"Hey hey hey, calm down!" Sabi sa 'kin ni Chalil at kinukuha ang baso na hawak ko dahil tatlong sunod sunod na tequilla na ang nainom ko
Iniiwas ko sa kaniya ang pang apat na baso at ininom ulit 'yon
"What the??? What happened to you?" He asked, hindi na 'ko inawat "Lumabas ka lang ah, tapos pagbalik mo ganyan ka na?" Tanong niya
"Nothing. Namiss ko lang uminom, why?" Sabi ko sa kaniya
"'Di ba you don't drink?" He said
Napatigil ako sa sinabi niya. Oo nga pala, hindi naman ako umiinom.
"Eh basta, bakit ba? Huwag mo na nga lang akong pakealaman" sabi ko. Narinig ko namang medyo natawa siya
Nang matapos ko na ang panglima ay medyo nag init na ang lalamunan ko at parang medyo nahilo.
"Ok, that's enough" rinig ko namang sabi ni Chalil
"Ouch ang sakit" sabi ko sabay yuko
"Huwag kang yumuko!" sabi niya nang nag heads down ako sa mesa. Hinahawakan niya ang batok ko at pilit akong pinapabangon
"Ewan ko sa'yo. Ang sama sama mo e no?" Sabi ko habang nilalaro ang basong walang laman na nasa harap ko
"What? What did I do?" Tanong naman ni Chalil na nasa tabi ko
"Why do you make me feel like it's always my fault? Bakit? Wala ka bang kasalanan?" I said
"Uh Jacey? I think you're already drunk" sabi ni Chalil
"Huh? Ikaw nga 'tong nanghahalik e. Gago mo" sabi ko
"If that's what you're talking about, I already said sorry right?" He said
Ang dami ko pang sinasabi at hindi ko na rin alam kung anu ano ba ang pinagsasabi ko.
Nagising na lang ako ay nasa kwarto ko na ako at iba na 'yong suot ko na damit.
"Omg" sabi ko at dali daling lumabas
Nagulat naman ako nang makita kung sino ang nasa sala na kumakain. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano. Tumingin naman ito sa 'kin at ngumiti bago ako pinagtaasan ng kilay.
"T-tita!" Sabi ko at tumakbo sa kaniya para yumakap
"Tita na miss po kita" sabi ko habang yakap yakap pa rin siya ng mahigpit"
"Tagal nating 'di nagkita ah" sabi niya sa 'kin at ginulo ang buhok ko
"Kaya nga po e" sabi ko
Nagkwentuhan pa kami ng tungkol sa kung anu ano ni tita at nalaman ko na noong isang araw pa pala siya narito. Kagabi raw ay nalasing ako kaya tumawag si Chalil sa kaniya na kung pwede ay pakisundo ako dahil may importanteng lakad daw si Chalil at hindi ako maihahatid.
Siya na rin daw pala ang nag ayos at nag asikaso sa 'kin kagabi. Nahihiya tuloy ako.
"Hindi ka nagsabi sa 'kin na aalis ka, kay Buboy ko na lang nalaman" biglang sabi ni tita nang kumakain na kami ng lunch. Ang tinutukoy niya na pag alis ko ay 'yong pagreresign ko kila Buboy. Hindi naman siya galit at kalmado lang. Napayuko naman ako dahil sa hiya. Syempre, hindi ko naman maipagkakailang malaki rin ang naitulong sa 'kin ni tita kung bakit natupad ko ulit ang pangarap ko pero sinayang ko lang ulit. Isa pa, kaibigan niya si Buboy. Parang medyo nakakabastos naman 'yon.
Pero sa tingin ko, enough naman ang naging dahilan ko kung ba't ko ginawa 'yon.
"Sorry po tita, pasensiya na po talaga" sabi ko "sobrang nahirapan lang po kasi talaga 'ko at... hindi ko na po kinaya" nag angat ulit ako ng tingin at ngumiti naman sa 'kin si tita
BINABASA MO ANG
Into YOU
RomanceA girl who's just a fangirl with a wonderful talent when it comes to music and is loyal to her idol. A guy who's famous because he's a member of a well known band and has a favorite fangirl. MJ is a fan of a well known band, Western Wolves. She has...