Jam's POV
Gabing-gabi na ng makarating kami sa bahay. Talagang niligaw kami ng babaeng yun. Kung paano kami nakabalik? Hindi ko maipaliwanag.
Sobrang dami naming dinanas bago kami makabalik. Sa wakas ay nakarating na kami sa tapat ng gate namin.
Napatingin ako sa mga kapitbahay namin. Lahat na ata natutulog dahil nakasara na ang mga bintana at ang mga pinto ng mga bahay dito. Napansin ko ding kami lang pala ang nasa labas.
Nakapasok na kami sa gate. Bubuksan na sana namin ang pinto ng bahay ng biglang iluwa nito si Rae. Pinagpapawisan siya at halata ang takot sa mukha niya.
Nang makita niya kami ay tila nakakita siya ng pag-asa. Anong meron?
"Rae, bakit? Bakit pawis na pawis ka? San ang mama at ate mo?" Buong pag-aalalang tanong ni papa kay Rae. Base sa reaksyon ni Rae ay masasabi kong may hindi magandang nangyayari.
"Papa!" Tanging nasabi ni Rae saka niya niyakap si papa. "Papa, si mama po. Nakulong siya sa kwarto ni ate. Katok ako ng katok sa pinto ni ate pero walang nagbubukas. Papa, kailangan na po natin mahanap sina mama at ate. Kailangan na nating makaalis sa bahay na to. Dahil habang patagal tayo ng patagal dito, mas napapalapit tayo sa panganib. Papa kukunin niya tayo!" Hagulgol na sabi ni Rae. Takot na takot siya at di niya malaman kung alin ang unang sasabihin.
"R-Rae, sinong siya? S-sinong kukuha satin?" Pautal utal kong sabi. Kinakabahan akong malaman kung sino ang tinutukoy niya. Natatakot akong malaman na ang iniisip ko at ang tinutukoy ni Rae ay iisa.
"Babae kuya. Babae. Kanina pa nga ako takbo ng takbo dahil sunod siya ng sunod. Buti na lang dumating na kayo. Kailangan natin magmadali papa, kuya bago pa mahuli ang lahat at makuha niya sina mama at ate." Halata parin ang takot sa boses ni Rae.
Pinasok na namin ang bahay at ganon na lamang ang gulat ko ng biglang nag-iba ang arrangement ng bahay. Tila naging isang maze ito dahil sa sobrang daming pasikot-sikot sa loob.
"Huwag kayong hihiwalay saakin mga anak. Kailangan magkasama-sama parin tayo para mas ligtas tayo. Tatagan niyo ang loob niyo at manalig sa diyos. Makakaalis din tayo dito." Bilin ni papa bago namin tinahak ang loob ng bahay.
Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa kadiliman ng bahay. Oo walang ilaw. Tanging ang ilaw ng cellphone ko at flashlight ng lighter ni papa ang nagsilbing ilaw namin. Mas nakakadagdag pa ng kaba ko tuwing may bubuksan kaming kwarto at puro kadiliman at kakaibang iyak ang sumasalubong saamin.
Kanina ko pa gustong magmura dahil sa kumukuhit sakin sa likod. Ayaw kong lingunin dahil natatakot akong kumpirmahin ang nasa isip ko.
"Kuya, ano ba? Bakit ka ba kuhit ng kuhit jan?" Inis na tanong ni Rae. Agad namang nanindig ang balahibo ko sa katawan. Kung ganon nga ay kanina pa may nakasunod samin. Bukod samin ay may kasama pa kaming iba dito.
Hindi ko na lamang pinansin ang tanong ni Rae dahil pag sinabi kong hindi ako yun, makakadagdag lamang ito sa takot niya at ayaw ko mangyari yun. Ayaw ko siyang mawalan ng pag-asa kahit na ang totoo ay unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.
Pero heto na naman ang takot ko ng biglang lumingon sakin si Rae at sinabing, "K-kuya, may k-kasama pala tayo?" Kinakabahan niyang tanong. "Ano ba R-Rae, wala." Sagot ko kahit na ang totoo ay unti-unti ko nang nababasa ang nasa isip ni Rae.
"P-pero kuya, s-sino yang nasa l-likod mo? Kanina ko pa n-napapansing nakasunod siya s-satin." Pinagpapawisang sabi ni Rae.
Unting-unting lumingon si papa sa likod ko at ganon na lamang ang gulat sa mukha niya. Kaya kahit ayaw ko ay pinilit ko paring lumingon. Nak ng! Isang babae ang nasa likod ko. Puti ang damit at may nakakatakot na mata. Nakangisi itong nakatingin samin at sinabing, "Sssshhh!! Wag kayong maingay."
"Aaaaaahhh!!!" Sabay-sabay naming sigaw at nag- unahan ng takbo. Takot ang bawat isa na maabutan ng babaeng yon.
_________________________________________
Elsa's POV
Nagising ako sa kadiliman. Habang tumatagal ay nagiging pamilyar na saakin ang dilim na bumabalot sa loob ng kwarto. Palagay ko ay nasa kwarto parin ako ni Joe. Tumayo ako at napag-alamang wala na yung babae. Siguro napagod sa kakahintay kung kelan ako magigising. De, joke lang. Hehe, baka magalit yung babae at balikan ako dito.
Habang kinakabisado ko ang dilim ay biglang nagliwanag ang salamin. Doon ay nakita ko si Joe, sa loob ng salamin.
"Anak?" Tanong ko para kumpirmahin kung siya nga ba ito. "Mama, samahan mo ko dito, natatakot ako." Umiiyak na sabi ni Joe sa loob ng salamin. Lumapit naman ako sa salamin para mas klaruhin siya.
"Mama, huwag kayong maniwala sakanya. Wag mo ko alalahanin. Ang importante ay makaalis kayo dito nina papa. Mama umalis ka na dito at hanapin mo ang liwanag. Dalian mo mama." Dinig kong sabi ng tinig. Boses ito ni Joe pero hindi yung Joe sa loob ng salamin ang nagsasalita.
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung sino ang pakikinggan ko. "Mama, tumakbo ka na! Nasa likod mo na siya. Takbo mama!" Sabi naman ng boses ni Joe. Lumingon ako sa likod ko para sana kumpirmahin ang sinabi ni Joe, pero huli na ang lahat.
Paglingon ko sa likod ko ay nakita ko ang mukha ni Joe na nakangisi saka walang ano-ano'y tinulak niya ako sa loob ng salamin.
Wala na akong nagawa dahil huli na ang lahat. Nalaman ko na lang na isang walang katapusan na kadiliman ang bumalot sa paligid ko. Alam kong wala na ako sa loob ng kwarto ni Joe. Kung nasaan ako ay hindi ko alam.
Itutuloy...
****************************
Mind to comment guys? Any feedbacks? Violent reaction? Feel free to comment below :)