[ MYSTERIOUS GUY AND HIS BROTHER ]
Lei's POV
" Let me explain first Lei. Hear my side okay? " my father said panicking.Great! A new face reaction unlocked. A panicking face of my father. I stared at him darkly as I could.
" Their offer was good and it's for your future. I agreed to the deal to secure your future " and there goes his calm but with authority voice.
Anong future? Balak niya bang sirain ang kinabukasan ko? Di ko maintindihan. Yung ibang mga magulang ayaw itali o matali ang kanilang mga anak sa kasal ng wala pa sa tamang edad. Samantalang ang sarili kong ama, heto at tinatali ako sa kasalang di ko alam at ayaw ko.
" Future my ass! You already decided what course I will take. Pati ba naman sa bagay na ito, Tay?! Ni hindi ka karapatdapat tawaging tatay! " giit ko. Nagpypuyos ako sa galit at tila sasabog na ang ugat ko sa ulo sa kakapintig nito dahil sa inis.
" Watch out with your words Sianlie! Have some respect to me and to our guest! " hindi malakas o mahina ang pagkasabi ni tatay noon ngunit bakas rito ang galit.
Napairap ako saka tinitigan ang mata ng tatay kong puno ng matinding galit sa inasta ko.
" Respect? Why because you're my father? Beacuse you guys are much older than me? Hindi iyan ang rason kung bakit kailangan kang respetuhin! Respect should be earned just like trust and it should not given freely ! Kung walang respeto ang tingin mo sa'kin dahil sa inaasal ko, then be it. Being older is not a free pass to be respected. In order to be respected, you need to be respectable first!" bulyaw ko pa.
He remained silent. Pansin kong iilan sa mga tao sa loob ay pansin na ang namumuong tensyon sa table namin. Ang mga luha ko ay nagbabadya ng tumulo dahil sa inis at galit.
" Am I just a tool for your business? Kaya ba ay kinupkop ko ako para dito? Bakit? Pabagsak na ba ang kompanya mo? Palugi na ba? Naghihirap ka na ba? Ano ba to? Pag payag ba ako sa kasal na sinasabi ng lalaking to," turo ko kay Czack. "Ituturing mo na ba akong tunay mong anak at hindi isang robot na uutus-utusan, at mamanipulahin sa palad mo? " bulyaw ko pa.
Napatayo ang tatay ko at walang pagdadalawang isip na sinampal ako. Sa gulat ko ay hindi ko mapilig pabalik sa kanyang gawi ang mukha ko. Sa lakas noon ay tila nabingi ako at namanhid ang buong mukha ko. Sa labin-pitong taon kong namuhay sa mundo, ni pitik ay hindi nagawa sa akin ni nanay. Ngayon namang ni hindi pa taon ang paninirahan ko sa poder ng tatay ko, bonggang sampal agad ang natanggap ko.
I feel the people with us froze on what just happened. Nag haharumento ang dibdib ko sa poot na nadarama. Nang makabawi sa gulat ay tumayo ako saka lumayo sa aming table dala ang gamit ko.
Lumabas akong namamanhid ang mukha. Unti unti ring rumaragasa ang luhang ayaw na ayaw kong lumabas dahil baka kaawaan ako ng iba. Ano mang pilit kong pigilan ang luha ay patuloy ito sa pagtulo.
Pahikbi hikbi akong pumara ng jeep at noong tumigil ito ay sumakay ako. Aandar na sana ito matapos kong makaupo ngunit tumigil ulit at tila may sasakay pa na pasahero. Umupo ito sa gilid ko at mas nag siksikan kaming pasahero. Hindi ko nalang iyon pinansin.
Hindi ko alam kung uuwi ba ako sa mansyon ng tatay ko o uuwi kina Maricar. Pero naisip ko kung uuwi ako kay Maricar ay baka gulo lang ang mangyayari.
Tinignan ko ang lugar na tinatahak ng sinasakyan kong jeep. At medyo malayo pa ito sa ruta na madadaanan ang subdivision namin. At traffic din kaya baka matagalan pa baga ako makarating doon.

BINABASA MO ANG
Stuck In Every Mess
RomanceShe was known for her brain, talent, and beauty. And not just that but also because she was a rumored daughter of a whore. She haven't met her father not until a tragedy happened. Sianlei Vista la Fiertè. An accelerated teen ager who's studying in...