Chapter three

13 7 0
                                    

[ HAVING A FRIEND ]

Lei's POV

Days and weeks passed by. Me and my father rarely talk or see each other at our house. He's always out of the town or country. A businessman indeed. At sa tingin ko ay ayos na rin iyon.

Namimiss ko na sila Maricar at Tado. Sa text lang kami nagkakausap ni Maricar. Nangangamusta lang lagi ang topic. At bukas ay pasukan na.

One week before the reopening of school ay nag pa enroll na ako. And kataka taka pagka punta ko roon ay enrolled na ako. By my father's secretary. Napasimangot pa ako dahil talagang hindi medicine ang kukunin ko. Pero noong nakita kong parte parin ako ng swimming team ng university ay natuwa ako.

Noong isang araw ako bumili ng nga gamit ko ngayong pasukan. Sinamahan ako ni ate Rian. Bumili rin siya ng gamit niya. Si tatay rin pala ang nag papaaral sa kanya.

Alas nuebe na ng gabi at naisipan ko ng magpahinga matapos ayusin ang mga gamit ko. I checked my phone kasi umilaw ito simbolo na may nitification akong natanggap.


It was an email. From my dad. He could have just text me. He's so formal. It says I need to go with him in a dinner tomorrow night after na siguro ng training ko ako pupunta. Hindi na ako nag abalang mag reply sa kanya. Nabasa ko na rin naman.

Will I succeed on my college or not? That's what keep pestering my mind. Pursuing something you don't like or you don't devote yourself into is crazy. It will be difficult. Im scared to fail kahit hindi halata. Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Hanggang sa tuluyang nakatulog na ako.

Matamlay akong bumaba sa kusina. Sinalubong ako ni ate Rian na naghahanda ng plato sa mesa. Umupo ako kasabay niya saka kumuha ng pagkain. Hindi ko alam ang mararamdaman. Ni walang excitement ang dumalaw sa akin ngayong pasukan.


" Lei parang biyernes santo iyang muka mo. Cheer up naman " ika pa niya. Ngumiti lang ako sakanya saka ay patuloy na ngumuya.

Sabay kaming ihahatid ni ate Rian sa university pero hindi sa pag uwi. May part time pa raw kasi siya pagkatapos ng klase niya kaya baka ay mauuna akong makauwi. Naalala ko noong buhay pa si nanay ay ganyan rin ang routine ko.


Kapag tapos na ang klase ay didiretso din ako sa part time ko sa coffee shop ni ate Stella. Nakiusap rin ako na kapag araw ng training ko ay baka ma late ako. Mabuti at mabait si ate Stella. Kahit hindi pa ako nakatungtong sa legal na edad ay hinayaan niya akong mag trabaho sa coffee shop niya. At pagkarating ng bahay ay bugbog ang katawan sa pagod pero nakakagana paring bumangon sa umaga.

Kumaway si ate Rian sa akin bago ito naunang mag lakad padakong gate.

In Argenti University, where i study, walang uniform para sa kolehiyo. I just wore a V-neck shirt and highwaisted pants and paired it with sandals. Kinuha ko ang ID ko sa loob ng bag dahil kailangan iyon i scan bago makapasok.

Nang naiswipe ko ang ID ko ay dali dali akong naglakad habang ibinabalik ang ID sa loob ng bag. Nang makarating ako sa room ko ay pumunta ako sa likod na bahagi at umupo. Kakaunti palang ang mga tao.

Dito rin naman ako nag aral simula noong junior high ako. This is my dream school. There are so many opportunities at maganda ang edukasyon rito. During my highschool, I dont have a friend to call. I may be a top on the class, a part of smimming team, no one dares to be friend with me. Why? Dahil sa inaakala nilang pokpok ang nanay ko.

Nagsimula iyon noong isa sa mga kaklase ko ang nag punta ng bar kasama ang mga pinsan nito isang gabi. At dahil mayayamanin ay hinayaang pumasok. Hindi naman gaano kagarbo ang bar na iyon pero kilala dahil sa mga drinks raw na itinitinda. My mother work there as a server or waitress. Pero most of the time sa kusina siya ng bar nakatoka. Maricar is also working there with my mom.

Stuck In Every MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon