Ang misteryo ng salamin

215 6 1
                                    

Unti-unting lumingon nun sina mama sa likod nila. Pero lintek eh! Biglang nawala yung babae. "Anak, guni-guni mo lang yun. Matulog ka na ulit. Wag kang nag-iisip masyado. Ayan tuloy, nananaginip ka ng masama."

Ilang minuto na ba ang lumipas? Kanina pa lumabas sina mama. Naiwan ako dito ng nag-iisa. Hindi ko pa rin magawang makatulog. Kahit anong gawin ko ay di ako makatulog. Pero ang totoo ay natatakot lang talaga akong matulog dahil baka sa pagtulog ko ay mapanaginipan ko naman yung babae sa salamin.

Napatingin naman ako sa salamin. Normal lang siya. Parang wala lang. Titig na titig parin ako sa salamin. Ilang minuto na ang nakalipas ay di ko magawang tumingin sa iba. Para bang may nagtutulak sakin na lapitan yung salamin? Pero ayaw ko. Natatakot ako na baka magkatotoo yung panaginip ko. At ayaw kong magkatotoo yun.

Tiningnan ko saglit ang orasan ko sa cp ko. Saktong 3:00 a.m. pero di parin ako nakakatulog. Siguradong magkakaroon ako ng malaking eyebags bukas. At ayaw kong mangyari yun. Naisipan kong matulog na lamang. Siguro tama si mama, guni-guni ko lamang yun. Imahinasyon ko lang yun. Iidlip na sana ako ng mapunta ang atensyon ko sa salamin. This time, siguradong hindi na ito guni-guni. Kinusot ko ang mata ko para makasiguradong totoo talaga ang nakita ko.

Pero pagtingin ko sa salamin ay hindi ko na nakita ang nakita ko. Kanina kasi ay biglang naging kulay itim ang salamin. Kanina kasi, hindi repleksyon ng kwarto ko ang nakikita ko kundi isang kulay itim. Itim lahat sa salamin at nagulat ako gayong hindi naman madilim sa loob ng kwarto ko. Katunayan ay bukas na bukas ang ilaw. Kahit anong gawin kong pagpigil sa sarili ko ay diko parin mapigilan ang sarili kong lumapit sa salamin.

Habang lumalapit ako sa salamin ay ganon na lamang ang kaba sa puso ko. Hanggang sa nasa harap ko na ang salamin.

Ganon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin pero ang paligid ng repleksyon ko sa salamin ay hindi ang kwarto ko kundi kadiliman. Nababalot ng kadiliman ang loob ng salamin at nakita ko ang sarili kong repleksyon na nasa loob ng salamin.

Walang akong ibang naisip kundi ang tumakbo. Sunod sunod na lang ang kaba saking dibdib. Halos sirain ko ang door knob ng pinto ng buksan ko ito. Ganon na lamang ang pasasalamat ko dahil nabuksan ko ito hindi tulad nung sa panaginip ko. Pagkalabas na labas ko ay sa kwarto agad ni Rae ang takbo ko. Ganon na lang ang inis ko ng naka-lock ito.

Hindi naman nagla-lock si Rae ng pinto ah. Eh bakit ngayon nag-lock siya? Sumunod na nilapitan ko ay ang kwarto nina mama at papa.

Pero katulad ni Rae, naka-lock din ito. All of the time, bakit ngayon pa sila nag-lock. Inis na inis ako habang pinagpapawisan ng malamig dahil sa matinding takot.

Huli kong nilapitan ay ang kwarto ni kuya pero nabigo din ako.

Aalis na sana ako sa harap ng pinto ni kuya ng biglang may isang malamig na kamay ang pumatong sa balikat ko. Muling nag-unahan naman ang kabog saking dibdib at pinagpawisan ako ng sobrang lamig.

***********************

Salamat po sa mga readers kong ini-add nila sa reading list nila ang story ko.

Sorry if short update lang. Badmood eh, napagalitan kasi ni mudra. Babawi na lang ako next time.

Di ko magawang gumawa ng update ko every night dahil pinangungunahan din ako ng takot. Hehe kung ano ano kasi ang naiisip ko. Kaya every after class lang ako nakakagawa.

Try ko mag-update bukas.

#JustSharingYouKnow

Sino yang nasa likod mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon