19th Shot
"Seryoso ka ba dito Gracie?" Nasambit ko pagkalabas ko ng fitting room. Nakatuon ang tingin ko sa floral dress na pinasuot niya sa akin.
"Mukha ba akong nagbibiro? Bilhin mo yan now na. Period."
"Eh tutorials ang gagawin namin hindi date."
"Bakit? Bawal bang mag dress pag nag-aaral? Tsaka pagbigyan mo na nga ako kung gusto kitang bihisan. Na bo-bored ako eh." Pagkatapos ay sinenyasan nya na akong bumalik sa loob na para bang nagtataboy ng aso. Ambait lang talaga.
Namili pa kami ng sapatos at accessories. Pagod na pagod ako kakapili pero enjoy naman lalo na at libre. Ano kayang espiritu ang sumapi sa bestfriend ko at namimigay ng grasya ngayon? Ang swerte ko talaga sa kanya!
"Gracie andami na nating nabili ang saya-saya ko! Thank you! Pakiss nga!" At pinahaba ko ang nguso ko para halikan siya pero agad din siyang umilag.
"Kiss my butt Pica." Pagtataray naman nito pero alam kong natatawa siya.
"Oy! Isusuot mo yang dress na pinili ko sa birthday ko ha? Wag kang mag inarte dyan kundi pepektusan kita!" Pagbabanta ko sa kanya, namili rin kasi kami para sa kanya.
"Tss... fine."
Tumunog naman bigla ang phone ko kaya dali-dali ko itong kinapa sa bag ko. At ilang sandali akong napatitig doon nang ang pangalan ni Rence ang bumungad sa akin.
Rence :
Meet me. I'm at the school library.
"Gracie this is it." Wala sa sarili kong nasambit.
---
"Hey? Nakikinig ka ba?" Nabalik ako sa katinuan nang iwinagayway ni Rence ang kanyang kamay sa mukha ko. Diko man lang namalayan na naka-nganga na pala ako.
"Ah! Oo. Ano kasi eh.. S-seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?" Pakiramdam ko hindi na ako humihinga sa mga sandaling ito. Kabadong-kabado ako dahil sa sinabi niya.
"Yeah. Kung hindi natin gagawin yun mahihirapan tayo mag succeed sa goal natin. Nakasalalay dito ang grades ko. I won't let you to be the reason of my failure." Dire-diretso nitong sagot.
Ang gusto kasi niyang mangyare ay either maki-sleep over ako sa kanila o siya sa amin. Para daw puspusan ang sessions namin dahil malapit na ang exams.
Anong kabutihan ba ang ginawa ko at mukhang inuulanan ata ako ng swerte ngayon? Parang kanina lang yung pag da-drama ko sa harap ni Gracie!
"G-ganun ba. Ahm.. Ikaw na lang ang bahala san mo gusto." Kinakabahan kong sagot pero sa totoo lang gusto kong tumayo at sumayaw pero naalala ko nasa library pala kami.
"Alright then sa bahay tayo. Ihahatid muna kita sa inyo para kumuha ng gamit mo." Ma awtoridad niyang sinabi saka tumayo at naglakad. Agad naman akong sumunod dahil mukhang wala itong balak na antayin ako.
Ako. Kasama si Rence. Sa kotse. Papuntang bahay namin. Sa kanila matutulog.
PWEDE NA AKONG MAMATAY!
"Aray!" Habang naglalakad sa parking lot ay bigla na lang akong nadapa. Aray kupu! Mukhang ambilis namang tinutupad ng hiling ko!
"Joke lang po! Ayaw ko pang mamatay!" Sigaw ko ng nakapikit habang pinatalikop ang aking mga kamay para mag dasal.
"What are you doing?"
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita ang nakakunot noong mukha ni Rence na nakatayo sa harap ko.
"Ahh.. wala. Nagdasal lang ako na walang mangyaring masama satin sa byahe." Tumayo na ako at pinagpagan ang tuhod kong nadumihan na dahil sa pagkakadapa. Buti na lang at hindi nagkasugat.
Mas lalong kumunot ang noo nya sakin at saka umiling.
"Pupunta lang tayo sa bahay nyo hindi sasali sa car race." Aniya at tumalikod papuntang kotse nito.
Napalunok ako. Mukha na akong tanga, great!
![](https://img.wattpad.com/cover/2548465-288-k464220.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Number One Stalker
RandomShe love him. He doesn't knew her. All her high school life was spend on stalking him. He doesn't have any idea about it.... maybe? What will happen when someday, destiny will join on their life and play with them? Join Pica on her journey as she fu...