CHAPTER 11

21 2 3
                                    

Nauna akong maglakad sa kaniya at nang nasa gitna na kaming dalawa ng entablado ay lalo namang nagsigawan ang mga tao



"ZJ!!"

"Aaaahhhh mahal ko!"

"MJ will you marry me?!"

"We love you ZJ!"

"ZJ!! MJ!! ZJ!! MJ!!"



Sabay sabay na sigaw nila


Medyo na awkwardan pa nga ako dahil tawag nila sa akin ang pangalang siya lang ang tumatawag sa 'kin noon


ZJ chuckled and then he replied to them "I love you too" with a deep voice



I can't help myself staring at him for a moment, he looks more matured now. How old is he now? Twenty three?? Twenty four???



Nang bumaling naman ang tingin niya sa akin ay biglang nagseryoso ang itsura nito kaya naman ay inilipat ko na lang ang aking tingin sa audiences at tsaka ngumiti sa kanila

"Hello everyone as you can see, I'm with Zachary Jin Connard," I said while I take a look at him then I smiled. He looked a bit shocked because I said his complete name


Yes ZJ I'll never forget your name


"He'll be with me until the last day of my concert which is tomorrow. Isn't that great?" Tanong ko sabay baling naman sa mga audiences


Naghiyawan naman sila at nakita kong itinataas nila ang kaniya kaniyang banner na may pangalan at mukha ko


Nagsimula kaming kumanta ni ZJ ng panimulang kanta which is para sa pang intro at pagkatapos noon ay namatay ang lahat ng ilaw sa arena.

Hudyat na 'yon na kami ay pupwesto sa may bandang likuran

Bumukas ang spotlight at sa mga back up dancers na nasa unahan ito nakatutok dahil sila naman ngayon ang nagpeperform habang nagre ready kami ni ZJ


Pagdating namin sa bandang dulo ng stage ay may nakahanda na na dalawang stool


Inilalayan niya naman akong umupo dahil medyo mataas itong upuan at kumusta naman sa akin na 5'2 lang ang height


Naramdaman kong humawak siya sa kamay ko kaya hinayaan ko na lang siya na gawin iyon. Buti na lang at patay ang ilaw at hindi ko siya nakikita

Nang matapos mag perform ang mga back up dancers ay nag umpisa naman nang tumugtog ang unang piyesa na kakantahin namin at ngayon, sa aming dalawa naman nakatutok ang spotlight.


Nagtataka ako kung bakit tahimik ang mga audience nung bumaling ako sa kanila at yung iba naman ay parang gulat ang itsura at nakatakip pa ang kamay sa bibig


Bumaling ako kay ZJ pero wala naman siyang reaction at nakatingin lang din sa kanila

Nang aayusin ko sana ang buhok ko gamit ang isang kamay ay tsaka ko lang narealize kung bakit

Hanggang ngayon pala ay magkahawak ang kamay namin ni ZJ at nung ginalaw ko 'yon ay naramdaman niya at nagkatitigan kami

Bigla namang nagsi hiyawan ang mga audience at agad kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kaniya at inayos na ang buhok ko

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa 'kin nang seryoso pero para bang may itinatagong ngiti

Nag umpisa na kaming kumanta at buong panahong 'yon ay nakatitig lang ako sa mga audience at ang walang hiyang katabi ko ay hindi man lang nahiya na nakatingin lang sa 'kin


Into YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon