[ COLD ]
Lei's POV
" Anong klaseng tingin
yan? " saad ko sa tatlong nanunukso ang tingin sa akin.
Hinablot ko ang hairbrush ko kay Czack. Naka alis na sina Kezia at ang mga kaibigan niya.
" Hala ang issue ni Sianlei" patay malisyang sabi naman ni Kayt.
Tumayo na sila kaya tumayo din ako. Czack help me carry my bag kahit na kaya ko naman na.
" Are they your friends too?" bulong sa akin ni Czack.
Nauna na ang tatlo sa paglalakad. Iniwan nila ako! Panay nama ang lingon ni Kayt sa amin at si Ellain ay halatang tumatawa at pinipigilan ang paglingon ni Kayt sa amin.
" Oo " maikli kong saad at sumabay sa tatlo.
" Lei sabayan mo si Czack doon " sinamaan ko ng tingin si Euka sa sinabi niya kaya natawa sila.
Nilingon ko si Czack na naglalakad sa likod banda namin. He raised his eyebrows when our eyes met. I roll my eyes and focus my sight infront.
Nang makarating kami sa parking lot, nandoon na ang kotse nina Euka. Kaya naman pati si Ellain ay sumabay na sa magpinsan.
" Pano, Lei. Hindi ka na namin yayayaing sumabay ha. May sundo ka rin naman eh " napatingin pa si Kayt sa likod ko.
" Baliw. Ingat kayo!" kumaway ako saka umandar ang kotse nila at lumayo na.
Nauna ako sa kotse ni Czack. Nang sumunod siya ay inilagay niya ang bag namin sa likod. Pumasok siya at tumingin sa akin.
" What do you want for our dinner? " he asked me.
" Kahit ano nalang " sabi ko nang hindi siya binabalingan ng tingin.
Ang dami niyang pakulo ngayon ah. Hindi na ako mag tataka kung maiissue nanaman ako. Bahala na wala na akong pake.
Hindi siya umumik ngunit alam kong nakatingin parin siya sa akin. Ilang saglit pa ay napagpasyahan niya atang paandarin na ang kotse saka ay tumulak kami pauwi.
I take a bath and changed clothes as usual when I got home.
Pag bukas ko ng pintuan ng kwarto upang lumabas ay siya ring pagbukas ni Czack ng pintuan ng condo niya. Iniluwa noon si Shawn na busangot ang mukha.
" Bakit raw hindi ka pumasok kanina sabi ni Lio? Pati sa practice wala ka rin. Parang tanga si Lio kakanta kanta eh parang ungol ng aso boses nun! "
" Hi Lei! " bati ni Shawn nang makita niya ako.
He's siting now on the sofa of the living room. Pumunta naman sa kusina si Czack.
" May pinuntahan ba kayo kanina Lei? " naupo ako sa tabi ni Shawn.
" Huh? Wala naman bakit?" he looks exhausted. Ano bang ginawa ng isang to.
" Hindi kasi pumasok si Czack kanina. Tapos sa practice hindi rin sumipot. Hindi rin namamansin kahit anong text, chat at tawag namin! " napakurap kurap ako sa kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Stuck In Every Mess
RomanceShe was known for her brain, talent, and beauty. And not just that but also because she was a rumored daughter of a whore. She haven't met her father not until a tragedy happened. Sianlei Vista la Fiertè. An accelerated teen ager who's studying in...
