Chapter 14 ♥

1.5K 32 0
                                    

Xyrile POV

"Ma'am tama na"

"Huhuhuhuhuhuhuhuhu. Nanny bakit ganun?! Lahat nalang ng napapalapit saakin at minamahal ko iniiwan ako! Si Mommy si Daddy, si Mamita, Lolo Daddy, si Nanay at Tatay. Pati ba naman si Skyler iniwan ako! Dapat ba talaga akong iwan?! Ikaw ba nanny iiwan mo rin ako?! Ha?!"

Pag wawala ko dito sa sala. Pagkaalis ni Skyler dirediretso na ang pagiyak ko hanggang sa nagwala na ako. Iniwan nanaman ako. Ano bang meron saakin at lagi akong naiiwan?!

"Ayoko na! Lagi nalang akong naiiwan. Kapag trouble maker ba destined na laging naiiwan?! Ayoko na!" Patuloy ako sa pagiyak habang nakaupo na sa tiles ng sala

Pagod na ako. Pagod na pagod. Naisip ko rin na bakit kaya may mga taong madaling sumuko? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan at tapusin ang sinimulan nila?!

No man is an island. So hindi ako tao? Bakit lagi akong nagiisa? Nabubuhay akong nagiisa. Baka isa lang akong basura na pwedeng itapon at iwam kung saan lang.

Patuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa napagod na ako at nakatulog
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
--

Kinaumagahan

Inayos ko ang sarili ko. Simula ngayon magiging masama na ako. Hindi ko kailangan ng kasama sa buhay. Ayoko ng masaktan ulit. Twice is enough.

Lalabas na sana ako ng bahay kaso may nakita akong ambulansya sa tapat ng bahay nila Skyler. Hmp. Oo. Curious ako kaya naman pinanuod ko muna.

O.o pinasok doon si Skyler kasama ang Mama niya. Ano kayang nangyari.

Oo na! Nag aalala ako. Kahit papano mahal ko parin naman siya. Kahit masakit.

Sumakay ako ng motor at umalis ng bahay. Sinundan ko yung ambulansya.

Pagkarating sa hospital dali dali akong sumunod sakanila at piansok si Skyler sa E.R. bakit kaya?

Nakita kong pagkatapos kausapin ng Doctor si Tita Grace (mama ni Skyler) naupo si tita at umiyak

Nilapitan ko siya at halatang nagulat siya.

"X-xyrile? Iha. Anong ginagawa mo dito?!" Pagtaakang tanong niya habang pinapahid ang luha niya

"Tita. Ano pong nangyari kay Skyler?"

"Siguro kailangan mo na talagang malaman ang katotohanan."

"Ano po yun?" Katotohanan? Ano naman kaya yun?

"May sakit si Skyler. Mahina ang kaliwang kidney niya at hindi na nag fa-function. Lumalala na rin kasi. Ba-baka. Baka. Ku-kunin na siya saakin."

Bigla akong napaupo at dirediretso ang luha ko dahil sa narining ko. Si Skyler, kaya niya ba ako iniwan para hindi ko masaksihan ang pagkawala niya? Para ba pag nawala siya okay nalang saakin kasi galit ako sakanya. Skyler naman ehh!!

"Tita, ano po bang kailangan para mabuhay siya??"

"Kidney transplant. Matagal na kaming naghahanap ng donors pero wala kaming mahanap."

"Tita, ako po. Yung kidney ko po ang idodonate ko."

"Iha. Wag. Hindi ko naman hahayaan na yung taong mahal na mahal ng anak ko ang magdodonate. Magagalit yun."

"Eh di wag niyo nalang po ipaalam. Ako na ping bahala. Mahal ko po ang anak niyo at hindi ko siya hahayaang mamatay nalang ng wala akong ginagawa."

Pagkasabi ko nun pumunta kami sa doctor at nagpatingin kung mag ma-match yung akin sa kanya.

Nag match naman ito kaya ini-schedule na ang operation. Kaya namin ito. Lalaban kami. Alam kong magiging successful ito.

--

#TBKidney

Thanks for reading! :) ♡

Xyrile on the multimedia yung umiiyak siya kasi iniwan siya ni Skyler.

Trouble Maker [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon