Ang Bahay

319 12 2
                                    

Isang malamig na hangin ang sumalubong samin. Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan nang may sabihin si kuya sakin habang pinagpapawisan siya sa mukha. Mulat na mulat ang mata niyang nakatingin sa likod ko. "Joe, s-sino yang nasa likod mo?" Tanong ni kuya sakin. Unti-unti naman akong lumingon sa likod ko at di ko napigilan ang sarili kong mapasigaw ng kay lakas. "Aaaaaaaaaaaah!! " Agad naman ako nagtatakbo papunta kay mama. "Kuya naman eh! Nakakainis ka!!" Sigaw ko sakanya. "Hahaha!!! Your expression is so priceless Joe! Hahaha!! Nakakatawa talaga! " Tawang tawa si kuya sa reaction ko. "Sige tawa pa. Nakakatawa talaga, as in." Sabi ko kay kuya na naging dahilan para mas tumawa pa siya. Kainis siya, hindi magandang biro yun noh. Muntik na kaya akong himatayin.

Alam niyo ba kung anong nasa likod ko kanina? Malamang hindi ay hindi niyo alam. Pwes sasabihin ko sainyo. Isang napakalaking gagamba lang naman ang nakita ko. At mas nagulat ako kasi nakabitay siya. Yung spider's web? Kainis tong si kuya. Kala mo naman nakakatawa talaga.

"Ano ba, tigilan niyo na nga yan. Joe, Rae, samahan niyo ko sa kusina at lilinisin pa natin yun. Madaming alikabok eh. Kayo naman mahal at Jam, linisin niyo yung mga kwarto sa taas. Nang sa ganon ay makapagpahinga na tayo matapos natin kumain. Lumalalim na ang gabi." Utos ni mama samin. Agad naman kami nagsikilos.

Kasalukuyan kaming naglilinis sa kusina. Sina papa at kuya ay nasa taas at nililinis ang mga kwarto. Napakalaki ng kusina dito kaya nahirapan kaming linisin.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami sa mga gawain. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon.

Nagkaroon ng kunting kwentuhan pero nang matapos na kami kumain ay nagsiakyatan na kami.

"Ikaw Jam, ito ang kwarto mo. Ikaw naman Rae dito. At ikaw Joe, dun ka sa last room malapit sa dingding." Sabi ni papa habang tinuturo ang mga kwarto. Agad naman ako umangal. Hindi maaari. "No way! Seryoso papa? Si kuya na lang dun. Napakalayo ko naman kasi. Palit kami ng kwarto, papa please?" Pagmamakaawa ko kay papa. Talagang ayaw ko dun. Feeling ko nakakatakot dun.

"At sa tingin mo papayag ako? Wala ng bawian. Ba-bye! Bleeh!!" Sabi ni kuya at talagang iniinis ako ng moko. Bago pa ako makapag-salita ay nakapasok na si kuya pati na si mama, papa at Rae sa kwarto nila. Kainis naman oh. Bigla akong kinilabutan at agad na nagtungo sa loob ng kwarto ko.

Pagkapasok ko ay sobrang dilim. Hinanap ko yung switch ng ilaw at buti naman nahanap ko na. Malapit ito sa pinto kaya hindi ako nahirapan hanapin.

Sakto lang ang laki ng kwarto ko. Hindi gaanong kalaki at di naman kaliitan. Pero mas malaki ito kaysa una kong kwarto sa una naming bahay.

Napansin kong andito na pala ang packbag na dala ko kanina. Mukhang sina papa ang nagdala nito dito. Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang buong kwarto.

Okay lang iyong kwarto. Pero napansin kong basag ang bintana nito. Yung ilang bintana ay may kaunting basag. Hindi ko na lang yun pinagtuunan ng pansin.

