Hingal na hingal ako at di ko magawang idilat ang mata ko. Natatakot ako na baka sa pagdilat ko ay malaman kong naiwan ako sa loob ng bahay na ito kasama ang mga halimaw na yun.
Naalala ko pa naman ang sinabi ng babaeng nagpapanggap bilang si mama kanina na kapag daw nabuksan na ni papa ang pinto ay kelangan dalian namin ang paglabas dahil dalawampong segundo lang ang itatagal ng pagkakabukas ng pinto.
Pagkatapos ng dalawampong segundo ay sasara din daw agad ang pinto.
*Flash back/Replay*
Author's POV
Limang segundo na lamang ang natitira pero nasa loob parin ng bahay si Jam habang ang buong pamilya ay nasa labas na.
5...
Tumatakbo na si Jam palabas ng bahay.
4...
Nadapa si Jam at di siya nakatayo agad dahil sa labis na kabang nararamdman.
3...
Dali -daling lumapit ang halimaw na nagpanggap bilang ang mama nila kay Jam upang hilain ito papasok sa loob ng bahay.
2...
Pinaputukan ni Marko ang halimaw at patakbo itong lumapit kay Jam saka niya ito hinila palabas ng pinto.
1...
Hindi tinablan ng bala ang halimaw kaya dali-dali niyang tinungo ang pinto para makalabas ng bahay pero huli na ang lahat dahil saktong pagkahila ni Marko kay Jam ay sumarado rin ang pinto.
Hinding-hindi na muli mabubuksan ang pinto maliban na lamang kung may taong magbubukas no'n. Ang bahay na iyon ay sinumpa dahil sa dami ng kaluluwang nakatira doon.
Ang mga kaluluwa o mga halimaw na nasa loob ay makakalabas lamang sa bahay na iyon kung magpapanggap silang kamukha nila ang isang tao katulad na lamang ng paggaya ng dalawang halimaw na iyon sa mama nina Jam at kay Joe.
*End of Flashback*
"Mahal patawarin mo ako dahil sa nagawa ko sainyo kanina. Buong akala ko'y nililinlang niyo lamang kami para kami ay pigilin sa paglabas ng bahay." Sabi ni papa na ngayon ko lang narinig na nagsalita.
"Ano ba. Naiintindihan ko iyon. Kalimutan na natin iyon mahal. Ang importante ay nakalabas na tayo sa bahay na iyan." Tugon ni mama at tuluyan ding niyakap si papa.
"Salamat Mahal." Nakangiting sabi ni papa habang yakap yakap parin si mama.
Lumapit siya kay mama saka ito niyakap.
Napatingin ako sa buong pamilya ko saka napangiti. Sa wakas ay nakalabas na kami sa bahay na iyan.
"Papa nasaan po si lola?" Naitanong ni Rae. Oo nga, ngayon ko lang pala napansin na wala pala dito si lola. Napatingin ako sa pinto ng bahay. Hindi kaya...
"Sinong lola?" Tanong ni mama saka humiwalay sa pagkakayakap kay papa.
"Yung matandang tumulong saamin kanina lang." Sagot ni mama.
"Kawawa naman si lola. Siguradong naiwan siya sa loob." Sabi ni Rae.
"Balikan ko kaya sa loob?" Nasabi ni papa.
"Wag!" Sabay-sabay naming naisigaw.
"Tutal ay anak niya naman ang babaeng yun. Marahil ay hindi naman siguro siya sasaktan." Sabi ko upang makumbinsi si papa. Buo na kami at nakalabas na ng bahay. Ayaw kong muling magkahiwa-hiwalay kami.
May sampong minuto siguro naming pinakiusapan si papa upang huwag ng bumalik. Si mama at Joe naman ay halatang naguguluhan sa nasabing mag-ina (si lola at yung babae) pero hindi naman sila nagtanong.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Bandang alas-singko na pala ng hapon.
"Kung ganon ay umalis na tayo dito. Baka gabihin pa tayo." Sabi ni papa na agad naman naming sinang-ayunan.
Tinungo namin ang sasakyan sa gilid ng bahay. Masayang-masaya kami dahil sa wakas ay malaya na kami. Pinapangako naming hindi na kami babalik sa bahay na iyon.
Habang nasa biyahe ay masaya kaming nag-uusap. Napatingin ako sa mga tao na nadadaanan namin.
Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako kung bakit ganyan sila makatingin samin.
Simula ng dumating kami ay iba na sila kung makatingin saamin. Hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin iyon. Ang importante ay malaya na kami. Malaya na sa bahay namin.
Habang nagbibiyahe kami ay napansin kong kanina pa paulit-ulit ang dinadaanan namin.
Pinaglalaruan na naman ba kami ng tadhana?
Napatingin ako sa kalangitan at nagdidilim na pala. Napatingin ako sa wristwatch ko. Alasingko parin? Napatingin ako sa cellphone ko at wala na itong signal. Ganitong-ganito rin ang nangyari ng minsan ay naligaw kami.
"N-naliligaw ba tayo?" Tanong ni Joe na ngayon ko na lamang narinig magsalita ulit.
Walang sumagot dahil walang may gustong kumumpirma. Patuloy parin na pinaaandar ni papa ang makina ng sasakyan. Maya-maya ay may narinig kaming tila may tumatalon sa bandang itaas ng sasakyan.
Isinara namin agad ang bintana ng sasakyan. Napatingin ako sa mga bahay sa paligid namin. Nakasara ang mga pinto't bintana at wala ding ilaw na nakasindi sa bawat bahay.
Nag-unahan na naman ang kaba saking dibdib pero hindi ko iyon pinahalata sakanila. Kailangan kong maging matapang.
Patuloy parin na pinaaandar ni papa ang sasakyan. "Huwag kayong matakot. Makakaalis din tayo dito." Sabi ni papa.
Ang sunod na nangyari ay nagdala ng takot saming buong pamilya. Biglang naitigil ni papa ang sasakyan dahil sa nabangga namin.
Basta ang alam ko, may tumakbong babae kanina. Ramdam na ramdam namin na may nabangga kami. Gusto man namin tingnan ay di namin magawa.
Napatingin na lamang ako sa salamin na nasa bandang itaas upang tingnan sina mama kung okay lang sila.
Pero ganon na lamang ang gulat at kaba ko ng may makita akong babae sa bandang likod nina mama.
Ang mas nakadagdag ng kaba ko ay ang babaeng nasa likod nila, ay siya ding babae na laging nagpaparamdam saamin.
At sigurado akong siya din yung babaeng nagparamdam saamin.