"Nakuu! Bakit kelangan pang umulan?" Reklamo ko pagkalabas namin ng gate. Bigla kasing bumuhos ang ulan wala pa naman akong dalang payong.
"Here." Nagulat na lang ako nang maramdaman ang kamay ni Rence sa balikat ko. Inakbayan nya ako habang hawak ng kabilang kamay nya ang isang payong.
Hinga Pica! Wag ka munang himatayin!
"Takbuhin natin hanggang doon sa shed nayun. Ready?" Nilingon nya pa ako nang sabihin yun kaya naman ang lapit ng mukha nya sakin. Tumango naman ako bilang sagot habang lumalaki pa ng husto ang mga mata ko.
Anong ginawa ko at inuulanan ako ng swerte ngayong araw? Magsisimba na talaga ako parati promise!
Tinakbo nga namin ang daan patungong shed para doon sumilong. Syempre nakaakbay si Rence habang tumatakbo kaya naman feeling leading lady ang peg ko habang tumatakbo. Kulang na lang ay camera at direkor pang chick flick na ang scene namin eh! Nakakakilig!
"Sakay na Picachu!" Nagulat na lang ako nang may biglang nakamotor ang pumarada sa harap namin.
Nang hubarin nito ang helmet, tumambad sakin si Cedric na magulo na ang buhok. Kaylan pa nagmukhang cute ang pagkakaroon ng magulong buhok?!
"Ha? Hindi na ok lang. Hinihintay ko ang sundo ko eh." Sagot pero agad nyang pinasuot sakin ang helmet nya at inayos ang tali nito.
"Teka Cedric may sundo ako eh."
"Gabi na, delikadong maghintay dito maraming masasamang loob." At ewan ko ba't tinignan nya si Rence ng masama nang sabihin yun.
Biglang tumunog ang phone ko kaya doon ko naituon ang atensyon ko. Si mama nagtext sakin:
Mama: Wun? Hindi ka raw mahagilap ni Mang Pipoy sa school. Na flat pa raw ang tire ng kotse mukhang dika masusundo.
Napanguso tuloy ako sa text ni mama. Nireplayan ko na lang na magko-commute na lang ako pauwi at may activity pa akong tinapos kaya ako na late.
"Hindi na pala ako susunduin ni Mang Pipoy." Malungkot kong sabi kay Cedric.
"Eh di mabuti. Tara sakay kana."
"Ha? Eh paano si Rence?" Nilingon ko si My labs na cool na cool na nakatayo habang hawak ang nakatiklop nitong payong. Napatingin naman ito sakin na naka-kunot ang noo nang marinig ang pangalan nya.
"Bakit? Para namang sabay tayong uuwi." Napailing pa ito. Nahiya naman ako sa sinabi nya kaya nilingon ko na lang si Cedric.
"Ok lang ba talaga na ihahatid mo ako?"
"Syempre! Wala ka bang tiwala sakin?"
"Baliw! Tara na nga." Umangkas na nga ako sa motor nya at inayos ang upo. Pinaandar narin nya ito saka nagsimulang patakbuhin. Nilingon ko naman si Rence nang madaanan namin sya pero di man lang nya ako tinignan. Ewan ko pero bigla ata akong nalungkot. Asan na iyong kilig?
"Kyaaa! Ba't ang bilis? Hinay-hinay lang!" Napasigaw ako nang biglang pinabilisan ni Cedric ang takbo. Srsly? Magpapakamatay ba ito o ano? Wag nya akong idamay ha!
"Relax Picachu! Di kita ipaphamak. Kapit lang."
At kumapit na nga lang ako sa bewang nya ng mahigpit. Hindi na ako nakipagtalo knowing his nature, hindi ako mananalo.
"Picachu..." narinig kong sabi nya nang medjo bumagal ang takbo.
"Yes?"
"Totoo bang mahal mo ang lalaking yun?" Nagulat naman ako sa tanong nayun ni Cedric. Echosero to ah! Nakiki-showbiz!
"Bakit mo naman natanong? Nakuu lumalakas na naman ang ulan! Nauulanan kana kunin mo na lang itong helmet mo!"
"Wag! Ikaw na ang gumamit ok lang ako."
"Eh nauulanan ka eh. Magkakasakit ka nyan!"
Tumawa naman ito sa sinabi ko.
"Ako? Magkakasakit dahil sa ulan? Malabo yun Pikachu."
Lumipas ang ilang minuto at narating na namin ang bahay. Tumigil na rin ang ulan pero mukha na kaming basaw sisiw ni Cedric.
Bumaba na ako at tinanggal ang helmet na binigay nya. "Tara Cedric pasok ka muna. Ipaghahanda ka ni Mama ng meryenda. Tsaka para makapagpalit kana rin. Magkakasakit ka talaga nito."
"Hindi wag na. Ayos lang ako. Uuwi na naman ako kaagad eh."
"Sigurado ka?"
Ngumiti ito sa akin saka tumango. "Syempre naman."
"Sige salamat ha? As in! Sorry nabasa ka tuloy."
"No worries ako naman ang nag offer."
"Alam mo nagtataka na ako sa kabaitan mo, ingat sa daan ah baka ka mauntog. Baka kung maalog ka eh tumino ka na at hindi kana magiging mabait sakin." Pagbibiro ko na tinawanan lang nya.
"Don't worry mag iingat ako. Nga pala, may sasabihin ako."
"Ano?"
Nagulat ako nang bumaba sya mula sa motor nya at hinarap ako. Masyado syang matangkad kaya kaylangan ko pa syang tingalain. Ano ba yan! Kanina si Rence ang tinitingala ko! Ansakit sa leeg ah! Sila na matatangkad!
May kinuha ito mula sa bulsa ng jacket nya at nabigla ako nang kunin nya ang kamay ko. Nakita ko na lang na may bracelet na nakasabit doon. Nilapit ko yun sa mukha ko at diko mapigilang mapangiti. Ang cute!
"Nagustuhan mo ba?"
"Syempre noh! Para san ba ito? Diko naman birthday ah, dina ako tatanggi. Grasya na ito hahaha!"
"Wala lang gusto lang kitang regaluhan. Tsaka..."
Nilingon ko naman sya at napansin ang pamumula nya. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking namumula. Bakit kaya? Nakuu mukhang magkaka-trangkaso yata ang isang to.
"May lagnat ka ba?" Hinawakan ko sya sa noo para tignan ang temperatura nya. Okay naman ah, mukhang nanlalamig pa nga eh.
Tinanggal nya agad ang kamay ko na ipinagtaka ko. Ay ganun? Wala namang germs ang kamay ko ah!
"Wala akong lagnat. Wag mo akong hahawakan naninikip ang dibdib ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "May sakit ka sa puso?!"
Napakunot naman ang noo nya. "Ha? Wala. Argh! Makinig ka muna kasi sa sinasabi ko." Frustrated nyang sabi. Ayy may gusto syang sabihin? Ano din?
"Sige na, gora!"
"Picachu kasi.. ano eh.."
"Ano yun Cedric?"
Napahawak ito sa batok at hindi makatingin sakin ng diretso. Natatae ba ito kaya mukhang nahihiya sakin? Ok lang naman sasamahan ko sya sa loob, hindi na sya dapat mahiya.
"Ano eh.."
"Anong 'ano'? Maka-jebs ka? Don't wory pede kang maki-cr."
"Ha? Hindi. Ano ka ba naman Picachu." At tumawa pa sya ng malakas.
"Eh ano kasi ang sasabihin mo. Ang hirap manghula eh. Hindi naman ako manghuhu--"
"Gusto kita! Gusto kita matagal na."
BINABASA MO ANG
I'm His Number One Stalker
DiversosShe love him. He doesn't knew her. All her high school life was spend on stalking him. He doesn't have any idea about it.... maybe? What will happen when someday, destiny will join on their life and play with them? Join Pica on her journey as she fu...