Chapter 7 ♥

1.8K 57 3
                                    

Skyler POV

Hinabol ko si Xyrile hanggang sa parking lot.

"Xyrile." Sabi ko sabay hawak sa magkabilang braso niya.

Inalis naman niya ang kamay ko at nagulat ako nang binagsak niya ang helmet niya.

"Ano bang problema mo! Pwede bang tantanan mo na ako! Sorry na sa mga ginawa ko sainyo ng mama mo! Kaya please, tigilan mo na ako"

Lumapit ako sakanya at pinunasan ang luha niya. Halata namang nagulat siya. Di niya siguro namalayan na tumulo na pala luha niya. Kaya naman niyakap ko siya.

"Nararamdaman kong may problema ka. Kahit na ganyan ang ugali mo alam kong mahina ang puso mo at malungkot ka. Sige sabihin mo lang. Nakikinig ako."

Bigla naman siyang napahagulhol. Niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"Waaaaa huhuhuhuhu. Ka-kasi kanina hindi mo ako hinabol nung nag walkout ako!" Pfft. Gusto kong tumawa. Hahahahahaha. Eh akala niya ba hahabulin ko siya. Haaayy nako. Pinipigilan ko lang tumawa eh.

"Tapos ginising ako ng bwisit na babae yun eh ang ganda ganda ng panaginip ko!" Hahahaha. Ang babaw naman ng dahilan niya.

"Ano ba kasi yung panaginip mo?" Tanong ko.

"Ikaw! Yung ang sweet mo saakin tapos ganun din ako tapos gigisingin niya lang ako. Psh. Hooy wag kang assuming nagusto kita. Panaginip lang yun!" Natawa nalang ako sa sinabi niya. Iba talaga tong babaeng ito.

"Tapos nainis ako nung nakita pa kita! Tch. Tapos naiinis ako sa sarili ko kasi di ako makalaban sayo nung inaasar mo ako. Ewan ko na kung anong nangyayari saakin tapos makikipagkaibigan ka pa eh naguguluhan na nga ako!"

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan naman ang luha niya.

"Hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko. Dapat naiinis ako sayo. Pero unti unti kong na-appreciate ang ganda mo. Tapos natutuwa ako kapag naasar kita. Tapos gusto kitang halikan kanina. Kaso naalala ko yung ginawa mo sakin at kay mama. Tapos ngayon gusto kong makapasok sa buhay mo at ngayon kino-comfort kita imbis na gantihan kita." Pag aamin ko sakanya. Ewan ko ba. Parehas kami naguguluhan sa nararamdaman namin

"Skyler." Kinuha niya ang kamay ko at nakaramdam ako ng paglakas ng tibok ng puso ko. Inilagay naman niya yun sa kaliwang dibdib niya.

"Skyker. Abnormal ang heartbeat ko." Sabi niya

"Xyrile." Kinuha ko rin ang kanang kamay niya at inilagay sa dibdib ko.

"Xyrile. Abnormal din ang heartbeat ko." Sabi ko sakanya

"Skyker. Punta tayo sa hospital. Baka may sakit tayo parehas sa puso." Sabi niya.

Natawa nalang ako. Ang slow naman niya. Hahahaha. Di niya ba magets na kaya nagiiba ang nararamdaman namin tsaka abnormal ang heartbeat namin eh dahil gusto namin ang isa't isa.

Sasakayan ko na muna ang pagpunta sa hospital. Baka hindi pa siya handa. Handa naman akong ipaglaban itong nararamdaman ko. Hangga't buhay pa ako.

"Tara punta tayong hospital" sabi ko nalang ng nakangisi.

---

#TBHeartbeat

Tweet me @Demay_19 using the hashtag. :) Don't forget to follow me for updates and please vote! Kamsa~ :)

P.S: Skyler and Xyrile on the Multimedia. Yung part na pinunasan ni Skyler ang luha ni Xyrile. ;) ♡

Trouble Maker [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon