Thanks sa walang sawang pag gawa ng cover! Ahahaha. Lablab!
12th Shot
Pica's POV
"Patingin ng papel mo, pakopya dali!" Bulong ko sa kaklase ko na nasa harap ko. Pasimple naman nyang ipinakita ang papel nya.
"Bilisan mo nga Pica! Baka makita tayo!" Bulong din nito.
"Oo sandali, ayusin mo nga yang writing mo! Amg hirap basahin eh!"
"Heh! May gana ka pang mag reklamo! Mangopya kana nga lang."
*Ring* *Ring* *Ring*
Natigil ako sandali sa aking business nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay nakita kong si Gracie ang tumatawag.
Excited ko itong sinagot. Pinilit ko kasi syang mag absent ngayon dahil gustong makipagkita ng secret admirer nya. Ayaw nya sana kaso dahil bad influence ako eh pinapunta ko nga. Ang problema ay mag ku-quiz pala kami, diko na lang sasabihin sa kanya. Baka magalit eh, hahaha.
"Gracie! Ano na? Kamusta? Keke ba?" Hindi halatang excited ako noh?
"I wanna go home." Sagot nito sa kabilang linya.
"WHAT?!"
"MS. CHUA!" Umalingawngaw ang boses ng math teacher namin sa buong classroom. Patay na naman.
-----
"How many times do I have to remind you that cellphones are not allowed in my class?" Mahinahon pero naiinis nitong sabi.
"I'm sorry maam. Important call po kasi." Pagpapalusot ko, sana nga lang tumalab.
"And who was that person who called that you need to shout in my class?"
"Na carried away lang po."
Napapikit na mga mata si Mrs. Bertumo sabay buntong hininga. Halatang nagpipigil na ito ng galit.
"Okay..." Isang huling buntong hininga angvpinakawalan nya bago ulit mag salita. In fairness hindi bad breath si Ma'am.
"Pagbibigyan kita, but I don't want this to happen again. Understood?"
"Yes ma'am! Thanks ma'am! Alis na po ako!" Malapad na ngiting sabi saka masayang tumalikod.
"Wait!"
Hawak ko na sana ang door knob at paalis na ng office nya nang tawagin nya ulit ako.
"Po?"
"Hindi pa ako tapos. Balik."
Napanguso naman ako sa balita nya. Ano na naman kaya ang problema ngayon? Wala na ba tong katapusan?
"I still have something to say and it is not a good news." Sabi nito nang makaupo na ako. Hay naku ma'am don't worry expected na yang bad news na yan.
"I'm sorry to say pero ikaw ang nakakuha ng pinakamababang grade sa math this grading period."
Ahh. Talaga? Na surprise ako. Sobra. Pang ilang beses na ba ito? Ahh, diko na mabilang.
"I already expected it ma'am." Walang gana kong sagot.
"I knew it too. Kaso iba ang case ngayon. Nasa Senior year kana, at kaylangan mong makapasa this 3rd grading period. Or else, dika makaka-graduate."
"......"
"Close your mouth Ms. Chua, baka mapasukan yan ng langaw."
Napabalik ako sa huwisyo dahil sa sinabi nya at agad na sinara ang bibig. Grabe kelangan talagang mapanganga? Pero seryoso, hindi ako makaka-graduate?!
"MAAM??!" Diko napigilang mapabulalas.
"Huwag naman po ma'am! Ayaw ko pong mag repeat! Please ma'am I want to graduate!" Naiiyak kong sabi. Kainis naman kasi eh sa hindi ko talaga ma gets ang math eh!
Bumuntong hininga na naman sya. Ano ba, kanina pa sya humihinga ng malalim. May hika ba sya?
"Ma'am? Ano na po?" Hindi pa nag sasalita eh.
"Atat lang. Sandali nga muna. Ikaw Pica pasalamat ka talaga at kaibigan ko ang mama mo."
Oy si ma'am tinawag akong Pica, FC! Joke! Wait, kilala nya si mama?
"Excuse me ma'am. Pinapatawag nyo raw po ako." Biglang bumukas ang pinto ng office ni maam kaya napatingin kami doon sa pumasok.
"Oh yes come in, Mr. Florencio."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rence! Ow Em Gee! Bait ambait sakin ng langit ngayon? Ang swerte ko!
Nagkatinginan kami saglit pero umiwas din sya ng tingin at kay maam tinuon ang pansin. Naglakad ito palapit kay ma'am at di tumingin sa direksyon ko na parang hindi ako nakikita. Napayuko narin ako, naaalala ko yung nangyare sa canteen. Mali pala ang sinabi ko kanina, hindi ako maswerte. Nakakahiya kaya!
"Sit down Mr. Florencio." Utos ni maam. Naupo naman ito, so.. magkaharap kami?
"Pinatawag kita dahil may ipapagawa akong task sa iyo. This will serve as your project for this grading period." Saad ni maam.
Tumango naman si Rence. Seryoso silang nag uusap ni maam. Para naman akong name-mesmerize habang tinitingnan ang naka side view ngayong si Rence my labs. Ang gwapo lang talaga nya. As innn! Para akong nakatingin sa isang anghel.
"Understand miss Chua?" Baling sakin ni Maam.
Napakurap naman ako ng ilang beses sa tanong nya.
"Po?" Wala sa sarili kong tanong.
"Aren' t you listening to my instruction." Inis na singhal ni Mrs. Bertumo. Napakagat naman ako ng labi. Uwaah! Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya!
Napabuntong hininga ulit si Maam.
"I said, Mr. Florencio was tasked to be your math tutor since he is the one who got the highest grade in this subject. And since ito ang project nya for this grading period nakasalalay sa iyo kung makakapasa sya o hindi. Kaya you need to give your best para makapasa dahil kung hindi pati si Mr. Florencio, damay."
Wa-what?
BINABASA MO ANG
I'm His Number One Stalker
RandomShe love him. He doesn't knew her. All her high school life was spend on stalking him. He doesn't have any idea about it.... maybe? What will happen when someday, destiny will join on their life and play with them? Join Pica on her journey as she fu...