Hello red_lashes, my first commenter and angelsayam02 my second commenter. Oo, silang dalawa lang ang nag-comment but still na-appreciate ko sila. Excited na excited nga ako kanina eh. Excited akong mag-update dahil kahit walang nag-cocomment ay madami namang readers. Kaya kahit kakarating ko lang from school, update agad ako.
Sorry if this would be a short update. Hahabaan ko sa next updates.
Sige, magbasa na kayo.
_________________________________________
Joe's POV
"Mama! Dalian mo, nasa likod mo na siya." Sigaw ko. Nakakatakot talaga ang babaeng yun. Ilang ulit na siya nagpakita sakin.
Kinapa ko ang bulsa ko, baka sakaling may dala ako para makatulong sa pagkabasag nitong makapal na salamin.
Nilalamig na ako ng sobra-sobra, pero kailangan kong maging matapang. Kailangan kong maging matapang para saamin ni mama.
Buong pasasalamat ko dahil may bato sa bulsa ko. Sharp stone ito. Kung paano ito napunta sa bulsa ko ay hindi ko alam. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay makaalis kami ni mama.
Pinukpok ko ng pinukpok ang glass. Unti-unti na itong nababasag. Nabutas ito ng kaunti at pinagpatuloy ko ang pagpukpok para mas lumaki ang butas.
"Joe, dalian mo. Malapit na siya." Sabi ni mama na halatang nanghihina na dahil sa sobrang lamig. Pinukpok ko pa ng pinukpok ang glass hanggang sa lumaki ng lumaki ang butas.
Nang sa palagay ko ay kasya na kami, ay nilingon ko na si mama. "Mama, makakaalis na tayo. Halika na." Sabi ko kay mama. "Dalian mo anak. Lumabas ka na. Andito na siya." Kinakabahang sabi ni mama.
"Hindi kayo makakaalis!" Patay, andito na yung babae. Agad naman akong tumalon palabas para makalabas narin si mama.
Elsa's POV
Nakalabas na si Joe. Lalabas na rin ako ng biglang hilain ng babae ang paa ko. "Sabi ng hindi kayo makakaalis eh!" Sigaw niya at halata sa boses niya ang galit. Wala akong pakialam kung galit siya. Ang gusto ko lang ay makaalis na sa loob ng salamin na ito.
"Joe! Joe tulungan mo kong makaalis dito!" Sigaw ko. Hindi ako tuluyang makalabas dahil sa lakas ng paghila nitong babae sa paa ko. Palagay ko ay may sugat na ang paa ko.
Tanging kamay ko ang nakalabas sa loob ng salamin. Hila hila ni Joe ang kamay ko pero ni hindi man lang nakakalabas ang ulo ko.
Hinihila ni Joe ang kamay ko habang hila hila naman ng babae ang paa ko.
Palagay ko ay kunting hila na lang ng babae ay tuluyan na din akong mahihila. Nahahati ang puwersa sa pagitan ng babae sa likod at sa puwersa ni Joe.
Pero mas malakas yung babae at kunting-kunti na lang ay tuluyan na niya akong mahihila pabalik sa loob.
"Mama! Wag kang susuko." Sigaw ni Joe sa labas. Palagay ko ay madadala na ako sa hila ng babae. Tapos biglang may malakas na hangin na tila humuhila saakin papasok sa loob.
Unti-unti kong pinikit ang mata ko. Pagod na ko. Pero bigla kong naalalang manalangin.
Sa mga oras na to ay tanging diyos na lang ang makakatulong sakin. Tanging siya lamang ang malalapitan ko.
Tahimik akong nananalangin, at tuluyan ko nang pinikit ang mga mata ko. Siguro ay may dalawang minuto na akong nananalangin ng tahimik at biglang tumigil ang malakas na hangin na humihila sakin papasok sa loob. Wala na rin akong maramdamang kamay na humihila sa papa at kamay ko.
Ano na ba ang nangyari? Pero di ko magawang imulat ang mata ko. Natatakot akong kumpirmahin na nakabalik na nga ako sa loob ng salamin.
Natatakot ako na baka tuluyan na akong nahila nung babae sa loob at mananatili ako sa loob kasama siya habang buhay. At hindi ko kaya yun.
Pero sa kabila ng takot na nararamdaman ko, may kunting pag-asa na nasa puso ko. Kahit alam kong imposible ay umaasa parin akong nakalabas na ako sa loob ng salamin.
Unti-unti kong inimulat ang mata ko. At ganon na lamang ang pagkalumbay ko ng makita ko ang kadiliman na sumalubong saakin. Kung ganon ay hindi nga ako nakalabas?
Tuluyan na akong nalungkot dahil sa nalaman ko. Ngayon ay kadiliman na lamang ang bumabalot sa buong paligid ko. Isang walang katapusang dilim.
"Hindi pa rin kayo makakaligtas. Hindi kayo makakaalis sa bahay na ito." Dinig kong bulong saakin ng boses babae. Heto na naman siya. Muli ay nanindig na naman ang balahibo sa buong katawan ko at dinapuan na naman ako ng takot.
"Aaaaahh!!!" Tanging naisigaw ko. "Mama! Mama, gising." Dinig kong sigaw ni Joe saka kinurot-kurot pa niya ay pisngi ko. Pero bakit? Nahila din ba si Joe dahil sa pagkakahawak niya sakin kanina?
"Mama, nagwagi tayo. Nakalabas na tayo sa salamin." Masayang sabi ni Joe sakin. Kung ganon, dininig ng diyos ang dasal ko. Maraming salamat po.
Pero may naalala ako, "Joe halika na. Kelangan na nating mahanap ang mga kapatid mo at papa mo. Kelangan na nating makaalis dito. Habang andito tayo sa loob ay nasa panganib tayo." Sabi ko sakanya saka ako tumayo at hinawakan ang kamay niya. Hindi pwedeng mahiwalay kami sa isa't-isa. Magiging mapanganib ang mga buhay namin pag nagkataon.
"Mama, may alam akong flash light. Nasa cabinet ko." Sabi ni Joe. Agad naman namin kinapa-kapa ang paligid hanggang sa mahanap namin ang cabinet.
"Ito na po mama, nahanap ko na." Sabi ni Joe habang ako naman ay patuloy parin sa pagkapa. Nagbabakasaling may mahanap na makatulong saamin.
Pero may nakapa akong malambot na bagay. Pero ang pinagtataka ko ay sobrang lamig nito ma para bang ice sa lamig? Kinapa kapa ko ito hanggang sa may maamoy akong malansa.
"Anak ilawan mo nga itong loob ng cabinet mo. May nahawakan ako eh." Utos ko kay Joe na agad naman niya sinunod.
Pero ganon na lang ang gulat namin ng makita namin ang nilalanggam na bangkay. Babae ito dahil sa mataas niyang buhok. Tapos pula ang damit nito. Sa katawan nito ay punong-puno ng dugo. Pero hindi sariwa ang dugo. Parang matagal na ito sa loob.
Para kaming naistatwa at nagkatinginan kami ni Joe. Nalaman ko na lang na tumatakbo na kami palabas ng kwarto, nag-uunahan kung sino ang unang makakalabas ng kwarto.
Itutuloy...