Chapter twelve

3 6 0
                                    

[ BOUNDARY ]


Lei's POV

Pag gising ko ay madilim na sa labas. Hindi parin nakabalik si Czack. Iniligpit ko na muna ang aklat at notebooks ko kasama na ang ilang ballpen at highlighter na nagkalat na sa sahig. Ipinatong ko itong organisado sa coffee table.

Alas sais y media na ng gabi. Hindi ko inaasahan na ganon katagal ang tulog ko at naabutan ako ng gabi. Pinuntahan ko ang refrigerator niya. Pagbukas ay halos mapa mura ako. Sa sobrang linis nito, tubig at beer na nakalata lang ang laman. Dali dali kong kinuha ang wallet ko at ang hoodie ko.

I was just wearing a maong shorts na hanggang taas ng tuhod ang haba. Hawak ng kanang kamay ko ang cellphone at wallet ko at binuksan naman ng kaliwa ko ang pintuan. Inilock ko muna ito bago tuluyang lumabas. Wala namang problema doon dahil sinabi naman niya kanina ang password ng condo unit nito.

Buti nalang kanina ay may nakita akong maliit na super market na malapit lang sa condo niya kaya doon ako nagtungo.

I grabbed the small cart and push it while I walked on the aisle of instant foods. Kumuha ako ng ilang pancit canton at noodles. Isang tray ng itlog, mga delata. Fresh milk, orange juice in a box, at dinamihan ko ang snacks, yakult at chuckie. Napangiti ako ng mapagtantong fresh ang mga gulay at seafoods nakadisplay kaya naman ay kumuha ako hipon, buong manok, at ilang gulay pangsangkap dahil binabalak kong mag luto ng sinigang.

Tatlong supot ng eco bag ang bitbit ko. Inilapag ko muna sa sahig ang pinamili ako binuksan ang condo ni Czack. Napagtanto kong hindi na iyon naka lock. Bumungad sa'kin ang asungot na wala sa mood habang may tinatawagan sa kanyang phone. Ganon parin ang suot niya at nakasukbit pa ang strap ng guitara sa likod. Napalingon ito sa'kin na sobrang sama ang tingin.

" Where have you been? I've been calling you but you're not answering it! " bulyaw niya pa. Galit na galit gustong manakit ang mood ng asungot kaya hindi ko siya pinansin at muling binuhat ang mga bag ng pinamili ko. Malay ko bang tinawagan niya ako eh naka silent yun kanina kasi nag babasa ako. At nasa loob ng front pocket ng hoodie ko kaya kung mag vibrate man ay hindi ko masyadong maramdaman.

Dumiretso ako sa kusina at inilapag sa counter ang mga pinamili. Sinimulan kong nilagay sa ref ang mga ito at tinira ang lulutuin. I turned the stove on and started cooking after slicing the ingredients.

Ilang minuto rin akong nagluto sa kusina at pagkatapos noon ay iginala ko ang paningin sa sala. Wala na doon si Czack. Baka ay nasa kwarto. At tama nga ako dahil lumabas ito mula roon. Nag palit na siya ng damit at basa pa ang buhok. Hindi ko parin siya pinansin at pagkalabas niya ng silid ay siya namang pag pasok ko. Kumuha ako ng damit pang tulog at tuwalya at ipinatong muna ito sa kung saan ang notebook ko kanina. Bumalik ako sa kusina at kumuha ng plato at kutsara't tinidor.

" You cooked this? " usisa ni Czack at tinuro pa ang sinigang.

" Hindi, hulog yan ng langit kanina. Sinalo ko lang " ika ko naman at umupo na.

" Buti di ka napaso mainit pa naman to " sinakyan nito ang pamimilosopa ko sa kanya. I threw sharp stares at him and he just chuckled. Waw kanina lang ang sama sama ng mood ngayon tatawa tawa siya.

" I'm sorry for shouting at you earlier " he said while looking at me. Tinaasan ko siya ng kilay.

" Oh, marunong ka pala mag sorry? " he frowned.

" Susupalpalin mo ba ako lagi? " inis na sagot nito.

Tumango tango ako kaya naman he asked me why.

" Because I hate you " i said simply. He stopped eating for a moment.

Then just remained silent and did not talk again. Pagkatapos ay siya na ang nagsabing siya raw ang mag huhugas ng plato.

Stuck In Every MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon