9th Shot

100 4 1
                                    

Please vote and leave your comment! :)

*****

9th Shot:

Gracie’s P.O.V:

Nasa cafeteria kami ngayon ni Pica dahil lunch time na. Pagkatapos um-order ay pumunta na kami sa usual spot na kinakainan namin. Mukhang nasa normal mood na ang best friend ko ngayon kasi gaya nga dati, pang tatlong tao ang inorder nya.

“Welcome back Pica! Mukhang tapos na ang problema mo ah, alam mo bang na-miss ko yang appetite mo! Good thing stress free kana! Congrats!” sabay palakpak sa kanya.

“Ang haba naman ng speech mo ‘te! Ikaw ata ang dapat kong palakpakan!” tapos ay pumalakpak din sya.

“By the way, balita ko si Rence daw ang naghatid sayo sa Clinic kahapon. Ano ‘te ni-rape mo na ba? Buntis kana?”

“Gusto mong batukan kita? At walangya ka Gracie! Ba’t dimo man lang ako pinuntahan? Ba’t hinayaan mo na sya ang mag bantay saakin?”

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya. Seriously, si Pica ba itong kausap ko? Diba dapat nag si-celebrate na sya kasi nakasama nya si Rence sa clinic? Anong nangyayare sa Earth ngayon? O_O

“May lagnat ka ba Pica? O may nasirang turnilyo dyan sa kokote mo? Ay mali pala, baka naman naayos na rin sa wakas ang mga sirang turnilyo ng utak mo! Congrats Pica! Hindi kana abnormal!”

“Gracie naman eh! Hindi mo kasi alam ang nangyare kahapon! Huhuhu!” tapos umakto itong umiiyak.

“Anyare?”

“Sinabihan ko sya ng kung anu-ano.”

“Anong ‘kung anu-ano’?”

“Basta!” saka pinatong ang ulo nito sa table.

“Ako na ang pinaka-nakakahiyang babae! Kill me now Gracie! Kill me!”

“Walang kutsilyo dito, next time na lang.” biro ko sa kanya. Di nya yun pinansin at napabuntong hininga na lang sya. Mukhang hindi pa pala tapos ang problema ng isang ‘to. Stress na naman eh.

Naagaw naman ang atensyon ko sa nang biglang nag kumpulan ang mga babae sa may pinto ng cafeteria. Maya-maya, iniluwa mula sa kumpol na yun ang isang barkada mula sa First Section ng Seniors- sina Mark, Ace, Adrian, Joseph at ang ultimate crush ni Pica na si Rence. Naging kaklase ko sila noong nasa First Section pa ako pero unlike sa ibang mga babaeng nandito sa campus, hindi ko sila gusto. I mean, diko sila type. Ewan nga at anong nakita ng mga babae sa kanila at tinuturing silang heartthrob! Pwe!

“Speaking of the devil este your prince charming, ayan na pala sina Rence oh!” sabay turo table kung saan naroon ang barkada nina Rence.

Napa-angat agad ng ulo si Pica nang marinig ang sinabi ko at nang makitang nakaturo ang hintuturo ko ay agad nya itong hinila pababa.

“Ano ka ba naman Gracie! Wag mo syang ituro baka mapansin tayo!”

“Bakit ba? Akala ko ba gusto mong mapansin ka ng Rence nay un. Don’t tell me ayaw mo na sa kanya, mag si-celebrate talaga ako!”

“Malabo yang sinasabi mo Gracie. Basta din nya ako pwedeng makita. Not now.”

“Ano ba talaga ang nangyare? Na wi-weirduhan na talaga ako sa ha.”

“Iku-kwento ko na lang sayo mamaya basta bilisan mo na lang dyang kumain para makaalis na tayo.”

“Baka gusto mo yang sabihin sa sarili mo Pica? I-compare mo naman yang mga in-order mo at yung saakin. Ikaw ang mag madali.”

“Ok fine! Fine! Shut up kana dyan baka makita pa nya tayo.”

Seriously! Ano ba talaga ang nangyare?

“PIKACHU!”

Naplingon agad kami ni Pica sa isang lalaking sumigaw na ngayon ay tumatakbo sa direkyon namin. Sinong tinawag nya? Si Pikachu? Napadpad na pala ang mga pokemon dito? O_O

Nagulat na lang ako nang bigla itong umupo sa tabi ni Pica at hinawakan nya ito sa magkabilang balikat. Aba! Minamanyakan nab a ng gwapong nilalang na ito ang kaibigan ko?! Pwes kahit gaano pa ka-cute ang isang ‘to, hindi ko hahayaang basta-basta na lang nyang hahawakan ang kaibigan ko!

“Hey sino---“

“Pikachu ok ka lang ba? Nasaktan ka ba? Narinig kong na-collapse ka raw kahapon. Shit! Bakit kasi um-absent pa ako!”

O__O?

“Ah Cedric ok lang naman ako eh.” Sagot naman ni Pica saka napatingin sa paligid. Nailibot ko na rin ang tingin sa mga estudyanteng nandito sa cafeteria at karamihan ay nakatingin sa direksyon namin. Maging yung mga kabarkad ni Rence ay napatingin na rin sa amin. Except kay Rence. What do you expect sa isang Rence Paul Florencio.

“Sigurado ka? Hindi ba nauntog ang ulo mo?”

“Excuse me, hindi mo ba narinig yung sinabi ni Pica? Ok lang nga daw sya. Wag ka ngang O.A.” singit ko. Napatingin naman ito saakin ng naka-kunot ang noo.

“Sino sya Pikachu?”

“Ah sya si Gracie, best friend ko.” Sagot naman ni Pica.

Tinignan lang nya ako ng ilang segundo habang naka-kunot ang kanyang noo at pagkatapos ay binalik ang tingin kay Pica. Problema nya?

“Kung alam ko lang naman Pikachu na kakanta ka pala on stage kahapon, hindi na talaga ako umabsent.”

“Talaga—“

Diko na pinatapos ang sasabihin ni Pica at sumingit na ulit ako.

“Hay naku, ayos lang yan kay ay Pica noh! Wala yang pakialam kahit hindi ka nakapanood. Akalain mo ba naman si Rence Paul ang ka-duet nyan kahapon. At sya rin ang nag hatid kay Pica sa clinic. Kaya asahan mong tumatalon na ang puso nyan sa tuwa.”

“Gracie!”-Pica

Nakita ko naman ang biglang pag iba ng expression ni Cedric.  Parang bigla syang nalungkot.

“Hindi naman yun ang mini-mean ni Gracie eh. Syempre matutuwa ako kung nanood ka kahapon.” Sabi ni Pica sa kanya.

“Talaga?” bigla namang sumigla ang mukha ni Cedric at parang may lumabas ng stars sa mga mata nya.

“Tss, naniwala ka naman.” Pabulong kong sabi pero parang narinig naman nya.

“Hoy ikaw!” bigla itong tumingin saakin.

“Gracie ang pangalan ko hindi ‘hoy’ at mas lalong hindi ‘ikaw’.”

“Who cares? Sinong tinutukoy mo Rence Paul ha?!”

Tinaasan ko lang sya ng kilay at hindi nag salita. Bahala sya sa buhay nya!

“Hey! Tinatanong kita, SINONG RENCE PAUL  ANG TINUTUKOY MO?” inis nitong tanong.

Walangyang lalaki ‘to! Ipagsigawan ba naman?! Nakita kong napa-face palm na si Pica at alam kong nangangamatis na ang mukha nyan. Napatingin narin ako sa paligid, pinagtitinginan na naman kami!

“Pakialam mo ba---“

“What do you want from me?”

Napalingon naman kami sa likod at nakita ang nakatayong si Rence na nakatingin samin. Bored ang mukha nito habang nakapamulsa. Napatingin naman ako kay Cedric, naka-smirk ito habang nilalabanan ang titig ni Rence.

Oh my gosh! I can sense that something bad is about to happen.

I'm His Number One StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon