11th Shot

107 3 2
                                    

Cedric's P.O.V

"Pare anong himala ang nangyare at nandito ka ngayon? Akala ko ba kinalimutan mo na ang lugar na ito dahil ayaw mo ng dumihan ang reputasyon mo." bungad agad sakin ng kaibigan kong si Jupiter saka kumuha ng upuan at tumabi sa akin.

Hindi ako sumagot at ininom ang isa pang shot ng alak na in-order ko kanina. Nakaka tatlong bote na ako at ramdam ko na ang tama nito.

"Kung makatagay parang wala ng bukas ah. May problema ba pare? Babae ba? Pero imposible, hindi ka naman naglalasing dahil lang sa mga babae mo."

Oo, ni minsan diko ginawang mag lasing dahil lang sa babae. Pero bakit ngayon heto ako at umiinom dahil nalaman kong yung babaeng unang nagpatibok ng puso ko, may mahal ng iba. Badtrip!

"Ops! Tama na, lasing ka na. Tara na sa taas at itulog mo na lang yan. Matagal ka nang hindi naglalasing kaya baka manibago yang katawan mo. Pahirap na at baka ka mag suka ka pa bar ko."

Inagaw sakin ni Jupiter ang isang shot ng alak na syang kinainis ko naman.

"Puga pare! Wag ka ngang magulo!" hahablutin ko sana pabalik yung baso kaso nawalan na ako ng balanse at natumba sa kinauupuan ko. Tae! Nawawalan na ako ng lakas.

"Oh tignan mo! Hindi mo nga kaya lakas pa ng loob mong maglasing! Ikaw ang puga pare! Ampuga mo!"

Naramdaman kong inaalalayan na nya akong tumayo at maglakad. Nagpatianod na lang ako dahil hindi ko na rin kaya at nahihilo na ako.

-----

"Yo! Bakit nandito ang lover boy na ito?"

"Kagabi pa ba ito nandito?"

"Oo kainis nga eh. May popormahan sana akong chix eh ito ang naasikaso ko."

"Bakit anong nangyare?"

"Naglasing, mukhang masusuka na. Pinatigil ko nga, baka magkalat pa sa bar ko mahirap na."

Kahit antok na antok pa ako, sapilitan kong minulat ang mga mata dahil sa ingay na naririnig ko. Ang aga aga naririnig ko na ang pambubulabog ng mga ungas! Ang pinaka ayaw ko sa lahat eh yung naiistorbo ang tulog ko.

"P**a! Ang iingay nyo!"

"Good morning din." sagot ni Sam.

"Buti naman at gising kana. Lumayas kana dahil may mag a-out of town ako mamaya. I papasara ko muna 'tong bar." lantad ni Jupiter. Tama rinig nyo, kanya itong bar. Bigay ng parents nya. Hanep diba, samantalang 3rd year student palang sya.

Tiningnan ko lang sya ng masama at nagtungo na sa banyo. Pagkatapos kong maligo aalis na ako rito.

"Lover boy anong meron at nag lalasing ka ngayon. Kung hindi ako nagkakamali sabi mo dati iitigil mo na ang pag inom dahil ayaw mong ma-turn off yung anghel mo?" Mahabang lintaya ni Jerick na may halong tawa.

Hindi ko na lang sya pinansin at dumiretso na sa banyo. Kabadtrip!

**

Lumabas na ako ng kwartong yun pagkatapos maligo. Wala na si Jupiter sa kwarto at yung dalawa na lang ang natira doon na nanonood ng ewang movie sa big screen.

Dali-dali na akong bumaba ng hagdan dahil papasok pa ako mamaya sa school. Tinatamad naman akong maglakwatsa kaya mag aaral na lang ako.

"Aray! Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Narinig kong reklamo ng taong nabangga ko. Pero diko pinansin, eh sa nag mamadali ako at haharang-harang sa daanan.

Nakalabas na ako ng club nang maramdaman kong may humigit sa braso ko kaya napatingin ako sa likod. Tarantado to 'ah! Gusto nya bang mabugbog.

Nasa ere na ang kamao ko para suntukin yung walang hiyang nanghigit sa akin pero natigilan ako nang makitang babae pala iyon. Anong problema ng isang ito, at mukha pa itong pamilyar sa akin.

"Ikaw!" Sabi nito sabay duro sa akin.

Ako daw. Anong meron sakin? Ah oo ako nga, ako nga ang gwapo.

"Wala ka talagang balak na mag sorry sa akin ha?! Tignan mong ginawa mo dress ko! Tignan mo!" Singhal nito sakin na kulang na lang ay umusok ang mga butas ng ilong nito.

Sya ba yung nabangga ko kanina? Hanggang dito ba naman ay susundan ako nito?

Tamad kong tiningnan ang inerereklamo nyang dress. May mantsa itong juice. Eh ano naman ngayon?

"Ayan ang pera bumili ka na lang bago." Sabi ko sabay abot ng isang libo sa kanya saka umalis.

Akala ko ay titigil na sya pero nagulat na lang ako nung inunahan nya ako sa paglalakad at hinarang sa daan. Nakapamewang itong nakatingin sa akin.

"Anong akala mo sa dress ko, cheap?" Mataray nitong sabi. Potek na babae to! Kitang wala ako sa mood tapos mambubwisit sakin?!

"Magkano ba yan at nang madagdagan ko yang pera. Naiirita na kasi ang tenga ko sa bunganga mo miss eh." Relax kong sabi pero sa totoo lang ay gusto ko na syang buhatin at itapon sa pinakamalapit na ilog. Nakakabad trip!

"I don't need your money. Pano ako nito makakagala eh minantsahan mo ang damit ko! Gusto mo ba akong mapahiya? Pagtitinginan ako ng mga tao! Mag sorry ka sa ginawa mo! Yun ang gusto ko!" Mahabang lintaya nito.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang frustration. Bahala na nga.

"O teka ano yang ginagawa mo?" Natataranta nitong tanong. Itinataas ko na kasi ang suot kong white printed shirt na kinuha ko sa closet ni Jupiter.

"O ayan miss isuot mo. Ngayon dika na pagtitinginan. Wag kang mag alala mabango yan kakasuot ko palang." Sagot ko sabay bigay sa kanya. Napanganga siya sinabi ko o baka naman sa maganda kong katawan na nasa harap nya. Napangiti ako sa inisip ko saka sya iniwan na naistatwa.

"T-teka! Sorry lang ang hinihingi ko! Diko sinabing mag hubad ka ng T-Shirt!" Narinig kong pahabol nito pero diko na pinansin. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad mg walang damit na syang dahilan upang pagtinginan ako lalo na ng mga babae. Makapag- taxi na nga lang.

I'm His Number One StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon