Ang Biyahe

706 16 6
                                    

"Mamo, bakit kailangan nating lumipat? Okay naman dito ah. Komportable na tayo dito. Wala naman tayong problema dito ah." Reklamo ko kay mamo at nagbabakasakaling mababago ko pa ang desisyon niya. "Pagtatalunan na naman ba natin to Joe? Last year pa natin to pinag-usapan diba? At sa ayaw at sa gusto mo, lilipat tayo dun ngayon. Kaya mas mabuti pang magbihis ka na dahil bibiyahe na tayo pagkarating ng papa niyo. May nirentahan siyang sasakyan. Kaya dalian mo." Sagot ni mama sakin. Lumabas na siya ng kwarto ko pagkasabi niya non. As if I have any choice.

Naligo na ako saka nagpalit ng damit. Handa na lahat ng damit ko. Kung bakit kasi kailangan naming lumipat? Halos dito na kami lumaki ng mga kapatid ko. "Ate, dalian mo na diyan. Andito na si papa." Pagtawag ni Rae sakin, ang nakababata kong kapatid na babae. Grade-6 siya habang ako ay kasalukuyang 3rd year highschool. "Lalabas na. Teka lang."

________________________________

(Sa sasakyan...)

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan na nirentahan ni papa. Anim na oras din kaming nasa biyahe. "Pa, malayo pa ba tayo?" Tanong ko kay papa. "Nasa baryo na tayo. Malapit na tayo. Matulog ka na lang diyan. Gigisingin ko na lang kayo pagkarating natin." Sabi ni papa. Pero di ko magawang makatulog. Kanina pa ko natutulog. Napatingin ako kina Rae at mama. Tulog na tulog sila. Tiningnan ko naman si kuya na nasa front seat kasama si papa. Natutulog din siya. Tanging ako lang at si papa ang gising. Napag-desisyunan ko na lang na pagmasdan ang bawat bahay na madadaanan namin dahil malapit naman ako sa bintana nakaupo.

Napansin kong hindi magkalapit ang mga bahay dito. Hindi tulad sa unang tinitirhan namin na magkadikit-dikit ang mga bahay. Napansin ko din na kakaunti lang ang sasakyan dito.

Biglang niliko ni papa ang sasakyan. Pagliko niya ay kakaibang mga bahay ang nadadaanan namin. Parang bahay ng mga sinaunang tao ang mga bahay dito. Para kaming nasa sinaunang panahon. Tuwing may madadaanan kaming mga tao ay bigla silang papasok sa bahay nila at magsasara ng mga pinto. Pati narin ang mga bintana nila ay sinasara nila. Anong meron samin?

Habang nagbibiyahe kami ay bigla na lang tumigil si papa sa pagda-drive. Muntik pa nga ako mamusmos eh. Nagising naman sina mama, Rae at kuya. "Anong nangyari?" Tanong ni mama kay papa. "Nasiraan ata tayo eh. Teka lang, tingnan ko muna ang makina nitong sasakyan. Jam, samahan mo ko labas." Utos ni papa kay kuya.

Lumabas sila saka ini-check ang makina. Makalipas ang limang minuto ay bumalik sila."Oh? Anong nangyari?" Tanong ni mama. "Nasiraan tayo. Mas mabuti pang bitbitin niyo yung mahahalagang gamit. Bukas pa namin ito maaayos dahil gabi na. Mag-aalasyete na eh." Utos ni papa samin.

Hindi na ako nagreklamo dahil wala din namang magbabago. Bumababa ako dala ang bagpack ko na may laman na mga damit ko. Habang naglalakad kami ay napansin kong napapatingin samin ang mga tao. At kung tumingin sila samin, para kaming papatayin.

"Ate napansin mo ba ang mga tingin nila?" Tanong ni Rae sakin. Nakalapit na pala siya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang braso niya at halata ang takot sa mukha niya."Parang may gagawin silang hindi maganda." Sabi niya. "Ano ba? Imahinasyon mo lang yan." Sabi ko na lang para hindi siya matakot kahit na sa totoo ay kanina pa ako kinakabahan.  Para kasing hindi kami ligtas sa lugar na ito.

May sampong minuto kaming naglalakad. Bakit ba kasi kami nasiraan? Pag minalas nga naman oh.

"Andito na tayo." Sa wakas ay tumigil na din sa kalalakad si papa. Ngayon ay nasa harap na namin ang gate ng bahay. Pero imbis na matuwa ako dahil nakarating na kami, mas kinilabutan pa ako. Nakakatakot kasi ang aura ng bahay. Malaki yung bahay pero parang haunted house. Binuksan ni papa ang gate saka kami pumasok sa loob. Mas nakita ko ng mabuti yung bahay. May kalayuan kasi ang bahay sa gate.

Habang palapit kami ng palapit sa bahay ay mas kinikilabutan ako hanggang sa binuksan na ni papa ang pinto .

Isang napakalamig na hangin ang sumalubong sa'min. Sobrang daming alikabok sa loob. Halatang matagal nang walang nakatira. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pag-pasok namin sa loob. Hindi ko alam kung guni-guni o imahinasyon ko lang pero pakiramdam ko nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan nang maisara ang pinto. Nakadagdag pa sa kaba ko nang biglang tumingin sa'kin si kuya na pinagpapawisan. Gulat na gulat ang mata niya at masasabi kong natatakot siya sa kung ano mang nakikita niya.

"J-Joe, s-sino yang n-nasa likod m-mo?" Pautal utal na tanong ni kuya. Bigla namang nag-unahan ang pawis sa mukha ko at unti-unting lumingon sa likod ko. Kung ano man ang makikita ko ay hindi ko alam. Pero sigurado akong hindi ko yun magugustuhan. Laking gulat ko na lang ng makita ko na ang nasa likod ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napasigaw ako ng kay lakas. "Aaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!"

Sino yang nasa likod mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon