I entered the house still smiling
"Aba mukhang masaya ka ngayon ah" salubong sa akin ni manang
I smiled at her "Naman manang" sabi ko sa kaniya bago umakyat sa kwarto ko
Hinanap ko yung susi sa bag ko at nung nahanap ko na ay tuluyan ko nang nabuksan yung pinto
When I entered my room it seemed like there's a strange smell. But what the hell is it??
I kept sniffing on my room until I knew what it was
It smells like.....
Wait what???
"Shocks it smells like electricity!"
Agad agad akong tumakbo papunta sa pwesto kung saan ko chinarge ang phone ko
Lobong lobo na yung phone ko kaya daan dahan kong inalis sa pagkakacharge yung phone ko
"Aray!" I said kasi na ground ako ng onti sasabog pa ata 'to kung 'di ako nakarating agad
Tinignan ko yung phone ko and guess what? Sira na, ang galing what a life
Dahil sa inis ko ay padabog ko nalang na kinuha yung gitara ko at nag simulang mag practice para sa EarBender
Pero too bad dahil ilang minuto na akong nakatulala at wala pa rin akong maisip na pwedeng kantahin para sa audition kaya, naisip ko na bumili na lang muna ako ng bagong phone para naman may magamit ako.
It's 5:28 in the afternoon and napagdesisyunan kong pumunta ng mall para bumili ng bagong phone.
5:47 nung nakarating ako sa parking ng mall
After kong makabili ng bagong phone ay pumunta ako sa isang chicken wings resto para bumili ng paborito ko which is manok obviously
Nag order ako ng 1 dozen sa korean chiken wings and 1 dozen din sa nagoya tebasaki chicken wings with blue cheese dip. Oo sakto lang 'to para sa 'kin. Ito lang kasi yung kakainin ko ngayong gabi kasi nga diet ako. Binilhan ko rin sila manang ng 1 dozen ng salt & pepper chicken wings with truffle dip.
Bumili rin ako ng isang wintermelon milktea para panulak. Pauwi na sana ako pero may nakita akong mga mustard yellow na statement shirts kaya bumili rin ako ng dalawa. Yung isa may print na 'netflix and chicken' ta's yung sa isa naman ay 'taurus is ridiculous' hindi taurus yung zodiac sign ko pero wala lang ang cute e bakit ba
Dumiretso na 'ko sa parking ng mall para umuwi
"Manang I bought you some chicken wings po" sabi ko kila manang 'pag pasok ko ng bahay. Kumuha lang ako ng isang bowl para paglagyan ng mga manok bago umakyat.
Nilapag ko sa side table ko yung binili kong milktea tsaka chicken wings ta's yung mga t-shirt naman na binili ko ay itinabi ko muna.
Inunbox ko na muna yung bagong bili kong phone tas inayos ito. Chinarge ko muna tsaka ako kumain.
Habang kumakain ay nanood muna ako sa netflix ng isang romance na movie.
After ko maubos lahat ng manok, yes naubos ko siya, ay binuksan ko na yung bago kong phone. Nag download na muna ako ng facebook, instagram, messenger, twitter and youtube.
Inumpisahan kong i log-in lahat ng accounts ko. Medyo nalungkot ako kasi ang dami ko nga pa lang pictures and videos sa dati kong phone pero buti na lang karamihan doon ay na post ko na including pictures ko with WW.
Nung maka log in na ko ay sunod sunod yung mga notifications na lumabas. Inuna ko yung sa instagram ko kasi rito ako mas active. Binuksan ko yung dm's ko at nabigla ako sa mga nabasa
BINABASA MO ANG
Into YOU
RomanceA girl who's just a fangirl with a wonderful talent when it comes to music and is loyal to her idol. A guy who's famous because he's a member of a well known band and has a favorite fangirl. MJ is a fan of a well known band, Western Wolves. She has...