Chapter thirteen

2 6 0
                                    

[ STUBU ]

Lei's POV

" Lei kamusta! " bati ni ate Stella sa akin matapos ko siyang binisita sa cafe niya na dating pinagtatrabahuan ko.

" Ayos lang po ako ate. Ikaw po? " magalang kong saad at hinila ang isang upuan. Inilapag ko naman ang tambak na libro at notebooks kong kinakailangan kong aralin.

" Ayos lang din... Nga pala, dito nag tatrabaho si Tado, alam mo ba yun? "

Iginala ko ang mata ko at tinignan ang nasa counter. Si Tado nga iyon at walang nguti ngiting tinatanggap ang order ng mga customer.

" Kailan pa siya dito ate? " tanong ko na nakangiting tinitignan si Tado.

" Last week ata. Dinala siya dito ng isa ko pang empleyado. Buti nga at nandito yan may mga umalis kasi kaya minsan kinukulang kani ng tao. " saad pa niya.

Tumango tango lang ako.

" O siya anong gusto mo? "

" Ayos lang po ako ate. O-order po ako mamaya. " sabi ko naman na ikinatango niya at bumalik sa loob ng maliit na office nito.

Today is thursday at pinili kong dito mag study kesa naman sa condo ni Czack. Alas tres palang ng hapon. Alam kong nandoon siya at ang kabanda niya. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya dahil siguradobg manunukso lang iyon.

Pag gising ko kahapon ng umaga ay nanlalaki ang mata ko ng mapansin ko ang lumagpas sa mga unan na nag silbing boubdary namin. My hands were hugging the pillows and his arm. Dahan dahan ko itong tanggalin sana upang hindi niya makita dahil tulog pa naman siya. At yun ay akala ko lang.

" What do you think you're doing? " he suddenly spoke.

Nagkunwari akong tulog ulit.

" How many surprise kiss should I give you? " pagkakausap nito sa sarili pero alam ko talagang ang mga salitang iyon ay para sa akin.

" Punyeta ka! " napasigaw ako ng inambahan niya ako sa pagkakahiga ko.

He just laughed and teased me to death about that damn kiss. Gagatungan ko pa ba eh alam ko namang ako naman ang talo. Pero hindi ibig sabihin nun ay magpapahalik ako. Ha! Akala niya.

" Ma'am ang lalim ng iniisip natin ah. Order niyo po" nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko.

Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon. Itinuon ko lang mga mata sa libro.

" Wala naman akong inorder. " ika ko na hindi naalis sa binabasa ang mga mata.

" Order ko po to para sayo "

" Dea?! " my eyes widened when I saw her in a waitress outfit.

" Dito ka rin nag ta-trabaho?"

" Hindi ba obvious?" ika niya at pinagpag kunwari ang suot na damit nito.

" Ewan ko sayo. Maaga ba out niyo? " tanong ko nalang sa kanya.

" Oo kasi kailangan mag review. Kamusta? "

" Ayos lang naman. " sagot ko sa kanya. Ngayon ay nakaupo na siya sa harap ko.

" Eh yung gabing kasama siya? " napairap ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin. Si Dea naman ay humagikgik lamang.

" Hoy Dea hindi mo pa break time balik ka muna dito. Ilugar mo yang kadaldalan mo. Ang dami ng tao oh!" si Tado naman na naka busangot ang mukha. Pati ako ay sinamaan niya ng tingin.

Totoo ngang dumami ang tao dahil medyo umingay ang paligid. Halos wala ng maupuan ang iba.

" Heh! Ito na babalik na. Sabay tayong uwi Lei?.... Ay hindi na pala ayan na yang sundo mo oh. " tumayo si Dea at napatingin sa labas.

Stuck In Every MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon