CHAPTER 02

40 2 0
                                    

"Last 10 minutes" sabi ni sir kaya naman ay triple na yung kaba ko. Natulala kasi ako kagabi habang nakahiga ako and 'di ko naalala na magrereview nga dapat ako tapos ayon, hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog basta 'pag gising ko 15 minutes na 'kong late. Hindi pa naman ako sanay ma late.

Pagdating ko kanina ay nag uumpisa na sila sa quiz. Yung iba nasa kalahati na ako mag uumpisa pa lang.

Nagising ako nang may librong nasa ibabaw ng dibdib ko at iba pang mga libro na nakakalat sa kama ko

Ang kalat naman anong oras na ba?

Kinuha ko yung phone na nasa tabi ko at tinignan kung anong oras na

7:43 am, Monday wow lowbat pa 'ko

Napabangon agad ako dahil sa nakita ko

Mali late na 'ko!

Nagcharge na muna ako ng phone bago nagmadaling pumasok sa cr para maligo at mag toothbrush. Paglabas ko ay hindi ko na napunasan yung buhok ko at nagsuot  na agad ako ng underwears ta's sinunod ko na agad yung puting longsleeve na blouse namin tas ni tuck in ko siya sa black and red na chekkered skirt namin na above the knee tsaka sinuot ko na rin yung black na necktie.

Nagsuklay na muna ako ng buhok tapos tsaka ko sinuot yung itim na medyas namin na umaabot hanggang ibaba ng tuhod tapos nagsapatos na 'ko tsaka kinuha yung bag ko bago nagmadaling bumaba.

Naabutan kong may nakahandang pagkain sa lamesa pero nagtoothbrush na 'ko kaya nilaklak ko na lang yung gatas na nandoon tapos tumakbo na 'ko palabas.

Bago ako makarating sa pintuan ay naabutan kong nandoon si Manang

"Alis na po ako manang" paalam ko at 'di ko na rin inaantay yung sagot niya kasi nagmamadali nga ako.

Pagkasakay ko ng kotse ko ay balak kong tawagan muna sana si Yna para ipagreserve ako ng upuan para sana tabi kami. Kaso kung minamalas ka nga naman, pagkapa ko sa bulsa ko ay wala yung phone

"Ugh naiwan ko pa"

Hindi ko na binalikan yung phone ko at nag drive na lang ako papuntang school. Tinignan ko yung relo ko at nakitang 8:12 na

Binilisan ko na lang yung pagmamaneho ko at bandang mga 8:24 ay nasa harapan na 'ko ng main gate ng aming school na may nakalagay na STANFORD PAYSON ACADEMY

Dumiretso ako sa parking lot ng school at pagka park ko ng aking kotse ay kinuha ko yung bag ko at agad na tumakbo papasok.

Wala na gaanong mga estudyante sa hallway dahil nga umpisa na ng klase

Hingal na hingal akong nakarating sa room dahil sa pagod at dumiretso na muna 'ko sa table ni sir para kumuha ng test paper bago pumunta sa bakanteng upuan

Ang panget ng pwesto

Pagkaupo ko ay naabutan ko si Yna sa likuran ko na seryosong sinasagutan yung mga quiz.

Totoo ba?

"Kainis 20 items pa yung walang sagot" bulong ko

Naiirita ako kasi kahit 'di ko natapos, nabasa ko naman 'to kahapon pero ba't parang wala akong maalala.

Sinagutan ko nalang yung ibang items na medyo natatandaan ko pero may walong blanko pa rin.

"5 minutes" sabi ulit ni sir.

Ano na Jacey?!

Ipapasa ko na sana yung papel ko kahit maraming blanko pero nagulat ako kasi biglang may naglapag ng maliit na papel sa desk ko at nagulat ako kasi mga sagot 'yon doon sa mga blanko ko.

Into YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon