Akala ko... alala ko magiging madali lang sa kaniya ang pag alis ko. Akala ko ako lang ang masasaktan. Akala ko. Akala ko lang pala.
As I look at ZJ's position rigt now, I get hurt. I didn't know that this would be the effect on him.
I don't know if I did the right thing that I told him right away that I am leaving or better not let him know.
Muli kong ibinaon ang aking ulo sa manibela because I could no longer see him like that. I was in that position for a few minutes and when I looked up, I saw that he had left.
Tsaka lang ako nakaalis doon nang makitang umalis na siya. That's the least that I can do. Ang hindi siya pabayaang mag isa roon.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos kahit alam ko na nakatulala lang ako habang nagda drive.
Nang makauwi ako ay medyo nanibago pa 'ko dahil walang mga kasambahay ang paikot ikot sa loob ng bahay namin at may kaniya kaniyang ginagawa. Wala pa rin si kuya kaya umakyat na lang muna ako sa kwarto ko at humilata. Dahil sa sobrang pagod ay hindi ko alam na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako dahil may naramdaman akong kumakalabit sa 'kin.
"Jacey... Jacey" pagtawag sa 'kin ni kuya
Dahan dahan akong bumangon at umupo muna dahil hindi ko pa maidilat ng maayos ang mga mata ko.
"Oh anyare sa mata mo, magang maga" sabi ni kuya
"Ah nanood lang ako kanina ng movie, nakakaiyak kasi" pagsisinungaling ko
Tumingin sa 'kin si kuya at tinaasan ako ng isang kilay
"Totoo nga kuya, promise!" Sabi ko na ikinatawa naman niya
"Wala naman akong sinasabi" sabi niya
"Eh! Para kayang 'di ka naniniwala sa 'kin" sinimangutan ko siya
"Ganiyan talaga 'pag guilty. Tara bumaba ka na kakain na tayo" diretso diretsong sabi ni kuya tsaka lumabas ng kwarto ko
Naghilamos na lang muna ako ng mukha bago bumaba at kumain
Nang matapos kaming kumain ni kuya ay nahiya pa 'ko kasi siya ang naghugas ng pinagkainan namin at mas nakakahiya pa dahil hindi ako makapag volunteer na ako na lang dahil hindi naman ako marunong maghugas ng pinggan kaya umakyat na lang ako.
Alam kong gaganito ganito lang kami ni kuya pero sa loob loob namin, pareho kaming hindi ok
Nang umakyat ako sa kwarto ay hindi ko nanaman maiwasang hindi makaramdam ng lungkot.
Bukas. Bukas ay aalis na 'ko at iiwan ko na ang lahat ng nandito. Si kuya Janzen, Sab, Yna, my friends, my classmates, mga member ng music club, The Harmony na grupong kinabibilangan ko dati, WW and of course, Zachary Jin.
Para ma divert ang atensyon ko ay nakinig na lang muna ako ng music at humiga.
Bigla kong naalala na hindi ko pa nga pala nasasabi kay Sab at Yna na aalis na 'ko, ganoon din kay Cami at Kai. Si Xane siguro alam na dahil mag bestfriend naman sila ni kuya, baka nakwento na niya.
Alas otso pa lang naman at lagi naman pwedeng lumabas 'yong dalawang 'yon kaya nag chat ako sa gc naming anim. Ginawa ito ni Sab noong una kaming mabuo pero kadalasan ay siya, si Yna at Kai lang naman ang maingay dito. Ako at si Cami ay taga react lang at minsan naman ay nagcchat din. Si Xane, display lang. May isang beses siyang nag chat doon pero ni isa sa amin ay walang nagreply dahil ewan ko, na offend ata kami lahat doon sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Into YOU
RomanceA girl who's just a fangirl with a wonderful talent when it comes to music and is loyal to her idol. A guy who's famous because he's a member of a well known band and has a favorite fangirl. MJ is a fan of a well known band, Western Wolves. She has...