We stayed in that position for a very long time and yet, humihikbi pa rin siya."ZJ" pagtawag ko
Hindi siya kumikibo
"ZJ...." pagtawag ko ulit
Hindi pa rin siya sumasagot kaya tinignan ko ang itsura niya
"Potek tulog" bulong ko nang nilingon ko ang kaliwang balikat ko dahil doon nakasandal ang ulo niya habang yakap ako
Kinalabit ko siya
"ZJ" sabi ko habang pinipisil 'yong mukha niya gamit ang kanang kamay ko
Unti unti naman siyang dumilat "hmm" sabi niya lang
"Doon ka muna sa couch" sabi ko. Grabe in fairness ang bigat niya.
Tumango naman siya at dahan dahang tumayo papunta sa couch at doon nahiga ulit. Wala pa ata sa huwisyo
Nakaplano na ang mga gagawin ko at ngayong nandito si ZJ ay parang mahihirapan akong gawin 'yon.
"Ok, just for today Jacey. Last na" I said to myself
Gusto kong tawagan ang mga kaibigan ko tungkol dito. Alam na nila ang plano ko.
Tinawagan ko si Yna kaso hindi sinasagot baka may shooting pa. Si Cami naman, busy.
Buti na lang sumagot si Sab.
"Hello!" Masiglang sabi niya
"Hi Sab! You already know my plan right?"
"Uh yes, you said it already. Tomorrow is the day, right?"
"Yes, but uhm ZJ is here" I said. Medyo natahimik naman siya ng ilang sandali bago ulit nagsalita
"Uhm what are you gonna do then? Stick with the plan or???"
"Yes. I'm gonna stick with the plan but.... I think this will hurt"
"Of course it will!!" She shouted kaya nailayo ko pa 'yong phone sa tenga ko "But remember this ok?" Sabi niya at tumango naman ako na para bang nakikita niya
"Follow your heart Jacey" she said bago binaba ang tawag
I was about to call Kai also but then I remember......
"Ok nevermind" sabi ko na lang
Si Xane na tuloy ang sunod kong tinawagan.
Nagring ng tatlong beses bago niya sinagot
Hindi siya nagsasalita kaya inuhan ko na
"Hello Xane?"
"Mhm" sabi niya
"You know the plan right?"
"Mhm" sabi niya ulit
Kinakabahan akong sabihin tuloy 'yong sinabi ko kay Sab.
"Wala, sana ayos ka lang" sabi ko at ibinaba ang tawag
Inayos ko na lang ang mga pinamili ko. Naligo lang ako at naghanda na para sa iluluto ko.
Magluluto ako ng chicken steak dahil for now, 'yon ang naiisip kong madaling lutuin.
Nang matapos ako ay naghain na 'ko sa mesa.
Pagkabalik ko sa sala ay naabutan kong tulog pa rin si ZJ.
Siguro pagod 'to.
Lumapit ako sa harapan niya at lumuhod.
Dahan dahan siyang tinapik para gisingin.
"ZJ" Pagtawag ko
"ZJ, kain na tayo" at dahan dahan naman siyang dumilat
BINABASA MO ANG
Into YOU
RomanceA girl who's just a fangirl with a wonderful talent when it comes to music and is loyal to her idol. A guy who's famous because he's a member of a well known band and has a favorite fangirl. MJ is a fan of a well known band, Western Wolves. She has...