Xyrile POV
"Nanny! I'm going na!" Sigaw ko kay nanny sabay labas ng pinto ng bahay namin.
Sumakay na ako sa motor ko at pinaandar ito. May pasok kaya kami! Duh!
Anyway ako pala si Xyrile Franchesca Valdez. Kung sa itsura Perfect na ang best description ko. Sa ugali naman lahat na ng masasamang ugali nakuha ko na. Ako pa ba! Proud kaya ako.
Andito na ako sa school ko. Lourdes Academy, malapit lang kasi sa bahay eh. So ayun nag park na ako then pumasok na. Nga pala walang uniform ang school na ito. So ibig sabihin kahit anong damit nalang. Haaay. Magsisimula nanaman ang kaboringan ng buhay ko.
-Lesson-Lesson-Lesson-
Oh diba ang boring! Psh. At dahil boring na talaga nag crumpled ako ng papel then binato ko sa teacher namin na kasalukuyang nagsusulat sa white board.
Boom! Bull's eye! Yeah! Ako pa ba! Humarap yung teacher namin ng dahan dahan at bwahahahaha. Umuusok ang ilong sabay namumula. Laptrep ang itsura!
"Sinong gumawa nito?!" Sabi nung teacher namin. Tahimik lang kami pero dahil proud ako sa ugali ko
"Ma'am ako ang may gawa! Hahaha. Galing ko diba! Bull's eye! Ang boring kasi ng lesson mo eh!" Sabi ko ng nakatayo pa. Ako pa ba!
Nanggigigil na ang teacher namin sa sobrang inis. Hahaha sarap picture-ran! "Ms. Valdez, GET OUT OF MY CLASS! NOW!" Sigaw niya. Aww. Medyo nabingi ako doon ha!
Pero syempre di ako papatalo! Ako pa ba! "Yes! Thank you ma'am! Dapat pala kanina ko pa ginawa yun. Hahaha. Babye ma'am! Bye classmates enjoy niyo lang ang kaboringan okay? Hahaha"
"MISS VALDEZ!!!" ayun napatakbo na ako sa labas ng classroom namin! Hahahaha. Lapterp na masyado ang mukha nung teacher na yun.
Aww ang boring nanaman. Lahat ng estudyante nasa loob ng room nila at nag lelesson. Ako lang ata ang nasa labas. Ako pa ba!
Habang naglalakad ako napahinto ako sa alarm. Yeah! Bright Idea Xyrile! Ikaw na talaga! Kung ako nasalabas, mangdadamay ako! Ako pa ba!
So binasag ko yung alarm at pinindot yun. Isa lang ang ibig sabihin nun kapag pinindot mo ang alarm. May sunog! Bwahahahaha. Nakita ko naman ang paglabas ng mga estudyante sa mga room nila. Ang galing ko talaga! Ako pa ba!
Nang marami na ang nakalabas napatakbo na ako sa may gate ng school namin at nakita kong umalis ang guard kaya naman it's my chance to escape! Ang galing ko talaga! Ako pa ba!
So sumakay na ako sa motor ko at dumeretso sa mall. Yeah. Mag sho-shopping muna ako.
Ako pa ba!
---
A/N: Xyrile Franchesca sa multimedia.
#TMAkoPaBa
Tweet me @Demay_19 using this hashtag! Thanks :)
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Completed]
RomanceA girl who always causes Trouble and a boy who always cares Please give it a try and please do support! Thanks! ^_^ This is my first story on wattpad. :) DATE STARTED: MARCH 13,2015 DATE FINISHED: MARCH 26,2015