Habang pinagmamasdan ko ang kwarto, may nakaagaw ng atensyon ko. Isang salamin. Base sa obserbasyon ko ay antique ito. Lalapitan ko na sana ang salamin pero bigla akong hinila ng antok. Tiningnan ko ang oras ay 11:59 p.m. na pala. Nahiga na ako sa kama ko kahit hindi pa ako nagbibihis. Ang gusto ko lang ay makatulog na.


Bigla akong nagising sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Pagtingin ko sa orasan sa cellphone ko ay 12:00 na ng gitnang gabi. Kakatulog ko lang ah. Matutulog na sana ako ulit ng biglang may napansin ako. Bakit ang dilim? Sa pagkakatanda ko ay naka-on naman ang ilaw bago ako matulog.

Kahit gusto ko na talagang matulog ay pinilit ko parin ang sarili kong bumangon. Natatakot kasi akong matulog ng walang ilaw. Pakiramdam ko kasi may tatabi sakin.

Nang makatayo ako ay pipikit-pikit pa ang mata ko. Gusto ko na talaga matulog. Nang maibukas ko na ang mga mata ko ay may nakita akong liwanag. Pero hindi liwanag mula sa ilaw ng kwarto ko. Liwanag ito mula sa salamin.

Kahit ayaw kong lapitan ito ay para bang may kumokontrol sa paa ko para lumapit sa salamin.

Pinagpapawisan na ako ng sobrang lamig. Naninidig ang mga balahibo sa buong katawan ko. Gustuhin ko mang tumakbo ay di ko magawa. Parang nasemento ang paa ko sa lapag dahil sa nakita ko sa salamin.

Isa lang naman ang nakita ko. Ito'y isang babae. Alam kong salamin ang kaharap ko ngayon. Pero bakit hindi sarili kong repleksyon ang nakikita ko sa salamin?

Dahil ang babaeng nakikita ko sa salamin ay kaluluwa na. Gusto kong magsisigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Pero sa gulat ko ay bigla na lang nagsalita yung babae sa salamin. Nakakatakot ang boses niya at nakakapangilabot.

"Sino yang nasa likod mo? " Tanong niya nang nakangiti. Unti-unti ko namang nilingon kung sinong nasa likod ko gayong sa pagkakaalam ko ay wala naman akong kasama sa kwarto ko.

Ganon na lamang ang takot ko ng makita ko sa likod ko ang babaeng nasa salamin kani-kanina lang. Nakangisi siya ng nakakatakot saakin.

"Aaaaaaaaah! " Sa wakas ay nagawa ko naring sumigaw. Agad akong nagtatakbo sa pinto para makalabas ako.

"Hahahaha! Wala kang matatakbuhan Joe. Hinding-hindi ka na makakaalis dito. Wahahaha!" Tumatawa siya habang sinasabi yun. At yung boses niya ay parang nagmula sa pinakailalim ng lupa.

Nang maabot ko na ang pinto ay agad ko itong binuksan pero ganon na lang ang takot ko ng hindi ito bumubukas. Muli na naman nanindig ang buong katawan ko ng may marinig akong bumulong sa tenga ko.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong ng isang boses.

"Ate! Ate! Joe! Anak!" Narinig kong pagtawag ni mama sa labas ng pinto. "Anak gising! " sigaw ni mama.


Tapos bigla akong nakakita ng liwanag. Kasabay noon ay nakita ko din sina mama na nakatingin saakin ng buong pag-aalala. Buong pasasalamat ko dahil panaginip pala ang lahat kanina.

Pero agad akong namutla sa nakita ko. Dahil sa likod nila ay may nakita akong babaeng nakangisi ng nakakatakot.

"S-sino yang n-nasa likod ni-niyo?"

************************

(A/N: Ang saya! Alam ko bago lang ako sa wattpad. Pero may nagbasa na agad ng story ko. Thanks to you #ChristineJoyBitun. Siya ang first voter ko. Hehe! Pero teka, sino yang nasa likod mo? )

Sino yang nasa likod mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon