Kapit-bahay

205 5 0
                                    

*kinabukasan*

Elsa's POV ( mama ni Joe)

Maaga akong nagising para ipagluto ang pamilya ko ng agahan. Bakasyon ngayon kaya alam kong natutulog pa ang mga anak ko. Tiningnan ko ang orasan at 5:30 a.m. pa naman.

Tinapunan ko ng tingin si Marko, ang asawa ko. Napakahimbing ng tulog niya. Kinumutan ko siya dahil natanggal na pala ang kumot sa katawan niya.

Agad akong tumayo saka nagtungo sa cr na nasa loob lang ng kwarto namin. Kinuha ko ang tooth brush ko saka nilagyan ng tooth paste. Pinaandar ko ang gripo para sana magmumog. Pero ganon na lamang ang gulat ko ng dugo ang lumabas imbis na tubig.

Napaatras ako saka nabaling ang atensyon ko sa salamin na nasa taas ng lababo. Bigla itong nabasag saka may mga dugo. Agad kong kinusot ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Pagmulat ko ay bumalik na sa dati ang lahat. Tubig na ang umaagos sa gripo at hindi narin basag ang salamin. Guni-guni ko lang ba yun? Siguro nga guni-guni lang. Masyado ko kasing inaalala ang anak kong si  Joe, takot na takot siya ng gisingin namin siya.

Matapos ko manghilamos at magsipilyo ay bumaba na ako saka nagtungo sa kusina. Papasok na sana ako sa kusina ng madatnan ko si Joe sa sala na natutulog sa sofa.

Bakit ba dito siya natulog? Talaga bang natatakot siya dito? Nababahala na ako sa kinikilos ng anak ko. Gigisingin ko na sana siya pero napansin kong ang himbing ng tulog niya. Mukhang di siya nakatulog.

Sa huli ay napagdesisyunan kong wag na lang siyang gisingin. Kumuha na lamang ako ng kumot saka siya kinumutan. Mukhang nilalamig siya.

Matapos ko magsaing ay lumabas ako ng bahay para diligan ang bakuran. Marami na kasing mga patay na dahon doon.

Habang nagdidilig ako ay laking gulat ko na lamang ng biglang may nagsalita. "Umalis na kayo rito habang hindi pa sila nakakahalata! Umalis na kayo!" Isang payat na payat na matanda ang nagsabi non. Hindi ko alam kung pano siya nakapasok dito gayong ayon sa pagkakatanda ko ay nakasara naman ang gate namin.

"Umalis na kayo habang hindi pa huli ang lahat! Umalis na kayo habang hindi pa sila nakakahalata!" Paulit ulit niya yang sinasabi habang naglalakad palayo sakin. Gulong-gulo ako at hindi ko malaman ang dapat gawin.

Ano bang sinasabi niya?

May parte sakin na gustong maniwala sa sinabi nung matanda. Pero bakit? Bakit kami aalis? Anong dapat hindi nila malaman? Talagang naguguluhan ako.

Hanggang ngayon ay gumugulo parin sa isipan ko yung sinabi nang matanda. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa matanda.

"Hon, kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo. Ano bang iniisip mo?" Tanong ni Marko sakin. Umiling na lamang ako. "Wag mo kong pansinin mahal. Pagod lang to." Sagot ko na lamang para hindi siya mabahala.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon. Masayang kumakain si Jam at Rae habang nakikipag-usap saamin. Pero napansin kong kanina pa walang imik si Joe. Tahimik lang siyang kumakain at nakayuko. Masyado akong naninibago sakanya. Dati naman ay siya ang pinakamaingay kapag nasa harap kami ng pagkain. Pero ang kinikilos niya ngayon ay ibang-iba.

"Joe, anak? May gumugulo ba sa isip mo? Napansin kong sa sala ka natulog kanina. Bakit hindi ka natulog sa kwarto mo?" Naisipan kong tanong sakanya. Napalingon naman ang mag-anak ko sakanya. Tumahimik siya sa pagkain saka tumayo at sinabi niya ang mga katagang ikinagulat naming lahat.

"Umalis na tayo dito mama, papa! Hindi tayo ligtas dito!! Umalis na tayo habang hindi pa huli ang lahat!" Sigaw niya at agad naman nagsalita si Marko. "Hoy Joe! Wag kang nagtataas ng boses jan! Hindi ko nagustuhan yang inaasal mo! Umupo ka at mag sor ---" Pero hindi na naituloy ni Marko ang sasabihin niya dahil tumakbo na si Joe palabas ng kusina. Nang sundan ko siya ng tingin ay pumasok pala siya sa kwarto niya saka isinara ang pinto ng sobrang lakas.

"Aba't malilintikan na talaga yang bata sakin!" Galit na sigaw ni Marko. Hinawakan ko na lamang ang kamay niya na nakapatong sa mesa, "Pag-pasensyahan mo na mahal. Mukhang naninibago lang siya dito." Sabi ko. "Pag-sabihan mo yang anak mo Elsa. Hindi ko nagugustuhan ang inaasal niya." Sabi niya. Hindi na lamang ako sumagot saka pinagpatuloy na lamang ang pagkain.

"Maiwan muna namin kayo dito Hon. Babalikan namin ang kotse saka aayusin para madala narin dito ang mga naiwan nating mga gamit." Pagpapaalam ni Marko habang hinahanda ang dala nitong baril. Pulis kasi itong si Marko at lagi niyang dala ang armas saan man siya pumunta. "Ayan Jam, dalhin mo itong isa. Mas mabuti na tong nakakasiguro tayo." Sabi ni Marko saka iniabot ang isa nitong baril kay Jam. Marunong na kaming lahat gumamit ng baril dahil tinuruan kami ni Marko. Para daw maproteksyunan namin ang sarili dahil hindi daw sa lahat ng oras ay kasama niya kami.

"Sige na mahal. Baka gabihin kayo. Mag-ingat kayo ha." Sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi. "Nasa kabinet ang ibang armas. Kung sakaling may mangyari, alam mo na kung sa'n mo hahanapin yun." Huling habilin niya. Ganyan ang lagi niyang habilin sa tuwing aalis siya. "Oo na, alam ko. Wag kang mag-alala samin dahil nasa loob lang naman kami ng bahay. Kayo ang dapat mag-ingat." Sabi ko.

________________________________________

Jam's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ni papa upang balikan ang sasakyan na naiwan namin dito. Habang naglalakad kami ay heto na naman ang tinginan nila. Kahapon ko pa napapansin ang tinginan nila. Marahil ay naninibago lamang sila dahil bago lang kami dito. Yun ang inisip ko para mapagtakpan ang pangamba ko. Dahil sa totoo ay nangangamba ako na baka hindi kami ligtas dito. Masama ang pakiramdam ko sa bago naming lipatan. Pero pinili ko na lamang ang huwag magpa-apekto dahil baka magalit lang si papa.

May sampung minuto din bago kami nakarating sa kinaroroonan ng sasakyan. Laking pasasalamat namin ng malaman naming walang nawala sa gamit namin.

Pero ganon na lamang ang gulat ko ng mapansin kong parang may babaeng nakaupo sa loob ng sasakyan. Agad akong kinilabutan at nanindig ang mga balahibo ko sa buong katawan. Halos mapasigaw na ako nung biglang may malamig na kamay na pumatong sa balikat ko.

Itutuloy...

Sino yang nasa likod mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon