawal ang PDA sa school." Pareho kaming napaunat ng upo ni Gian ng marinig ang mababa ngunit may halong galit na Boses na yon.

"Excuse me Mr. Lauvre, bakla ako! Bakla as in baklush! Bading! Gay! May dugong berde! Kaya pwede ba, wag seloso!?" Maarteng pahayag ni Gian sa bagong dating.

"Tch! Sinong may sabing nagseselos ako. Ang akin lang baka ma suspend lang naman kayo!" Masungit na sabi nya. Nakasimangot na sya ngayon.

"Concern much? Ano naman sayo kung ma suspend kami? Kala mo naman totoo." Nakatanga lang ako sa kanila sa palitan nila ng mga salita. Ano ba kasing nangyayari?

"Alam nyo? May chemistry kayo. Ang lakas ng sexual tension." Nakangisi Kong sabi sa kanila. Napakaseryoso kasi nilang masyado.

"Ay gusto ko yan teh! Wag kang mag selos ha?" Excited na sabi ni Gian.

"Pwede ba? Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!" Pagalit na sabi naman ni Dmitri na parang gusto pang magsuka sa mga sinabi ko at nanghihilakbot.

"Ewan ko sa inyo! Sinasabi ko lang ang mga nakikita ko." Kibit balikat ko pero medyo nahintakutan ako sa aura ni Dmitri. Si Gian naman parang naiihi na Ewan sa kilig.

"Are you implying that I'm gay!?" Dumagundong ang Boses ni Dmitri. Napaurong tuloy ako sa upuan ko.

"Bakeeet? Masama maging gay?! " napatayo na si Gian at namewang pa!

"May sinabi ba kong masama?" Kunot noong tanong ni Dmitri.

"So that means, OK lang sayo ang mga gay?" Di makapaniwalang tanong ni Gian at unti unting umupo.

"May sinabi ba Kong OK?" Pilisopo ulit na sagot na tanong ni Dmitri.

"Ewan ko sayo! Ang gulo mong kausap!" Exactly what I thought. Pilosopo din pala ang isang to.

"Eh di wag mo kong kausapin." Nakangising sabi ni Dmitri.

"Teka lang, teka lang. Awat na." Magsasalita pa Sana si Gian pero pinigalan ko na sila. "Ano palang sadya mo at nandito ka?"

"Sabay ka na daw sa akin sabi ni tita Sandy. Di ka raw nya masusundo. Pero mamayang 7 pa Matatapos ang practice namin. Halika na." Bago pa ko makapag react, hinila na nya ang kamay ko sabay kuha sa bag ko kaya wala na Kong nagawa kundi kumaway nalang Kay Gian. Nakangising aso lang sya ng balingan ko sya at nag thumbs up pa!

Pinaupo nya ko sa benches kung nasaan ang mga gamit nila. Hindi na rin masyadong mainit dahil mag a-alas-sais na ng Gabi.

"Dyan ka lang. Malapit na rin kaming matapos. Wag kang aalis dito."

"OK." Nakatingala Kong tugon sa kanya. "Pahiram pala ng cellphone."

Binigyan lang nya ko ng nagdududang tingin.

"Wala na kasi akong load. Magpe-facebook lang ako." Kinuha naman nya ang cp nya sa bag at inabot sa akin.

Na-excite naman akong kinuha ito. Pero nadiamaya ako ng makita Kong may password. Di man lang sinabi.

"Anong password!?" Sigaw ko sa kanya dahil pabalik na sya sa field.

"Birthday mo!" Napatanga nalang ako sa sinabi nya. Napaka unexpected naman kasi. Sinong mag aakala na birthday ko ang password nya. Hindi naman kami magka birthday para yun ang maging password nya.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon