Chapter fourteen

4 6 0
                                    

[ THE SHOTS AND SHEETS ]

Lei's POV

For the past days, talagang si Czack ang naging study budy ko kasama sina Dea at iba pa niyang kaibigan.

Yep, I met his friend. Una yung si eyeglassboy na si Reel pala. Ang boy version ni Dea na si Shawn ang laging nag memention sa kanya sa twitter at huli si Lio na kaklase niya.

They always hang out here in Czacks condo. And he also invites Dea para hindi ako gaano mailang sa mga kaibigan niya. But his friends are smooth to be with. They don't seem harm for me. Sa katunayan ay napapalapit na rin ako sa kanilang lahat lalo na kay Shawn at Reel.

His IG story became talk of the town in our campus. Many approached me to ask. I ignored some at tinaggi ko namang ako yun sa ibang nagtatanong.

" Sa wakas! " it was Dea shouting in the middle of our hallway with others. Katatapos lang ng exam. Hindi pa final pero mahirap na. Buti nag study ako at tinulungan ako ni Czack ayaw ko mang sabihin.

" Ipopost lang daw sa page ng school ang results? " rinig kong saad ng isa.

Dea and I are currently walking in the busy hallway of our building.

" Oo pero pwede naman daw pumunta ang iba dito bukas. " sabi naman ng isa.

" Pupunta ka dito bukas Lei? " tanong ni Dea. Tumango ako.

Syempre balik training nanaman kami lalo na at parating na ang tournament.

" Lei may kukunin pala ako sa locker ko. Samahan mo'ko please " tumango ako sa sinabi ni Dea.

Pumunta kami sa locker at kinuha niya roon ang naka paper bag na ang laman ay damit?

" May lakad kaba mamaya Dea? " I asked as she put some of her things inside her locker.

Bago makasagot ay nilingon namin ang nag iingay na papunta sa aming direksyon. It was Czack and his friends. And as usual, Shawn's the one laughing and talking loudly of them all.

Some students watch them as they approached us. The stares like daggers are on us again. Hindi ko nalang pinansin. May magagawa pa ba ako kung laging nakikisalamuha sa amin ang kaibigan ni Czcak kaya pati siya ay lumalapit na rin. Kahit ang usapan ay walang tapunan ng tingin o pansinan sa campus ay napunta sa wala.

" Baka naman naka silent Czack, badtrip ka agad eh." Lio said while patting Czcak's shoulder. He seems annoyed. What's with him?

" Speaking of tinatawagan, ayan na siya oh kasama si Dea " ika pa ulit ni Lio na itinuro pa kami.

" Oh ano nanamang ginawa ko at ang sama ng tingin mo? " salubong ko kay Czcak na halos magsalpukan ang kilay sa sobrang badtrip ng mukha nito.

" Why aren't you answering my calls? " kinuha ko naman sa loob ng bag ang cellphone ko.

Nakita ko ang ilang missed calls doon at ilang text niya. Itinaas ko ang phone at nilahad sa harap ng mukha niya.

" Kita mo yan? Naka silent kasi may exam kanina." he's back to his senses after I showed my phone.

" Tabi-tabi po " biglang saad ni Reel na walang kaemo-emosyong tumingin kay Dea.

Ang bad mood ni Czack nalipat kay Dea dahil sa sinabi ni Reel. Bumunghalit ang malakas na tawa ni Shawn at sinundan pa ito nina Lio at Czack. Kahit ako ay nag pipigil ng tawa at baka mas lalong mainis ang kawawang kaibigan.

" Heh! Kigwa, matangkad ka lang! " isinarado nito ang locker niya ng padabog.

" Oo nga pala, may lakad kayo mamaya? " si Shawn iyon nang makabawi sa tawa.

Stuck In Every MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon