CHAPTER 12

13 2 1
                                    

"What? Iyon na 'yon?!" Pasigaw na tanong sa 'kin si Sab

"Uh yeah, obviously" sagot ko lang

"Parang timang naman" sabi ni Yna

"Hindi ka man lang pinagsalita? After non hinatid ka na rito?" Si Kai

Tumango ako

"Eh?" Sabi lang ni Yna

"Hindi mo kaya buti pa si Xane" pang aasar ni Cami

"Girl shut up" iritang sagot nito

"Makapagsalita Cami ah, ikaw din naman" sabi ni Kai


Bigla namang nanahimik si Cami


Nandito kasi silang lahat sa unit ko. Nag chat ako agad sa group chat namin pagkahatid sa 'kin ni ZJ kagabi na rito na sila mag lunch at dinner kung may time sila. Luckily, pwede naman silang lahat.


Nag kwento rin ako about sa nangyari sa 'min kagabi. Ang awkward nga noong hinatid na niya ko rito.





Nang nakarating na kami sa tapat ng condo ay huminto na ang sasakyan niya. Hindi siya tumitingin sa 'kin.


"Uhm ZJ" tawag ko. Tsaka lang siya lumingon

"U-una na 'ko ah? Thank you sa paghatid u-uh good night" I said bago kinalas ang seat belt








Nang palabas na 'ko ay muntik na 'kong mapasigaw nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko


Seryoso siyang nakatingin sa 'kin at bakas pa rin ang pag iyak sa mga mata niya mula kanina


"Ti aspetterò" sabi niya sa isang paos na tono sabay bitaw sa kamay ko. "Good night" dagdag pa niya


Tumango naman ako ng marahan bago tuluyang lumabas.


"Ingat ka" sabi ko bago isara ang pinto ng kotse niya


Tumingin siya sa 'kin saglit and he mouthed something na hindi ko maintindihan bago niya pinaandar ang sasakyan niya at umalis.


I don't know why but this scene is so familiar.







"Ano? pasta na lang kainin natin?" Tanong ni Yna


Maaga kasi silang pumunta rito. Mga 9 am ay nandito na sila kaya nag iisip kami ngayon ng pwedeng kainin para sa lunch.


"Anong pasta?" Si Kai


"Spaghetti or Carbonara ano mas prefer niyo?" Nagtanong si Sab


Sinagot ko ay Spaghetti, ganoon din si Yna at Cami

Si Sab at Kai naman ay sa Carbonara


"Mag Carbonara na lang us pleaaaseeee, I don't like spaghetti" paawang sabi ni Sab

"Spag na lang mas bet ko e" sabi ko naman

"Kaya nga. Kadiri kaya Carbonara nakakasuka dahil sa mayonnaise" napalingon kaming lahat dahil sa sinabi ni Yna

Nang mapansin niyang lahat kami ay nakatingin sa kaniya ay nagsalita siya "oh bakit? Nagagandahan nanaman kayo sa 'kin?" Sabi niya

"Oo kaso tanga ka" sabi ni Xane kaya natawa kami

"Girl walang mayonnaise ang carbonara" sabi ni Sab

"Teh" sabi ni Cami na natatawa "iba ata 'yang nakain mo"

Into YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon