20th Shot

17 0 2
                                    

"Magandang hapon po." Bati ni Rence kay lola Daisy pagkapasok namin sa mansyon at nadatnan siyang nakaupo sa sofa habang nagmi-meryanda.

Pinagmasdan muna ni Lola Daisy si Rence nang ilang minuto mula sa kanyang salamin saka ako nilingon. Ngumiti naman ako sa kanya saka pinuntahan para magmano.

"Magandang hapon naman." Sagot nito kay Rence saka inabot ang kamay nito kay Rence.

Napatingin naman si Rence sa akin na parang nagtataka. Sinenyasan ko naman sya na magmano kay lola na nakuha naman nya saka tumango at pinuntahan si lola. Kinuha nito ang kamay niya at saka nagmano.

"Lola..." malambing kong saad saka umupo sa tabi nya at kumapit sa kanyang braso.

"Ano ang kaylangan ng maganda kong apo?" Sagot nito na ikinagulat ko kaya napatingin ako agad kay Rence. Napangiti naman ito nang konti na parang pinipigilang matawa. Hmp! Totoo namang maganda ako ah!

"Lola... magpapaalam po sana ako sa inyo." Sabi ko sabay pinakurap-kurap ang magaganda kong mga mata.

"Magpapaalam para saan? Teka nga't paupuin mo muna iyang bisita mo't kanina pa nakatayo." Sabi pa ni Lola sabay hampas ng marahan sa aking braso. Napatayo naman ako at agad nilapitan si Rence. Nakakahiya naman at nakalimutan ko pa syang paupuin! Bawas ganda points!

"Ah... maupo ka muna Rence." Napakamot-ulo kong saad.

"Sige." Saka sya umupo sa sofang kaharap ni Lola.

"Linda! Linda! Magdala ka nga ng juice at pagkain para sa bisita natin." Tawag ni Lola kay manang Linda saka nakangiting pinagmasdan si Rence. "Kegwapong bata mo naman ijo. Wag kayong mag-alala pumapayag na ako."

"P-po? Pumapayag ka Lola?" Nagtataka kong sabi at napatingin kay Rence. Ngumiti lang ito kay Lola. Shet ang gwapo naman ng my labs ko! Buti pa kay Lola kung maka-ngiti kay tamis-tamis! Bakit kung sakin laging sumisimangot? Hay...

Pero?! Pumapayag si Lola? Nasabi ko na ba sa kanya ang tungkol sa pag sleepover ko kina Rence?

"Oo naman apo. Malapit ka rin namang mag kolehiyo at isa pa kay tagal ko nang hinihintay na may ipakilala ka sa aking boypren mo. Sigurado akong magiging magaganda at gwapo ang magiging mga anak nyo!" Tuwang-tuwa nitong saad. Naubo naman ng malakas si Rence dahil sa sinabi ni Lola at taranta akong lumapit sa kanya at hinagod ang kanyang likod.

"Lola naman eh! Diko po siya boyfriend!" Palumanay kong pagmamaktol. "Ayos ka lang ba Rence? Pasensya ka na ha?"

"I'm okay, don't worry. Nagulat lang ako." Sagot niya saka ininom ang juice na kaka-serve lang ni Manang Linda.

"Ay hindi mo pa ba siya boypren? Nanliligaw pa lang? Kung ganoon ay pumapayag na akong manligaw siya sayo."

"Naku hindi po Lola. Si Lola talaga. Siya po si Rence, schoolmate ko." Pagpapakilala ko kay Rence. Nakalimutan ko rin palang ipakilala si Rence! Naku na lang talaga!

"Ah... ganoon ba? Schoolmate mo lamang siya. Hindi man lamang kayo magkaibigan?"

Napatingin naman ako kay Rence dahil sa tanong ni Lola, napatingin din ito sa akin.

"Ah.. hindi p--"

"We are friends po Lola." Putol sa akin ni Rence. "Spesyal na kaibigan ko po si Pica." Dugtong pa nya sabay tingin sakin at saka bahagyang ngumiti. Nanlaki naman ang mga mata ko at naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. 'Wag mo akong tignan ng ganyan Rence! Kinikilig ako!

"Ganun ba Rence? Mabuti naman kung ganoon. Saan din naman yang tutungo kundi sa pagliligawan hindi ba?"

Lola naman sobra na yan! Nakakahiya na kay Rence! Napatakip na lang ako ng mukha sa sinabi ni Lola dahil sa kahihiyan pero sinilip ko mula sa mga daliri ko ang naging reaksyon ni Rence. Bahagya itong tumawa saka ngumiti kay Lola.

"Tignan po natin Lola, wala pong imposible." Saad nito sa talagang ikinagulat ko. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang nagbabadyang tili. Seryoso ba yan Rence? Hihimatayin na ata ako!

"Talaga Rence? Mabuti kung ganoon. Kung magkataon man ay saakin ka lumapit sinisigurado kong mapapasagot mo ang apo ko. You have my support." Saad ni Lola saka tumawa.

Tumango lang si Rence at saka tumingin sa akin. Hawak ko parin ang bibig ko dahil sa mga sinabi nila kaya napakunot-noo si Rence. Nagtaka na lang ako nang bigla nyang nilapit ang mukha niya sa akin. Anong ginagawa niya? Di niya ba alam na halos hindi na ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko?!

Saka ko lang nalaman na may gusto pala siyang ibulong sa akin nang mas nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko saka doon bumulong.

"You know I'm only kidding right? Stop blushing already." Saad niya saka umupo na ulit ng maayos at ngumiti kay Lola. Awts naman Rence! Alam ko naman yun kahit na medyo umasa ako ng konti. Napanguso tuloy ako habang tinitingnan siya, napalingon naman ito sa akin at napataas ang dalawang kilay sa pagtataka. Hmp! Inirapan ko nga. Kakainis na siya ha.

"Lola, hindi ko pa po nasasabi yung ipapaalam namin." Putol ko sa usapan nila.

"Ano nga pala iyon apo?" Tanong nito saka humihigop ng kanyang tsaa.

"Si Rence po kasi itsu-tutor ako sa Math. Mababa po kasi ang grades ko kaya inutusan siyang i-tutor ako. Kaylangan po naming mag sleepover malapit na po kasi ang exam." Mabahang lintaya ko. Ibinaba muna ni Lola ang tsaa bago nagsalita.

"Sleepover kamo? Ang ibig mong sabihin magkasama kayong matutulog? Saan kayo mag sli-sleepover? Aba'y bata pa kayo apo! Gusto ko man na siya ang mapangasawa mo eh masyado pang maaga para doon."

"Lola..." Napapikit ako saka napabuntong-hininga. "Diba po sabi ko para po yun sa tutorials? Tuturuan nya lang po ako. Doon po sana kami matutulog sa bahay nila." Paliwanag ko.

"Huwag po kayong mag-alala Lola sa kabilang kwarto po ako matutulog. Hindi po kami magkasamang matutulog." Dagdag ni Rence.

"Ah.. ganoon ba. Osige pumapayag na ako. Basta ba'y siguraduhin mo lang na maayos ang magiging kalagayan ng apo ko Rence. Malay mo'y dyaan mabuo ang isang matamis na pagtitinginan, hindi ba Rence?" Ngiting-ngiting saad ni Lola.

Nagulat na lang ako nang biglang kumapit sa baywang ko ang isang kamay ni Rence.
"Opo Lola. Ako na po ang bahala kay Pica" sagot nito.

Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa ginawa ni Rence at feeling ko mapapaso na ang baywang ko dahil sa kapit nya. Pero biglang sumagi sa isip ko yung sinabi niya kanina kaya bigla akong nainis. Kaya naman pasimple kong tinanggal ang pagkakakapit niya sa baywang ko. Ramdam kong nakatingin siya sa akin pero diko pinansin. Gumagawa na naman siya ng rason para ma-fall ako sa kanya pero sa huli mag mu-mukha na naman akong tanga!

Pero yun naman ang set-up namin diba? Alam ko naman na hindi niya ako gusto pero bakit ganito ako kung umasta ngayon? Diba nga dapat pa akong magpasalamat sa mga nangyayaring 'to? Diko mainitindihan ang sarili ko ngayon at parang naiirita ako! Baka magtampo na niyan si My labs sa akin. Pero bahala siya! Papaasahin niya lang din naman ako.

"Kukuha lang po ako ng gamit Lola." Paalam ko saka tumayo na hindi tinitingnan si Rence. Naglakad na ako paalis at kinakausap na siya ulit ni Lola pero pakiramdam ko may tumitingin sa akin kaya nang nasa may hagdan na ako ay diko natiis na hindi sulyapan si Rence. At pakiramdam ko ay malulusaw na ako sa mga titig niya sa akin na hindi ko maipaliwanag kung ano ang ipinapahiwatig. Titig na titig siya sa akin pero hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha niya. Hindi ko na lang siya pinansin at saka umakyat na nang tuluyan papuntang kwarto.

----
AN:
Long time no update! Almost three years na since the last update at na-miss ko na talagang magsulat! Akala ko diko na madadagdagan pa ang mga chapters. Hehe. Good thing at na-inspire akong magsulat ulit dahil sa "A Love so Beautiful". Naalala ko kasi si Rence at Pica kay Jiang Chen at Xiao Xi 😍. Kakakilig sila no? Anyways, sana nagustuhan nyo ang update tho alam kong nawala na ang mga readers nito sa sobrang bagal ng update.😅 Mianhae!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm His Number One StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon