Jam's POV
Samantala, patuloy parin kami sa pagtakbo. Hinihingal na kami pero di parin kami tumitigil. Lumingon ako sa likod namin at nakasunod parin samin yung babae. Pero may kakaiba, hindi siya yung nasa sasakyan kanina. Dahil itong sumusunod saamin ay isang matanda.
Bahagya akong natawa sa kabila ng takot na nararamdaman ko. Pano naman kasi ako hindi matatawa? Eh yung matandang nakasunod samin ay paika-ika kung tumakbo.
Hindi ko talaga maiwasan ang hindi matawa. Diba dapat hindi siya tumatakbo? Diba dapat nakalitaw siya kasi kaluluwa na siya? Pero bakit? Bakit hindi ganon?
Nagulat na lang kami ng biglang sumigaw ang matanda. "Hoy! Ano ba? Magsitigil nga kayo. Hindi ako multo! Naku naman oh. Hindi pa nga ako patay, kung tratuhin niyo naman ako ay parang kaluluwa na." Napatigil naman kami sa pagtakbo at sabay-sabay na napalingon sakanya.
Atleast ngayon ay nawala na ang pangangamba at takot ko. "Eh sino ka ba? Tresspassing ka. Pano ka nakapasok?" Singhal na tanong ni papa sakanya. Marahil ay naguguluhan sa presensya ng matanda.
"Pano naman ako hindi makakapasok? Eh nakabukas ang pinto nitong bahay. Kung bakit kasi iniiwang nakabukas. Pangalawa, hindi niyo ko dapat tinatawag na tresspasser. Dahil saamin naman talaga itong bahay." Paliwanag ni lola. Sobrang payat niya at kulu-kulubot na lamang ang balat dulot na rin ng labis na katandaan.
"Panong naging sayo? Eh binili na namin ang bahay na ito. At nasaakin ang mga papel ng bahay na ito." Sagot ni papa.
"Ang nagbenta sainyo ng bahay ay ang anak kong si Rico. Nalulok siya sa droga. At nang wala ng pambili ng droga ay binenta ito nang wala man lang pahintulot sakin. At ang babaeng nanggugulo sa inyo ay ang anak kong si Marrisa." Mahabang paliwanag ni lola.
"Gusto kong malaman niyo na hindi ako kaaway. Tutulungan ko kayong makaalis ng bahay na ito. Ayaw ko nang dagdagan ang mga kaluluwang nakukulong sa bahay na ito." Dagdag pa ni lola.
"Kaluluwa?" Naitanong ko na may halong pangamba. Ibig sabihin ay napapalibutan kami ng mga kaluluwa?
"Oo. Bawat kwartong napapasukan niyo kanina ay libo-libong kaluluwa ang nasa loob nito. Mga kaluluwang nabiktima ng anak kong si Marrisa." Paliwanag ni lola. So tama nga ang hinala ko.
"Pero maitanong ko lang, may gumamit ba sainyo sa kwarto ni Marrisa? Ito lang ang natatanging kwarto na may salamin na nagmumukhang antique?" Tanong niya. Natatandaan kong yun yung kwarto ngayon ni Joe!
"Yung anak ko pong si Joe ang gumagamit no'n ngayon." Agad na naisagot ni papa.
"Naku! Kung sa ganon ay nasa panganib ang iyong anak. Sana ay hindi na niyo iyon pinapasukan. Kung mas maaga sana akong nakabalik, edi sana nabalaan ko na kayo. Pakialaman niyo na ang lahat lahat dito sa bahay, huwag lang ang kwarto ni Marrisa. Iyon ang pinaka-ayaw ni Marrisa." Kinakabahang sabi ni lola. Naalarma naman kami sa sinabi niya.
"Kung ganon ay anong dapat naming gawin?" Naaalarmang tanong ni papa.
"Kailangan natin magmadali at hanapin agad si Joe. Maaring mapahamak siya kapag hindi sila nahanap agad." Paliwanag ni lola.
"Kung ganon ay kailangan na natin magmadali. Tayo na." Agad na sabi ni papa.
"Sandali, hatiin natin sa dalawang grupo para mas madali natin silang mahanap." Suhestiyon ni lola na agad naman namin sinang-ayunan.
Kami ni lola ang magkasama. Si Rae naman at si papa. Katulad kanina ay bawat mabubuksan namin ay may umiiyak. Marahil ay ito na ang mga kaluluwa na sabi ni lola.
Habang tumatagal ay nababawasan na ang takot ko. Medyo nasasanay na ako sa nararamdaman ko. Napatingin ako sa orasan sa cellphone ko. 11:59 p.m.? Bakit ang bilis naman ata?
Habang patuloy naming nilalakad ni lola, bigla kong narinig si papa at Rae. So malapit lang sila. Marahil ay nasa tabi-tabi lang sila.
Tanging ang ilaw ng cellphone ko ang natatanging nagbibigay saamin ng kakaunting ilaw.
Ilang minuto narin ang lumipas ay ganon parin. Wala paring improvement. Tahimik lang kami ni lola. Walang nagsasalita. Bawat isa ay nagmamatyag.
Habang naglalakad kami, napansin kong umaakyat kami. Hagdan? So marahil ay paakyat kami sa 2nd floor ng bahay.
Nakaakyat na kami sa 2nd floor. Bawat pinto na nakikita namin ay binubuksan namin para tingnan kung ito na ba ang kwarto ni Marrisa. Pero wala parin.
Hanggang sa may nakita akong liwanag? Hindi naman ganoon nakakasilaw ang ilaw. Hanggang sa nalaman kong sina papa pala yun.
"Ano? Nahanap niyo na ba?" Tanong ni papa. "Wala eh. Wala parin." Malungkot kong sagot.
Malapit na ko mawalan ng pag-asa ng may marinig kaming sigaw. Nagulat ako dahil nagmula ito sa pinto na nasa gilid lang namin.
Kinabahan na naman ako. Natatakot akong baka kung ano na yang sumisigaw. Buong tapang na binuksan ni papa ang pinto.
Unti-unti...
Dahan-dahan...
Hanggang sa...
"Papa!" Dinig kong sigaw ni Joe ng mabuksan na ang pinto. Agad niya kaming sinalubong at niyakap niya si papa.
"Papa, buti na lang dumating na kayo. Kanina ko pa binubuksan ang pinto pero ayaw mabuksan. Huhuhu! Papa umalis na tayo dito. Natatakot ako." Iyak na iyak si Joe habang sinasabi yan.
Napangiti naman ako dahil sa wakas ay nahanap na namin siya.
"Hindi pa pwede anak. Asan ang mama mo?" Tanong niya rito. Agad naman nag-iba ang ekspresyon ni Joe.
"Papa, umalis na po tayo dito. Nasa panganib tayo. Dahil ang kaluluwa ni mama ay nakuha na ni Marrisa, papa. Kapag nakita tayo ni mama, papaikutin niya lang tayo para hindi tayo makaalis dito. Papa maniwala ka, wala na si mama. Kaluluwa na lang ni Marrisa ang nasa loob ng katawan ni mama." Paliwanag ni Joe.
Napatingin naman ako kay lola para tingnan kung may sasabihin ba siya o kaya ay suhestiyon. Pero ganon na lamang ang gulat ko dahil nakangisi si lola.
Isang ngising nakakatakot. Ngunit bakit?
Itutuloy...
************************************
Maraming salamat sa mga nag-vote nitong story ko. I really appreciate it. Lalo na sa nag-add sa story ko sa reading list nila. Salamat sainyo!!
Love lots!