PROLOGUE

31 9 0
                                    

[ STUCK IN EVERY MESS ]

Lei's POV

It's gloomy today.  Seems like the weather is on my side this day. I am heading to the hospital after I found out that my mother is in there.

Nag half-day lang ako matapos tumawag sa akin ni Maricar. Ang beking kaibigan ni Nanay. Ika pa niya ay nasa hospital si nanay. Magulo noong sa telepono ko siya nakausap. Panay hagulgol nito kaya ay na alarma ako at dali-daling umalis ng paaralan.

Kaba ang nararamdaman ko matapos maitanong kung anong kuwarto nailagay si Nanay.

" Vista ba kamo miss? " pag tatanong ng nurse sa'kin na para bang mali ang narinig niya sa sinabi ko.

Isang tango lang ang naisagot ko. Tinitigan niya pa ang suot ko.

" Nasa morgue na ang hinahanap mo miss " ika pa nito saka ay kinausap na ang sumunod sa akin.

My world stopped for a moment on what i just heard. I immediately called Maricar. To confirm it.

" L-lei. Nasa m-morgue ako. W-wala na ang nanay mo " hagulgol pa nito.

My tears ran down unto my cheeks. Are they pranking me or what? Because it's not funny! I ran as fast a I can just to arrive on the said room.

Maricar was just standing outside the door. He was now sobbing.

" Anong nangyari?! Wala namang sakit si nanay! Baka hindi siya iyan Maricar " ika ko pa at natatawa kahit ang mga luha ko ay tumutulo na.

" May nangyari kasi kanina sa club. Diba nga maaga kaming nag bukas ngayon kasi nirentahan iyon tapos isang oras lumipas may mga putukan ng nagaganap. " pumipiyok-piyok na pagpapaliwanag nito.

" Tapos sa sobrang pagkataranta ko ay lumabas ako. Nakita ko ang nanay mo hahatakin ko na sana... K-kaso.. Kaso di pa siya nakalapit sa'kin ng tuluyan natumba siya. D-dugo. Maraming dugo ang.. ang umagos sa kanya " the sob he was making a whike ago turned into a loud cry.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Rumaragasa ang luhang bunga ng hinagpis ng damdamin ko.

Napatingin ako sa silid kung saan napaparoon si nanay. Walang pagdadalawang isip na pinasok ko iyon. May puting tela ang nakatakip sa nag iisang katawang nakahandusay sa kama.

Binuklat ko ito at dahan dahang napayakap sa ina kong wala ng buhay. Hindi ko alam ang mararamdaman bukod sa pagkasawi, poot at lungkot.

Pilit akong inilayo ni Maricar sa katawan ni nanay at dumating na raw ang mag eembalsamo rito.

I cry hard. That's the only thing I can do after what happened. I just can't process what's happening in my life.

" Lei, kumain kana. Ihahatid na rito ng punerarya ang nanay mo maya-maya. " si Maricar.

Isang tango lang ang tugon ko sa kanya. Tulala akong nakatitig pintuan namin. Umuwi kami ni Maricar sa tinutuluyan namin ni nanay matapos ang nangyari.

Marami ang nagulat sa mga kapit-bahay namin. Madaling kumalat ang balitang iyon sa kung saan kami nakatira ni nanay spapagkat maliit lang naman ang lugar.

Aminadong marami kaming hindi nakaksundo ni nanay rito. Maraming inggitera, ingglatera, magnanakaw, tambay, chismosa, nag-aadik, at sinto sinto. Hindi man ligtas sa amin ay doon kami nanirahan dahil iyon lang ang kaya ng prera namin.

Anim na taong gulang ako noong lumipat kami rito. Dito ako lumaki. At tulad ng mga nabanggit ko ay maraming taong ganoon ang budhi ang nakapalibot sa amin. Ngunit kapag ang isa sa amin ay nangangailangan ng tulong ay walang pagdadalawang isip silang tumutulong.

Stuck In Every MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon