Elsa's POV
Kadiliman ang sumalubong sakin pagkamulat na mulat ko. Napatingin ako sa paligid at talagang napakadilim.
Tumayo ako at nangapa. Naghahanap ako ng mahahawakan pero nabigo ako dahil wala akong mahawakan.
Ang huli kong pagkakaalam ay pumasok ako sa salamin. Ay mali, tinulak pala ako ni Joe. Muli na naman akong nalungkot. Ngunit bakit? Bakit kailangan niya ako itulak? May nagawa ba ako para tratuhin niya ako ng ganon. Kung ngumisi pa siya kanina, parang hindi niya ako ina.
Pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko at muling nangapa nanaman.
*kapa dito*
*kapa*
*lakad*
*kapa ulit*
Pero wala talaga akong makapa. Walang katapusan na kadiliman ang nakikita ko. Palagay ko ay dito na ako mamamatay at mabubulok.
Tapos, sa kalagitnaan ng katahimikan ay may narinig akong suminghot. May umiiyak.
Agad akong kinilabutan. Naku, baka multo na yun. Lagot. Hindi ko kayang mabulok dito kasama ang mga multo.
Ayun na naman ang iyak na naririnig ko. Kinilabutan na naman ako. Hindi ko na kaya.
Pero nabuhayan ako ng loob ng maisip kong baka tao yung umiiyak. Kapag nagkataon ay may makakatulong ako para makaalis dito.
Kung paano kami makakaalis dito ay hindi ko alam. Ang alam ko lang ay hahanap ako ng paraan.
Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay napagdesisyunan ko na ring tawagin ang umiiyak kanina.
"Tao po! May tao ba dito?" Pinagpapawisan ako ng todo todo habang sinasabi ko iyan. Natatakot ako. Pano kung hindi tao? Pano kung multo?
Tumigil naman sa pag-iyak yung umiiyak. Lagot, heto na.
"May tao ba dito?" Narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses.
Pamilyar talaga siya. Parang boses ni Joe? Pero paano?
Magsasalita na sana ko nung biglang lumiwanag. Napatingin ako sa paligid at nandiri sa nakita. Ayaw ko nang ipaliwanag dahil mandidiri lang kayo.
"Mama?" Dinig kong sabi ng pamilyar na boses.
Napatingin ako sa paligid ko. At doon ay nakita ko sa Joe na nasa likod ko. Pero paanong?
Napaatras ako ng maalala ko ang huli naming pagkikita kanina. Para siyang nasapian kanina base na rin sa ngiti niya.
"Wag! Wag kang lalapit!" Nanginginig ako ng sobra-sobra. Natatakot akong baka kung ano na namang gawin niyang masama sakin. Masama ang pakiramdam ko sa kaharap ko ngayon. Baka hindi siya si Joe. Baka nagpapanggap na naman siya at itulak na naman ako.
Patuloy parin ako sa pag antras.
Nagulat na lang ako ng biglang niya akong yakapin. "Mama, sana pinakinggan mo na lang ako kanina. Sana umalis ka na agad para masabihan mo sina papa na nasa panganib tayo. Pero hindi ka nakinig mama, ayan tuloy. Naitulak ka pa ng babaeng iyon." Humahagulgol ng iyak si Joe. Nang yakapin niya ako ay naramdaman ko agad na siya ito.
"Tahan na anak. Makakaalis din tayo dito. Halika, maghanap tayo ng daan." Sabi ko habang yakap din siya.
"Mama, habang buhay na tayo dito. Wala na tayong madadaanan." Sabi ni Joe at wala akong makitang pag-asa sa mata ng anak ko. Tila nawalan na siya ng pag-asa.
Niyakap ko uli siya pero may biglang napakaitim na usok ang biglang nabuo sa harap namin. Napatingin kami ni Joe doon at laking gulat ko dahil naging tao ito. Ang malala ay naging kamukha ko ito.
Napanganga ako sa nakita. Kamukhang kamukha ko siya. Magkapareho kami ng damit.
Napatingin ako kay Joe upang tingnan ang reaksyon niya pero tila inaasahan na niyang mangyayari ito.
Anong ibig sabihin nito?
Humalakhak ang babae sa harap namin.
"Parang awa mo na, hayaan mo na kaming makaalis dito. Wag mo nang paglaruan sina papa sa labas." Pagmaakaawa ni Joe sa babaeng kamukha ko.
"Tumahimik ka. Wala ka ng magagawa. Dahil sa huli ay mabubulok din kayong buong pamilya sa loob ng bahay na ito." Sagot nung babae saka humalakhak.
Hindi na niya kami hinayaang makapag-salita pa dahil bigla na lang siya nawala. Pati boses ko gayang-gaya niya.
"Anak, sino siya? Anong gagawin niya?" Tanong ko kay Joe. Muling umiyak na naman si Joe. "Magpapanggap siya bilang ikaw. Pati yung babaeng tumulak sayo kanina ay nagpapanggap lang din bilang ako. Bawat makakapasok sa loob ng salamin na ito ay nagiging kamukha ng mga nilalang na yun. Kahit pa makalabas sina papa sa labas na bahay, kung kasama naman ang dalawang yun na nagpapanggap lang bilang tayo ay wala ding saysay. Dahil sisirain nila ang buhay nina papa." Mas lalong lumakas ang iyak ni Joe. Kung alam ko sanang ito ang mangyayari, edi sana hindi na kami lumipat dito. Nagsisisi ako ng lubos.
"Anong kaya nating gawin para huwag matuloy ang plano nila anak?" Naitanong ko sa anak ko. Desperado na ako. Hindi ko hahayaang makasama nila ang dalawang yun.
"Kailangan makaalis tayo dito mama. Pero kung paano ay hindi ko alam." May pagkadismayang sabi ni Joe.
"May paraan anak. May paraan." Tanging nasabi ko.
Lalakad na sana kami para maghanap ng daan ng biglang nabalot kami ng kadiliman.
Muli ay walang katapusan na kadiliman na naman ang nakikita ko.
Niyakap ko na lamang ang anak ko dahil alam kung natatakot din siya. Natatakot sa anumang mangyayari.
"Wag ka matakot anak. Andito lang si mama." Alo ko sakanya para kahit papaano ay mabawas-bawasan naman ang takot niya lahit na ang totoo ay ako itong kanina pa di mapakali.
Pero ganon na lamang ang pananayo ng mga balahibo sa buo kong katawan nang muli kong marinig ang boses na yun. Ang boses na kailan man ay di ko ginustong mangyari.
"Hindi na kayo makakaalis dito. Panghabang buhay na kayo dito. Wahahaha!" Saka siya humalakhak ng pandemonyong tawa. Siya na naman. Ang babae kanina.
"M-mama s-sino po y-yan?"
________________________________________
Thanks sa mga nag-vote guys! Ang saya saya dahil madami-dami na akong readers kahit baguhan lang akong author :)
Pero sana may mag-comment. That's all I wish for. Im begging to hear your side. Gusto ko malaman ang feelings niyo, comments niyo para mas pagbutihin ko pa. That's all I want in exchange. Hope you can give it.