CHAPTER 15

13 1 0
                                    


"ZJ dalian mo na!" Tawag sa 'kin ni Mav

"Saglit lang magpapalit lang ako!" Sigaw ko dahil nauna na siya

Pumunta kami ngayon sa SPA, kabilang school. Ininvite kami na mag perform para sa Foundation week nila.

Nang matapos akong magpalit ng shirt ay lumabas na 'ko.

Medyo naligaw pa ako kaya natagalan ako dahil hindi ko alam kung saan ba rito yung daan papunta sa quadrangle nila.

Nang makarating ako roon ay nakita ko na si Duke at Mav na magkasama.

"Dude, what took you so long?" Salubong sa 'kin ni Duke

"I got lost" sagot ko at tumango naman siya

Maaga kami pinapunta rito kaya kaunti pa lang ang mga estudyante na nandito pero kahit na ganoon ay may mga nakakapansin pa rin sa amin. Lalo na kay Mav. Of course, sino ba namang hindi makakapansin diyan, tss he's a flirt.

But he's still my best bro anyway.

Ang grupo naming tatlo ang pinaka kilalang banda rito sa lugar namin. Ilang beses na rin kaming nakapag concert at laging punuan.

Umakyat kaming tatlo ng stage para sa sound check.

Nang magsimula na kaming mag perform ay grabe ang tilian ng mga tao. Lumalakas pa lalo dahil sinasakyan ni Mav ang trip nila.

Habang nagpeperform kami ay may tatlong babae ang biglang sumingit sa harapan. Isang babaeng blonde yung buhok na nakasalamin, isang petite at maganda tapos yung isa maputi na maliit.

Natawa tuloy ako bigla dahil ang layo ng height niya sa dalawang kasama niya though she's pretty. Long brown hair, almond brown eyes, at grabe yung pagkaputi niya.

Napalingon siya saglit sa banda ko kaya nagkatinginan kami. Ngumiti siya pero bago pa 'ko makangiti pabalik ay hindi na siya nakatingin sa 'kin.

Malas pre.

Nang matapos kaming mag perform ay pumunta kami sa Music Room ng school nila. Wala pa 'kong pang itaas nang makita ko ulit yung tatlong babae na pumasok. Buti na lang hindi sila nakatingin sa gawi ko kaya minadali ko yung pagpapalit.

"Dali Jacey parang tanga ka talaga!" Sabi noong pinaka payat sa kanila

"Nakakahiya" sabi naman nung maliit

"Ok, stop it you two!" Maarteng sabi noong babaeng blonde yung buhok. Lumapit siya kay Maverick

"Hi! My friend wants to take a picture wth you, is it ok?" Sabi niya sabay ngiti kay Mav

Ngumisi naman si Mav at tumango "Sure. Why not" sabi naman niya

Wala talagang pili ah

Lumapit ako sa kanila. Nakita ko namang umakbay si Mav doon sa maliit na babae at yung babae naman ay nakahawak sa bewang ni Mav.

Bakit parang masyadong dikit naman??

Nang matapos sila ay nagpasalamat na yung babae

"Thank you po!" Sabi nito at pagkatapos noon ay umalis na silang tatlo

"Type mo ba 'yon?" Tanong ko kay Mav

"Huh sino?" Tanong niya naman

"Yung nagpapicture" sabi ko

"Ah ayon, hindi ah! Yung isa pwede pa. Yung nakatayo lang doon sa may pintuan. Pero cute naman yung nagpapicture, bakit?" Sabi niya

Mabuti naman

"Wala lang" sabi ko. Pero pumunta siya sa harap ko at tinignan ako.

"Crush mo 'yon no?" Tanong niya sa 'kin

Into YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon