Xyrile POV
--Kinaumagahan--
"Ano-ahh-ano-Xy-Xyrile-ano. Uhmm. Ahh---"
"Sasalita ka ng tuwid o tatapyasin ko yang bangs mo?! Ano ba yun?!
Nandito ako sa room tapos may lumapit sa aking babae. Kaklase ko ata ito. Wala akong paki. So yun na nga. Yan ang approach saakin. Tss. Di makasalita ng tuwid eh!
"Uhh. Ano pinapatawag ka sa Dean's Office. Ngayon na." Sabay karipas ng takbo. Psh. Nakakatakot ba ako?! Sa ganda kong to.
Pumunta na akong Dean's Office. Haayy nako. Papagalitan nanaman lang ako dun. Parang Guidance Office lang nung Highschool eh.
"Ma'am. Ano pong kailangan niyo sa akin?" Tanong ko as I entered the office
"Oh ayan ka na pala Miss Valdez"
"Hindi anino ko lang ito. Psh." Bulong ko sa sarili ko. Nakita na ako ito masabi pa.
"Wha't did you say?" Tanong niya
"None of your business. I mean nothing ma'am. Uhmm. Ano pong kailangan niyo?"
"Maupo ka. Kahapon ikaw ba ang nagpa alarm ng fire alarm kahit wala namang sunog?"
"Kapag sinabi ko po bang hindi ako maniniwala kayo? Diba hindi naman! Kasi po simula 4th year highschool ko dito hanggang ngayon yun ang tingin niyo sa akin eh! Psh. Eh di ako na may gawa. Maalis na ako ma'am dahil alam kong suspension nanaman ito." Pagdadrama ko sa Dean. Hahahaha. Ayun tumayo na ako akmang lalabas na ng office ng biglang nagsalita yung Dean.
"Miss Valdez. Kung hindi ikaw ang nag gawa nun. Papaimbestiga nalang namin. Sorry Miss Valdez if I offend you"
Hahahahahahahahaha. Gusto ko ng humagalpak ng tawa nagpipigil lang ako! Hahahahahaha.
"Pfft. Uhmm. It's okay Ma'am. Can I go?"
"Okay Miss Valdez. Thank you and sorry again."
Ningitian ko nalang yung Dean tsaka lumabas na sa room.
"Hahahahahahahahahahahaha." Humahagalpak ako ng tawa habang naglalakad. Hooo! Laptrep. Napaniwala ko yung Dean. Galin ko talaga! Ako pa ba!
"Transfer ka?!"
May narinig akong boses sa may lumang bodega ng school. Medyo malapit rin ito sa Dean's Office
Lumapit ako dun at nakita ko yung 3 lalaki na may binubully atang transfer.
"Amin na pera mo jan! Mukha ka namang mayaman! Ibibigay mo o bubugbugin ka namin?!"
Narinig ko pang sabi nung 3 bully. Psh. Ako lang may karapatang mambully.
Lumapit ako sa eksena
"Hoy kayong 3! Magnanakaw ba kayo at hinihingi niyo ang pera ng-- SKYLER!"
O_O Si Skyler yung binubully ah! Psh. Bakit di siya lumalaban!
"Hooy babae! Huwag ka ngang mangialam dito!" Sabi nung isang pangit.
"Eh ako lang ang may karapatang mambully no! Psh. Basagin ko mga eggs niyo eh!"
"Anong sabi mo?!" Sabi nung isang chaka
"Bingi lang?! Psh."
"Miss maganda ka. Pero wag mo kaming pakialaman dito. Di kami pumapatol sa babae" sabi naman nung isang shonget.
"Eh ako pumapatol sa lalaki! Lalo na kapag pangit!" Sabi ko sabay sinugod sila.
Sinuntok ko yung pangit sa baba niya sabay siniko ko ang tyan nung chaka at tinuhod ko naman ang eggs nung shonget. Boom!
"Ano?! Lalaban kayo ha!? Lumuhod kayo!" Utos ko dun sa tatlo. Lumuhod naman sila.
Kumuha ako ng bato at pinalo ko sa ulo nila isa isa.
"Sa susunod na manbully ulit kayo. Hospital ang patutunguhan niyo! Ako lang may karapatamg mambully! Intindi?! Umalis na kayo!!" Nagsitakbuhan naman silang tatlo. Psh. Wala naman palang binatbat!
Hangga na ba kayo sakin?? Syempre ako pa ba! Tinuruan rin ako ni Daddy ng Self defense nung 12 ako hanggang 14.
Nilapitan ko si Skyler. Nakakabwisit din tong lalaking to. Di na nga pinagtanggol sarili niya tapos naka poker face lang ngayon. Tch.
"Hooy. Bakit di ka lumaban!?" Tanong ko sakanya
"Hindi ako pumapatol sa mga di ko kalevel."
"Di pumapatol! Ang sabihin mo bakla ka lang! Ahhh~ bakla!" Pang aasar ko sakanya. Hahahaha. Baka kasi bakla. Sayang gwapo pa naman.
O_O lumapit kasi siya saakin. As in lapit na malapit na ang katawan namin tsaka mukha
"Ako ba ang sinasabihan mong bakla?"
"Hindi sarili ko! Malamang ikaw! Alangan naman ako eh babae ako. Psh." Wala ring common sense tong isang to eh. Syempre di ako papatinag. Ako pa ba!
"Bakla pala ha." Nilapit pa niya mukha niya sa mukha ko.
Napapikit naman ako. Waaaa~ hahalikan ba niya ako?
*took*
"ARAY!" Napasigaw ako.
"Hahahahahahahahahaha. Akala mo ba hahalikan kita? Hahahaha. Asa ka! Hahahaha."
Urgh! Naisahan niya ako doon ah! Pinitik niya kasi noo ko! Ansakit pa naman. Psh.
Nag expect pa naman ako.
Oo! Inaamin ko! Nag expect ako na hahalikan niya ako. Pipitikin lang pala! Psh.
--
#TBKiss
The next Update will be post kapag naka reach ng atleast 3 votes man lang ito. Hahahaha. :) Thanks Guys! :)
Follow me on twitter: @Demay_19
Tweet me using the hashtag. Thanks!
Please continue to support and don't forget to vote. :)
Kamsahamnida Chingu! :) <3
BINABASA MO ANG
Trouble Maker [Completed]
RomanceA girl who always causes Trouble and a boy who always cares Please give it a try and please do support! Thanks! ^_^ This is my first story on wattpad. :) DATE STARTED: MARCH 13,2015 DATE FINISHED: MARCH 26,2015