[ UNDER ]
Lei's POV
We are celebrating but I feel empty. I smile and laugh with them but I am not happy. My injury is hurting but something hurts more.
After seing Cindrel happily talking to Czack just dropped my mood. Hindi ko maintindihan bakit ganon. Masyado akong affected na nakita kong ang saya saya ni Cindrel habang kausap si Czack.
Why is he outside? Hindi pa naman nila breaktime. May klase pa sila.
" Lei, talaga bang ayos ka lang? Hindi mo ba papatingin yang kamay mo?" tinuro pa ni Euka ang kanang kamay kong namamaga.
I nodded and gave her a smile. Finally, she's talking to me more. Dati kasi parang hangin lang ako sa harap niya. Ni tapunan ng tingin ay ayaw niyang gawin.
" Sigurado ka diyan Lei ha!" gatong pa ni Kayt.
Nangangalahati na kami sa aming inorder. Ako naman ay nahihirapang kumain dahil kaliwang kamay ang ginagamit ko. But still, I manage to eat alone, slowly.
" Oo nga. Saka hindi ba talaga tayo babalik ng klase? " tanong ko kasi naman, parang wala silang planong bumalik at talagang uubusin nila ang oras na tatambay dito.
" Sulitin na natin ang excuse letter. Minsan lang naman to! " tumawa pa si Kayt sa sariling sinabi.
Sumangayon si Euka sa kanya at parang sumabay na rin ang desisyon ni Ellain sa dalawa kaya ganon din ang gagawin ko. Isa pa, mahihirapan akong pumasok sakaling may ipapasulat or notes na kailangang itala dahil injured nga ang kanan kong kamay.
" Hindi yan nakita ni coach kanina no? Ipatingin mo yan Lei ha. " suhestiyon ni Ellain sa akin.
Tumango ako muli. Now they are talking about random things. I try to join the chit chat but not for too long. Most of the time, I fall on the deep thought.
" Nga pala Lei, may social media ka ba? " si Kayt.
Ubos na ang kinakain namin at tumatambay nalang kami rito. Hindi naman masyadong matao ngayon kaya hindi kami nag abalang umalis.
" Oo naman bakit? "
" Dati kasi I tried to search your name on IG wala. Tapos you did not accept me on FB yet " busangot na saad ni Kayt.
Pati si Ellain ay sumang ayon din sa kanya. Dali dali ko namang kinuha ang phone ko para tignan.
Totoo ngang hindi ko pa sila na aaccept. Pati si Euka ay nandoon din. I accepted them and we followed each other in IG and twitter.
" Oh my goodness! Fina-follow ka ng crownless kings?! " lahat kami ay napalingon kay Ellain.
" Seryoso? " saad naman ni Euka at kinalikot ulit ang phone niya.
" Hala oo nga! Sanaol " gatong naman ni Kayt.
" Pati ng bago nilang member. Yung Gringo! "
Inusisa ako ng mga kasamahan ko dahil hindi naman raw ganon sila Czack sa iba.
" Hindi nga talaga kami. Seryoso, asa naman kayong papatol yun sa mga katulad ko. Saka isa pa, hindi ko naman siya type " saad ko.
BINABASA MO ANG
Stuck In Every Mess
RomanceShe was known for her brain, talent, and beauty. And not just that but also because she was a rumored daughter of a whore. She haven't met her father not until a tragedy happened. Sianlei Vista la Fiertè. An accelerated teen ager who's studying in...
