CHAPTER 05

29 2 0
                                    

I am now stunned and blankly staring at our ceiling and my brain still cannot process what just happened today. It's only been a day but it seems like a lot has happened.

After the consequence I ordered Zach to do, we both became quiet inside the car. None of us spoke and only our breath could be heard, hanggang sa makarating kami kanina sa tapat ng bahay.

"Ayaw mo talaga magpahatid?" I asked him kahit na medyo awkward. Malapit na kasi kami sa bahay namin.

"Huwag na, mag ggrab na lang ako"

"Eh? Baka pagkaguluhan ka naman" sabi ko sa kaniya

"Huwag mo na 'kong alalahanin ang mahalaga ligtas kang nakauwi" sabi niya na nagpatahimik sa 'kin

'Di nagtagal ay nakarating na kami sa amin

"Gusto mong pumasok?" I asked him pagka parada ko ng sasakyan ko

"Nah I'm fine. Sinamahan lang talaga kita hanggang sa makarating ka rito" sabi niya tapos ay pareho na kaming lumabas sa sasakyan

"What?" He asked nung nakatingin lang ako sa kaniya ng matagal

"Antayin kitang maka alis bago ako pumasok" sabi ko

"No" agarang sabi niya kaya naman nabigla ako. He walks towards me then he cupped my face, lookin straight into my eyes "I'm fine ok? Now you go inside so I can leave na ok? Goodnight" he said then he hugged me. I just nod







I'm starting to get nervous because in a few minutes, ipaparinig ko na kay Ma'am Jiji what I'm going to sing for the audition next week!

Pagkatapos ng third subject namin ay nagmadali na agad akong pumuntang Music Room though, maaga pa naman.

Maaga akong pumunta dito sa Music Room para kaunti pa lang ang tao at para na rin makapag practice ako sa isip ko. Pero pagkarating ko ay mukhang ako pa lang ang tao at kahit si Ma'am Jiji ay wala pa

Kinuha ko na lang muna yung phone ko at nag picture ako ng nakahawak yung isang kamay sa noo ko tapos nakatingin sa left side. Nilagay ko ito sa ig story ko at may caption na really nervous

Kinuha ko rin yung airpods ko at pinatugtog yung kakantahin ko mamaya "you can do it" I said to myself

Maya maya lang ay biglang tumunog yung phone ko, may notif

@zjconnard replied to your story:
I know u can do it!!♡

Napangiti ako at nilike yung reply niya. Nireplyan ko din siya ng thank you tapos ay tinuloy ko na yung pakikinig sa kanta

Mga ilang minuto na rin ang nagdaan at unti unti nang dumadami ang mga tao sa loob ng Music Room including Ma'am Jiji

Maya maya lang ay nagsalita na siya "So good afternoon everyone, now we're all here to finalize what we'll going to do next week in the EarBender Audition. Itong araw ang napili ko dahil alam naman nating lahat na next week ay may isang linggong event ang ating school dahil nga sa gaganaping foundation week so it means, walang mga klase" Sabi ni ma'am na nakapagpahiyaw naman sa iba "So now, may I call those who are assigned in doxology?" Tanong naman ni ma'am at nagsitayuan na sila. Kasama sa Doxology si Jane, yung leader namin. Isa siya sa may pinakamagandang boses dito sa amin. I wonder kung bakit hindi siya kasama sa mga mag aaudition.

Nag umpisa na silang pumwesto sa harapan na nakaharap sa amin, at si Jane naman ay nakaharap sa mga kakanta kaya naman ay nakatalikod siya sa amin. Siya siguro ang magkukumpas.

Tumahimik na ang lahat ng marinig nila ang tugtog, nag umpisa na ring magkumpas si Jane

Tuwang tuwa ako habang pinapakinggan silang kumanta dahil sobrang ganda ng pagkaka blend ng boses nilang lahat at halatang ilang ulit nila itong inensayo

Into YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon