15th Shot

80 5 1
                                    

15th Shot

Pica

"Hue! Hue! Hue! Wag ka namang magalit sa akin!" Paki-usap ko kay Rence pagkatapos nya akong pagalitan.

"Akala ko ba kanina sabi mo nakikinag ka sa explanation ko. Eh bakit hindi mo ito nasagutan?" Gigil parin nyang tanong.

"Eh mahirap eh! Hindi ko maintindihan."

"Eh di sana sinabi mo sakin kanina para naturo ko pa sayo nang maayos." Medyo mahinahon na nyang saad.

"Sa nahihiya akong sabihin, baka isipin mo super slow na talaga ako." Para akong batang nag rarason sa magulang kung bakit ako nang agaw ng laruan. Nakakawala ng poise!

Napabuntong hininga sya sa sinabi ko.

"Hindi ko naman yun sasabihin. Okay, let's continue. Isang example na lang ang ituturo ko, masyado nang late."

Tumango na lang ako sa sinabi nya kaya nagsimula ulit kami sa aming tutorial. Sinubukan ko talagang makinig at hindi ma-distract kahit na ang tutor ko ay talagang nakaka-distract.

"Osige, mukhang gets mo na. Try answering this one." Sabi nya saka sulat ng isang equation.

"Ha? Naku di ko pa masyadong ma-gets ang process. Hindi ko kayang isolve kung ako lang."

"Kayanin mo. Just take a shot, here." At nasaharapan ko na ngayon ang pinapa-solve nya.

Kung nakaka-nose bleed lang ang mga numero eh talagang na nose bleed na ako.

"Hindi ko ito kayang isolve!" Reklamo ko

"Eh hindi mo pa naman sinusubakan."

"Kasi naman eh... Sabi nang hindi ko pa kaya..." Pagmamaktol ko pero sa mahinang tono.

"May sinasabi ka?"

Patay mukhang narinig pa ata ako.

"Wala wala. Iso-solve ko na."

*basa*

*isip*

*solve*

*after 10mins*

"Uwaaah! Hindi ko talaga makuha!!" Diko na napigilang mapasigaw.

"Oy! Wag kang sumigaw. Baka may makarinig sa atin ano pang isipin. Tara na nga. Let's go home. This will serve as your assignment. Try solving it at home."

Yun lang at umalis na sya. T-teka! Wag mo akong iwan dito! Gabi naa!

Nagmadali akong nagligpit ng mga gamit at agad na lumabas ng classroom saka patakbong tinungo ang madilim na hallway. Sana naman hindi pa sya nakakalayo.

"Rence! Anjan kapa ba? Rence?" Tawag ko sa madilim na pasilyo. Kainis naman oh, iniwan na talaga ako.

Bigla naman akong nagulat nang maramdamang may nakasunod sa akin. Sisigaw na sana ako nang mapansin kung sino iyon, si my labs pala! Hinintay nya ako? Ang sweet!

"Akala ko nauna kana. Salamat sa paghihintay." Saad ko na pinipigil na hindi magti-tili.

"Sinong nagsabing hinihintay kita? May kinuha lang ako sa kabilang classroom." Kunot-noo nitong sagot. Napaawang naman ang bibig ko. Again Gracie, napahiya kana naman. Ugh.

"Ah ganun ba, s-sorry!"

Hindi na nya ako pinansin at naglakad lang tuluyan. Nauuna na na itong maglakad.

"Wait! Pasabay sayo pwede? Natatakot kasi akong mag-isa." Patakbo ko syang hinabol at tinignan kung anong reaksyon nya. Hindi nya ako sinagot. Silence means yes!

Sumabay na nga ako sa kanya sa paglalakad. Tahimik lang kami kaya na o-awkward talaga ako. Dapat maka-isip ako ng topic!

"Ahh, mahilig ka bang magluto Rence?" Really Pica? Really? Yun talaga ang naisip mong tanong? Well sa tagal kong pagiging stalker ito yung diko alam tungkol sa kanya. Kung nagluluto ba sya.

"..."

Wag ka nang mabigla Pica kung hindi sya sumagot. Masyado kasing may sense yung tanong mo.

"I don't like cooking but I do baking. I like sweets." Mahinan saad nya pero sapat na para marinig ko. Sinagot nya ako?! As in? Kyaa!

Hindi agad ako nakasagot dahil sa gulat at tuwa. OMG! Kinakausap nya ako!

"You find it gay aren't you?"

Nagtaka na lang ako nang tumigil sya sa paglalakad at bigla na lang hinarang ang daanan ko. Naka-kunot ang noo nito pero hindi sya mukhang galit. Nag-aalala sya na ewan.

"Ha? Ang alin?" Nagtataka kong tanong. Medjo nati-timang pa ako dahil ang lapit ng mukha nya sakin. Kitang-kita ko ang features ng mukha nya kahit madilim na ang paligid. Simula sa clean-cut nyang buhok, sa makakapal nyang kilay, matangos na ilong, kulay brown nyang mga mata at pulang-pulang lips! Ano ba yan! Nakakaduling!

Tinitigan lang nya ako ng maiigi na parang may hinihingi syang sasabihin ko. Ano ba ang dapat na sabihin ko? Naba-blanko na nga ang utak ko dahil sa titig mo!

"Ugh! Never mind. I'm going home." Binitawan nya ako saka tumalikod at lumakad palayo.

"Sandali!"

"Wag kang sumabay." Nilingon nya pa ako nang sabihin yun. Napanguso tuloy ako.

Hinabol ko nga para masabayan. "Bakit naman?"

"You're so noisy, geez."

"Hindi na ako mag-iingay! Pasabay na please! Grabe hindi kaba naaawa sa akin? Nakakatakot kaya maglakad."

"At bakit naman ako maaawa? You're big mouth will surely scare the hell out of the monsters." Atsaka tumawa pa sya ng malakas, yung tawa na malutong. Grabe first time to! As in! Boses pa lang ang swabe na! Nakaka-inlove!

"Ahem.." tumigil sya sa pagtawa at naging seryoso ulit ang aura. Nabalik naman ako sa ulirat mula sa pagkakatulala ko. Pero nagri-replay parin sa utak ko yung tawa nya. Aynaa! Sana nakunan ko yung tawa nya para ay remembrance!

I'm His Number One StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon