Maya maya ay bumalik ako sa beverages at kumuha ng mga energy drinks. Ewan ko, mukhang kailangan ko ata 'to kasi nakakapanghina.Puno na ang cart na itinutulak ko pero may kulang pa kaya siguro pagkakasyahin ko na lang dito.
Pumunta naman ako sa breakfast section at kumuha ng mga cereals at gatas.
Hindi ko maabot ang freshmilk dahil nasa tuktok siya at kahit tumingkayad na 'ko ay hindi talaga kaya ng height ko
"Shuta" sabi ko at pinagkrus ang braso, tinititigan ang mga freshmilk na akala mo naman ay kusa silang bababa kapag tinitigan ko.
Maya maya lang ay kumuha roon galing sa likod ko kaya natamaan pa 'ko ng siko niya
"Ouch" sabi ko
"Oh" sabi niya sabay abot sa 'kin
"Thank y-" hindi ko tinuloy at kinuha na lang 'yon sa kaniya
"Ilan?" Tanong niya
"Sampu" sabi ko kahit tatlo lang naman ang kailangan ko. Bakit ba?
Kaya ayon, kumuha siya ng sampu at isa isang nilagay 'yon sa cart ko.
"Dami niyan ah, nakaya mo?" Tukoy niya sa mga laman ng cart na tulak tulak ko
Nakaya ko nga ng wala ka e
"Obvious ba?" Tanong ko rin
"Bakit ba ang sungit mo?" Sabi niya
"Wala kang pake" sabi ko at tinulak na ulit ang cart nang hindi siya nililingon
Tuwing magkikita tayo laging inis ang nakukuha ko sa'yo Zachary Jin!
Nang matapos kong bayaran ang mga pinamili ay narealize ko na hindi ko pala alam kung paano ko 'to mauuwi. Wala pa naman akong dalang sasakyan.
Nag iisip ako kung sinong pwedeng tawagan. It's either si Yna, si kuya, or si Xane.
Mukhang ekis na agad kay Yna dahil may shoot ata.
Nagpa assist na ako na pakitulungan ako na mailabas ang mga pinamili kaya isa naman sa mga staff ng mall ay inilagay ang mga ito sa cart at sinamahan ako sa labas.
"Magtataxi po ba kayo ma'am?" Tanong niya
"Ah hindi po, may susundo po" sabi ko, tumango naman siya at iniwan na 'ko roon.
Nag try akong tawagan si kuya pero hindi sumasagot.
Pang limang beses ko na 'tong tumatawag at kapag hindi niya sinagot, last call ko na si Xane.
"Hindi talaga sinagot" sabi ko nang sa panlimang tawag ay hindi pa rin sinagot ni kuya
"Sorry Xane" sabi ko bago i-dial ang number niya. Hindi niya sinagot sa unang tawag pero buti naman ay sinagot niya sa pangalawa.
"Mhm"
"Xane hehe" sabi ko
"Ano nga?" Sabi niya. Mukhang irita
"Pwedeng ano... pasundo?" Sabi ko
"Asan ka ba?"
"Ano.. nasa mall, galing kasi akong supermarket" sabi ko
"Sige wait" sabi niya
Maya maya lang, mga 10 minutes ay nakita ko na ang itim niyang sasakyan.
Pumarada siya sa harapan ko at ibinaba ang bintana ng sasakyan niya. Mukhang kagigising lang dahil naka oversized tshirt lang siya na itim at naka messy bun.
"Hindi mo ba 'ko tutulungan dito?" Turo ko sa mga pinamili ko
"Hindi. Hindi pala kita mahahatid sa inyo, may pupuntahan ako" sabi niya
BINABASA MO ANG
Into YOU
RomanceA girl who's just a fangirl with a wonderful talent when it comes to music and is loyal to her idol. A guy who's famous because he's a member of a well known band and has a favorite fangirl. MJ is a fan of a well known band, Western Wolves. She has...