Pagkalabas namin ng kwarto ay nagulat kami sa nakita namin. Nasa loob pa ba kami ng bahay? Tila nasa loob kami ng labyrinth dahil sa daming pwede likuan.
Sa sobrang dami ay hindi namin malaman kung alin ang unang tatahakin.
Sinubukan naming buksan ang isang pinto pero ganun na lamang ang panginginig ko ng isang malakas na sigawan ang narinig ko mula sa loob ng kwarto na binuksan namin.
Agad namin ito naisara sa takot at patakbong lumayo sa kwartong iyon.
"Mama, parang hindi na tayo ligtas dito. Pano kung mga multo na lang ang kasama natin dito? Pano kung nakaalis na sina papa kasama ang mga nagpapanggap na tayo?" Nanginginig na sabi ni Joe.
"Wag kang mawalan ng pag-asa anak. Hindi tayo iiwan ng papa mo at ng mga kapatid mo." Alo ko kay Joe para naman di siya mawalan ng pag-asa kahit na sarili ko mismo ay wala ng makitang pag-asa.
Palakad-lakad kami sa dilim at tanging itong maliit na flash light ang nagbibigay saamin ng ilaw.
"Mama tingnan mo oh, parang may hagdan doon pababa. Baka yun na ang hagdan papunta sa first floor." Sabi ni Joe at mapapansin ang kasiyahan sa boses niya.
Agad namin ito tinungo. Tila may pag-asa pa.
Nabuhayan ako ng loob ng makarinig ako ng boses. Hindi ito katulad ng mga kaluluwang naririnig namin kanina. Sigurado akong tao ang may ari ng mga boses na yun.
"Mama bandang doon. Lumiko tayo doon. Doon ko naririnig ang boses." Masayang sabi ni Joe.
"Tara na anak. Baka yun na ang papa at mga kapatid mo." Sabi ko sakanya.
Halos patakbo na kami kung maglakad. Hindi na ako makapag-hintay pa. Gustong-gusto ko na makaalis ng bahay na ito. Gusto ko nang makaalis sa impyernong ito.
Habang palapit kami sa pinupuntahan namin ay mas lalong palakas ng palakas ang mga boses na naririnig namin. Walang nag-sasalita saamin ni Joe. Bawat isa ay nakikiramdam.
Ako man din ay kinakabahan din sa hindi malamang dahilan. Paano kung patibong na naman ito ng babaeng iyon para mas maligaw kami?
Pero hindi. Ito na lang ang pag-asa namin ni Joe.
"Papa, ayun yung pinto! Makakaalis na tayo. Tayo na ate. Dali!" Narinig naming boses ni Rae sa dakong kaliwa namin. Naguguluhan man ay tinungo parin namin ang daan.
Bakit may tinatawag na ate si Rae samantalang kasama ko naman si Joe?
"Mama, halika na. Makakaalis na tayo sa wakas. Tara na po." Dinig ko pang sabi ni Jam. Dinalian pa namin ang kalalakad hanggang sa natagpuan namin ang pinagmumulan ng boses. Nagulantang ako sa nakita.
Paanong nangyari ito? Alam kong sinabi na saakin ni Joe ang tungkol dito pero di ko maiwasan ang magulat. Posible ba?
"Papa! Lumayo kayo sakanila. Nagpapanggap lang yang kami. Kami ang totoo!" Naisigaw ni Joe sa tabi ko. Halata sa boses niya ang inis at galit.
Naagaw namin ang atensyon nila at napatingin sila saamin. "Mga sinungaling! Sino ba kayo?" Sagot ng kamukha ni Joe.
"Papa please! Lumayo kayo sakanila. Hindi sila totoo. Papatayin nila kayo. Papa umalis kayo sa tabi nila!" Nagsisigaw si Joe at halata ang takot sa boses niya. Tila may alam siyang mangyayaring hindi namin alam.
Bago pa ako makapag-salita para kumbinsihin nila ay nagulat na lang ako ng may biglang lumutang sa likod ni Marko. Ang babae! Nakangiti ito saakin ng nakakatakot. Napatingin ako sa bandang kamay niya.
Ganon na lamang ang pangamba ko ng makita ko ang matulis na hawak niya.
Isang kutsilyo! Unti-unti niyang itinaas ang kamay nito habang hawak-hawak ang kutsilyo.
Papatayin niya si Marko.
"Mahal! Umalis ka jan! Papatayin ka niya!" Sabi ko habang patakbong lumalapit kay Marko upang hindi siya masugatan ng babae.
Itutuloy...
_________________________________________
Guys sorry nga pala kung ngayon lang ako nakapag-update. Exam kasi eh. Kaya talagang busy ako sa pag-aaral. Dont worry, clearance na lang talaga ang aasikasuhin ko. Susubukan ko ng mas dalian ang update.
May good news nga pala ako sainyo guys. #73 na tayo sa Horror list. Kaya kapit lang.
#loveLots