14th Shot

87 4 2
                                    

14th Shot

Cedric's POV:

"Cid! San ka galing? Kanina pa ako tinatawagan ni Jupiter, hinahanap ka nya. Hindi ka raw ma-contact." Bungad sakin ni Sam pagkapasok ko ng classroom.

Hindi ko na lang sya sinagot at agad umupo sa armchair ko at lagay ng earphone sa dalawang tenga.

"Aba't dinedma pa ako, hoy Cedric! Makinig ka nga!" Naramdaman ko na lang ang paghablot nya sa kanang earphone ko.

"Ano ba?!" Inis kong singhal. Kabad trip naman nito. Kita na ngang wala ako sa mood.

"Kita mo 'to? Tumatawag na naman ang planetang Jupiter pakisagot na nga lang pwede kanina pa ako naiirita eh. Wag nyo kong idamay kung naliligaw kayo!" Alboroto nya saka ipinahawak sakin ang tumutunog na nitong cellphone.

"Oh?" Ako.

"Hoy Cedric! Iniwan mo ang T-Shirt mo sa banyo ko. Kumuha ka na naman ba ng damit sa cabinet ko?"

"Yan lang ba ang dahilan ng pang-iistorbo mo sa akin?" Langya naman oh!

"Oo. Sagutin mo ang tanong ko."

Napabuntong hininga na lang ako. Kung binabadtrip ka nga naman oh.

"Tsk. Kumuha ako dyan ng T-Shirt eh ano naman ngayon? Eh sa lagi naman akong nanghihiram dyan?"

"Teka. Anong kulay na T-Shirt yung kinuha mo?"

Bakit ba ang kulit mo? Isa ka pang pampa-stress eh.

"Hindi ko maalala." Tamad kong sagot.

"G*g* alalahanin mo!"

"Eh p*ta naman eh! Sa hindi ko maalala. Ano ba ang pinuputok ng butsi mo?!" Napapasigaw na ako kaya napapatingin na ang mga kaklase ko sakin. Sinamaan ko lang sila ng tingin. Gusto nilang mabugbog?

"Tae naman kasi eh! Ito na nga lang, puti ba yung T-Shirt?"

"Ewan diko maalala."

"Alalahanin mo nga!"

"Bakit ba?"

"Sagutin mo na lang." Diko napigilang mapapikit sa sobrang inis. Diba maintindihan ng mundo na wala ako sa mood?! Sarap mambugbog ngayon eh!

"Oo puti. Puting printed shirt. At wag mong itanong sakin kung anong naka-print doon kundi pupuntahan kita dyan at gugilpihin kita. Atsaka ka akala ko ba mag a-out of town ka?"

"May lakad sana ako kanina. Puga pare bakit yun ang kinuha mo? Yun ang dapat kong susuutin. Kaasar ka!"

Saka ako binabaan ng linya. Aba't istorbo na nga bastos pa!

------

"Excuse me sir."

Nasa gitna kami ng discussion nang may biglang sumulpot sa pinto. Isang babae. At hindi ako interesadong malaman kung sino.

"Yes? Oh Please come in." Sagot nung teacher ko at sinenyasan yung babaeng pumunta sa table nya.

May kung ano silang seryosong pinag-uusapan. Teka bakit pa ba ako nangingialam? Pero teka, mukhang pamilyar ang babaeng 'to ah.

I'm His Number One StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon