Chapter 13 ♥

1.4K 34 0
                                    

Sorry late Update. Busy much eh.

---

Skyler POV

Mahigit isang linggo rin ako sa hospital. Haayy. Di man lang ako nakapunta sa usapan namin ni Xyrile. Tsaka di ko man
lang siya na contact.

Nag aalala man lang ako sakanya kasi ayoko siyang magalala saakin. Di naman magulo diba?

Dahil kakadischarge ko palang sa hospital di muna ako papasok.

"Anak. Sa tingin ko kailangan mo ng itigil ang panliligaw mo kay Xyrile." Sabi saakin ni Mama habang nag aayos ng gamit ko

"Ma, ayoko." Sagot ko naman

"Gusto mo bang masaktan si Xyrile sa pag aasang liligawan mo ulit siya? Gusto mo bang pag naging kayo mahirapan siya?" Sunod sunod na tanong ni Mama

"Ayaw." Tanging nasagot  ko

"Yun naman pala eh. Kahit masakit kailangan mong i-let go ang mahal mo upang hindi sila masaktan" sabi ni mama sabay tinapik ako sa balikat

"Alam kong kakayanin mong mawala siya, para sakanya rin naman ito eh. Tsaka andito lang ako anak." Sabi ni mama sabay ni yakap ako at umalis na.

Ito na talaga ang tamang oras para sabihin kay Xyrile. Nag ayos ako ng sarili at pumunta sa bahay nila.

"Manang si Xyrile po?" Pagtatanong ko sa katulong ni Xyrile na siyang lumabas ng mag doorbell ako

"Wala po si Ma'am. Nasa school po."

"Babalik narin po ba siya?"

"Ahh oo. Maaga ata siya makakauwi. aantayin mo ba? Pasok ka iho." Sabi niya sabay niluwagan ang gate at pumasok ako
.
.
.
.
.
.
.
.
-Two hours later-

"Nanny, I'm home!!" Masiglang pumasok si Xyrile sa bahay nila. Di niya ata ako napansin

"Ma'am! May bisita po kayo! Nasa sala po" Salubong agad ni Manang sakanya

"Skyler?!" Pagtatakang tanong niya pagkarating niya dito sa sala

Tumayo ako at nilapitan siya. Yayakapin ko sana siya kaso sinuntok niya ako. Oo! Sinuntok niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Pero bago ako sumagot tumayo muna ako

"May gusto lang akong sabihin sayo" seryoso kong sabi pero tinaasan niya lang ako ng kilay

"Xyrile. Gusto ko ng tumigil" panimula ko. Kahit ayokong sabihin kailangan

"Anong pinagsasabi mo dyan?!" Pagtataray niya

"Gusto ko ng itigil ang panliligaw. Gusto ko ng lumayo sayo. Di ko na kayang makasama ka. Ayoko ng---"

*paakk*

Bigla akong napatigil dahil sinampal niya ako

"At bakit?! Dahil pagod ka na?! Sawa ka na sa ugali ko?! Di mo na ako kayang tiisin?! Narealize mo bang di ako karapatdapat na mahalin?! Sa ilang araw ba na hindi mo ako nakasama may nahanap ka ng iba?! May mas gusto ka na ba kesa saakin?! Ha?! Sagutin mo ako!" Pinaghahampas niya ako sa dibdib habang umiiyak

Gusto kong yakapin siya at punasan ang mga luha niya. Pero mas tatatagan ko ang sarili ko.

Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay ng mahigpit.

"Ano ba!" Sigaw ko sakanya "Lahat ng sinabi mo tama. Ayoko na sayo. Sawa na ako sayo. Ano pwede na ba kitang iwan?" Sabi ko sakanya ng mahinahon lang

"Ganun na lang pala kadali sayo. Sige! Iwan mo ako! Tanggap ko na na walang nagmamahal saakin. Tanggap ko na na lahat ng nakakasama ko at minamahal ko iiwan lang din ako. Sige na. Umalis ka na sa pamamahay ko! Umalis ka na sa buhay ko! Wag na wag mo na akong babalikan pa! Umalis ka na! Alis!" Umiiyak na sabi niya

Binitawan ko ang kamay niya tsaka lumabas ng bahay nila. At dun nag simula akong umiyak. Dirediretso ako hanggang sa kwarto ko na umiiyak.

Sabihan niyo ng ang bakla ko naman pero di ko kaya ang sakit. Gusto kong umiyak dahil sa frustration. Bakit ako pa! Bakit saakin pa nangyayari ang mga gantong bagay.

Wala ba akong karapatang mamuhay ng matiwasay at masaya? Bakit ngayon pa lumala kung kelan nahanap ko na ang mahal ko. Bakit?

Andami kong tanong na hindi ko malaman ang sagot. Buong araw umiyak lang ako ng umiyak. Hanggang sa hindi ko nanamalayan nakatulog na pala ako kakaiyak.

--

#TBBakit?

Thanks for reading! :) Sorry short UD lang ;)V

Skyler in the multimedia habang umiiyak.

Trouble Maker [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon