Credits to Allysonjane_ for the cover
Thank you!
17th Shot
Magdamag akong hindi nakatulog dahil sa sinabi ni Cedric. Seriously? Gusto daw nya ako? Bakit? Ano naman ang nagustuhan nya sakin? Nung una ay tinawanan ko pa ito, iniisip na nagbibiro lang sya.
"Nakuu! Mukhang nagkakasinat kana dahil sa ulan. Kung anu-ano na ang sinasabi mo. Patingin nga ng temperature mo." Hinawakan ko pa ang noo nya at ang kabila naman ay ang noo ko. Pinagkumpara ko ito pero hindi naman ganoon ka init ang balat nya, malamig pa nga dahil sa ulan.
"Pica..." tinanggal nya ang pagkakapatong ng kamay ko noo nya at hinawakan iyon. Nagulat ako sa ginawa nya kaya napatunganga ako at nalaglag ang panga. Tama ba yung narinig ko? Tinawag nya akong Pica at hindi Picachu?
Mukhang seryoso talaga sya kaya naman nakaramdam ako ng kaba. Seryoso nya akong tinitigan kaya naman biglang uminit ang pisngi ko. Binawi ko sa kanya ang kamay ko na binitiwan naman sya.
"Uhm.. Cedric. Ano eh. Ginu-good time mo ba ako? Awat na nga, diko gusto ang biro mo." Nakayuko kong saad. Hindi sya sumagot sa sinabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Malungkot nya akong tinititigan kaya naman may kung anong kirot ang naramdaman ko sa dibdib ko. Seryoso ba talaga ito? Hindi parin ako naniniwala!
"Kung sana nga Pica nag ju-joke lang ako... Pero hindi eh. Gusto talaga kita. Gusto kong malaman mo yun." Matigas nyang sabi kaya naman napakagat ako ng labi. Bumilis ang tibok ng puso ko, nagwawala na ang sistema ko. Hindi iyon dahil sa kinikilig ako o ano, bago ang experience na ito sa akin kaya naman para akong nininerbyos! Wala pang lalaking nagtapat sa akin kaya hindi ko talaga alam ang dapat na maging reaksyon ko!
"Ahh.. Cedric kasi ano eh.." napakamot ako ng ulo kahit hindi naman ito kumakati. Nakaka-frustrate naman ng ganito! "May mahal na kasi---"
"Alam ko." putol nya pa sa akin. " Alam ko yun Pica, hindi mo naman kailangang sagutin agad ang sinabi ko. Gaya ng sinabi ko kanina, gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko. Pag isipan mo muna please. Give me a chance." nagmamakaawa na ang mukha nito saakin. Hindi ko naman maiwasang hindi malaglag ulit ang panga dahil sa sinabi nya.
My gosh! Ganito talaga sya ka determinado? Diko ito in-expect ha!
Hindi na ako nakasagot sa sinabi nya at napatulala lang sa kanya. Bigla naman syang ngumisi at bahagyang tumawa. Isinarado nya ang naka-nganga kong bibig saka ginulo ang buhok ko. "Ang cute mo talaga! Pasok ka na, gabi na. Tulog ka maaga ha? Sweet dreams!" at biglang bumalik sa harap ko ang isang jolly na Cedric na syang nakasanayan ko. Parang walang nangyaring confession kanina dahil sa asta nya.
Kaya heto ako ngayon mag aalas-dos na ng madaling araw ay dilat parin dahil sa kakaisip ng mga nangyare. Pero nagha-highlight doon ay ang biglaang pag amin ni Cedric. Gusto ko si Cedric, pero bilang kaibigan lang. Mabait sya, sweet ang nakakatawa minsan. Pero hanggang doon lang talaga ang nararamdaman ko. At isa pa, mahal ko si Rence. Hindi parin nagbabago yun kahit pa ang sungit sungit nya sa akin.
Haaay! Ang hirap pa lang maging maganda!
-----
"Oh my gosh! Pica! Bakit mukha ka ng panda?!" maagang pambungad sakin ni Gracie sa umagang iyon. Papasok na ako ng gate nang magkita kami.
"Morning din Gracie." matamlay kong bati.
"Ano ba ang nangyare sa iyo at mukhang magdamag kang hindi natulog?" kunot noo nitong tanong habang naka-pamewang sa harap ko. Napahikab ako dahil hindi ko na ito kayang tiisin kaya naman nabugahan ko ang mukha nya.
"Really Pica? Really?" Iritado na nyang sabi.
"Pasensya na. Inaantok talaga ako eh." kinusot ko pa ang mata ko habang hawak ng kabila kong kamay ang isang libro. Nagulat na lang ako nang biglang mawala yun sa mga kamay ko at hinablot ng kung sinong lumapit sa akin,
![](https://img.wattpad.com/cover/2548465-288-k464220.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm His Number One Stalker
DiversosShe love him. He doesn't knew her. All her high school life was spend on stalking him. He doesn't have any idea about it.... maybe? What will happen when someday, destiny will join on their life and play with them? Join Pica on her journey as she fu...