"Huy ano ba nangyari sa'yo?! Kanina pa kita hinahanap bigla kang nawala!" Sabi ni Bella nang nakita ako sa labas, hinihingal pa"Hinintay kita e kasi na kay ZJ ka na non tapos maya maya nawala ka na, hindi ka man lang nagsabi" sabi niya pa, naguilty tuloy ako
"Sorry, akala ko kasi lumabas ka na e" pagpapalusot ko
"Eh? Nasa likod mo lang kaya ako. Pero medyo malayo nang kaunti. Tapos nagulat ako bigla paglingon ko roon sa pwesto mo, iba na 'yong nasa tapat ni ZJ" sabi niya
"Sorry talaga Bella" sabi ko sa kaniya
Bigla naman siyang ngumiti. "Ano ka ba ayos lang. Kinabahan lang ako kasi hindi kita nakita agad. Ano saan tayo? Tara?" Sabi niya at hinatak ako
Mag aalas diyes na ng gabi at hindi ko alam kung saan ba kami pupunta nito ni Bella.
"Sakay tayong bus" sabi niya
"Ah ok. Saan tayo pupunta?" Tanong ko naman
"May pinsan kasi ako rito, doon na lang muna tayo tumuloy tapos bukas ng umaga na lang tayo bumalik ng Milan. Ok lang ba sa'yo?" Tanong niya habang naglalakad kami
"Oo naman, ayos lang" sagot ko naman
"Huwag ka mag alala, babae naman 'yong pupuntahan natin. Kaso nga lang medyo masungit kasi buntis pero mabait naman 'yon" sabi niya kaya tinanguan ko siya
Sumakay nga kami ng bus papunta roon sa pinsan niya.
Habang nasa bus kami ay nakatingin lang sa 'kin si Bella
"Bakit?" Tanong ko
"Wala lang, parang may kamukha ka kasi e. Tagal ko nang iniisip kung sino. Parang artista??? Mga ganon" sabi niya naman at dinedma ko na lang
"Dito 'yon e, wait" sabi niya habang naglalakad kami at hinahanap 'yong bahay ng pinsan niya
"Ayon!" Sabi niya
Pumunta nga kami roon at kumatok na siya.
Mga nakatatlong katok din siya bago may nagbukas ng pinto.
"Uy ang tagal mo buksan ah!" Sabi ni Bella pero hindi ako kumibo.
Nagkatinginan lang kaming dalawa at parehong gulat. Pareho siguro naming hindi ineexpect na magkikita kami. At sa ganitong pagkakataon pa.
"A-ah pasok" sabi niya kaya naman ay nauna na si Bella
Ako naman ay nakatayo pa rin sa may pintuan at nakatingin lang sa kaniya. Nag iwas naman siya ng tingin sa 'kin.
"Huy Jacey halika pumasok ka na! Nakatunganga ka diyan" sabi naman ni Bella at hinatak ako sa loob
Pagkapasok ko ay nilingon ko siya, sinara niya naman ang pinto.
"Saan kayo galing?" Tanong niya sa 'min. Pinagmasdan ko ang tiyan niya, hindi pa naman ganoon kalaki.
"Sa concert ng WW. Uy inggit" Sagot naman ni Bella. Medyo natigilan naman siya at umirap pero kalaunan ay ngumiti rin sa akin
"Tumahimik ka nga Bella pwede ba" sabi naman niya rito
"Ay, galit! Oh sige na quiet na 'ko"
Pinapanood ko lang silang dalawa nang biglang bumaling sa 'kin ang tingin niya
"Upo ka" sabi niya sa 'kin kasi sa 'ming tatlo, ako na lang ang nakatayo
"Ah thank you" sabi ko naman at dahan dahang umupo
BINABASA MO ANG
Into YOU
RomanceA girl who's just a fangirl with a wonderful talent when it comes to music and is loyal to her idol. A guy who's famous because he's a member of a well known band and has a favorite fangirl. MJ is a fan of a well known band, Western Wolves. She has...