Chapter 8

4.3K 121 0
                                    

"thank you nga pala." sabi ko kay Nicko. Nandito kami ngayon sa soccer field at hinihintay na matapos ang practice nila.

Isang linggo na ang lumipas simula ng maging kami ni Dmitri. Noong una, naiilang pako sa mga ka team mates nya lalo na at alam nila na ako ang humahabol sa kanya. Lagi nila akong kinakantyawan na sinagot na rin nya ko sa wakas. Worth it daw ang pagiging matyago kong manliligaw. Nakakahiya talaga pero nasasanay na ko ng paunti unti.

"wala yon. Kitam! Tama ako di ba? Kailangan lang talaga ng push. Ang bagal kasi eh. Ginagawa mo na ngang madali para sa kanya pero ang kupad kupad pa rin." namumula na ko dahil sa mga sinasabi ni Nicko pero at the same time kinikilig din knowing na matagal na rin pala akong gusto ni Nicko.

"pano mo pala nalaman na may gusto sya sa akin? Eh mukhang laging nakakainom ng suka yun pag nandyan ako." napaismid lang sya sa sinabi ko at tumingin sa field.

"pag alis mo, kinukuha nya ang mga binibigay mong pagkain sa amin." nabigla ako sa biglang pagsalita nya. Akala ko kasi di na nya ko sasagutin. Halos tumalon naman ang puso ko sa sinabi nya. Alam ko nagsasabi sya ng totoo. What for pa kung magsisinungaling sya di ba? Pero mas masarap sanang pakinggan kung kay Dmitri mismo nanggaling.

"Pare, back off." napatingin ako kay Dmitri ng magsalita sya mula sa likod ko at hapitin ako sa bewang. Kahit na pawisan sya, hinayaan ko nalang syang dumikit sakin.

"chill, bro!" natatawang sabi ni Nicko. Dapat ba kong matuwa dahil parang may himig na selos ang boses ni Dmitri? "I'm just entertaining her habang busy ka." dugtong pa nya habang nakataas ang kamay. Tinapik lang nya sa balikat si Dmitri na inalis naman ng isa. I swear nakakatawa ang hitsura ni Dmitri. Umiiling nalang na bumalik sa field si Nicko.

"ang sama mo. Kaibigan mo kaya yun." di ko mapigilan na di mag comment.

"tssk! Pwede naman kayong mag usap wag lang sobrang lapit.." masungit na sabi pa rin nya. Umupo na saya sa tabi ko at ininom ang gatorade na binili ko.

"anong sobrang lapit? Hindi kaya! Ito ang dumi ng isip." pinunasan ko nalang ang pawis nya sa mukha at mga braso.

Ang sarap pala ng may boyfriend. Yung nagiging possessive sayo. Yung aalagaan mo at aalagaan ka. Yung may kasama kang namamasyal, kumakain sa labas.

One week palang kami pero everyday, lagi kaming lumalabas. Pumupunta sa mall, sa park, at sa mga lugar na di ko pa napupuntahan.

Sabi nya marami pa raw kaming papasyalan. Malawak daw ang mundo kaya hindi kami mawawalan ng gagawin.

"Bakit tayo nandito? Anong gagawin natin dito?" 6th monthsary namin ngayon at napagdesisyunan nyang mag dinner kami. At ngayon nga nandito kami sa harap ng hotel. Sabi nya dinner pero ibang dinner pala ang nasa isip.

"Wag ka ngang maduming mag isip. We'll just have a dinner. Nagpareserve ako sa restaurant nila. But if you want to check in.." nakangiting aso pa sya sa huling sinabi nya.

"Sira! Tara na nga!" nauuna nakong bumaba sa kanya dahil sa kahihiyang tinamo ko. Hindi ko na sya hinintay pang pagbuksan ako ng pinto.

"Tsk! Wag masyadong independent ha?" alam ko naman kung bakit gusto nya kong maging depende sa kanya. Natatakot daw sya na baka pag nag away kami at mag break eh makayanan kong wala sya sa buhay ko. Hello?! Halos ako nga ang magpakabaliw noon para lang makuha sya tapos hihiwalayan ko pa ba sya?

Ngumiti nalang ako at nagdiretso na kami sa loob habang hapit na hapit nya ko sa bewang. Kulang nalang buhatin nya ko para lang maipakita sa mga tao dito na kanya ako. Kahit naman di nya to gawin, kanyang kanya ako.

"Babe..." napatingin ako sa kanya dahil sa lambing ng pagtawag nya. Kanina pa kasi kami walang imikan dahil nagko concentrate ako sa kinakain ko. Sabi kasi nya wag akong magmeryenda dahil nga sa dinner namin kaya tuloy sobrang gutom na ko.

Kumunot noo lang ako habang dahan dahan na ngumunguya. "Mmmwhot?"

"Tsk! Don't talk when your mouth is full." sumimangot lang ako at uminom ng tubig.

"ano nga kasi yun?"

"Well... Since nandito na tayo... Alam mo yun..." napapakamot pa sya sa kanyang ulo at namumula pa.

"ano nga?" impatient kong tanong sa kanya.

"ano kasi... Nandito na rin tayo sa hotel..." pinaninkitan ko sya ng mga mata dahil parang alam ko na kung saan patungo ang sinasabi nya. Pero at the same time pinamumulahan na rin ako. "Sige na please....??? Matutulog lang tayo."

"A-ayoko ng-nga! What if malaman nila mommy?! Edi lagot tayo!"

"Sabihin mo nalang na sleep over sa mga kaibigan mo. Please..???" nakaka tempt talaga ang gusto nyang mangyari. Gusto ko rin eh. Di pa ko ready na may mangyari sa amin pero gusto ko syang makasama na matulog. Yung pag gising ko mukha nya ang una kong makikita.

"Fine." mahina kong sabi at lumapad naman ang ngiti nya. "Pero tulog lang ha?"

Sunud sunod ang pagtango nya kaya naman napapangiti na rin ako kahit na bigla nalang akong ninerbyos. Tama ba tong gagawin namin?

Pagkatapos kumain, tinawagan ko nga si mommy at sinabing kasama si Dmitri sa group study namin. Hindi ako marunong magsinungaling pero dahil ata sa pagmamahal ko sa kanya, kinakalimutan ko ang mga turo ni mommy.

Hiyang hiya pa ko sa reception ng mag check in kami. Buti na lamang at naka formal dress kami kaya hindi na sya hiningan ng id.

Habang paakyat na kami sa suite namin, sumisipol sipol pa sya habang hawak nya ang kamay ko. Ako naman sobrang ninenerbyos na. Inaanticipate kong masyado kung may mangyayari ba o wala. Para kasing ready na ko kung meron man. Alam ko nagiging reckless ako. Pero wala nakong pakialam. Basta dito ako masaya.

Seducing DmitriTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon